Mula sa nagyeyelo paligid malayang tumatakbo sa kawalan ang isang kulay berdeng lobo. Nagpakaermitanyo sila ng kanya lobo sa isang malayong bansa. Ilang buwan na nga ba mula nang mapadpad siya sa bansa iyun? Isa,dalawa..tatlong buwan. Ganun na katagal mula ng lumayo siya sa dalaga. Mula ng lumayo siya dalaga naging bayolente sila ng kanya wolf. Marahil dahiL sa pinagsalo-salo damdamin na naramdaman niya. Galit,inis..kabiguan..lungkot...pangungulila at pagmamahal . Lahat na yun ang nagsamasama kaya naman hindi niya mapigilan ang sarili na hindi saktan ang sarili at kung anuman bagay na nasa paligid niya. Nang marating ng anyo lobo niya ang dulo ng bangin na nababalot ng yelo ay buo tindig na nagpakawala ito ng puno ng pait at galit na ingay na pumainlanlang sa ibabaw ng nagyeyelo kapa

