Malakas ang kutob niya na ang pupuntahan ni Lish Anne ay ang magiging susi ng katotohanan. Hindi niya man alam kung ano ang malalaman niya pero tiyak siyang may kinalaman ito sa buhay ng asawa niya. Ang lokasyon na tinuturo ng tracker ay hindi pamilyar sa kaniya. Kung doctor niya ang pupuntahan ni Lish Anne ay tiyak siyang isasama siya nito. "f**k," mura niya nang nakita niyang mas papalayo pa ang asawa niya. Mahigpit siyang nakahawak sa manibela ng sasakyan niya. He was eager to see that someone his wife would be seeing. Hindi siya mapakali. Parang gusto niyang ipalipad na lamang ang kaniyang sasakyan upang matunguhan agad niya ang paroonan ng asawa niya. Muli siyang tumingin sa screen ng smartphone niya. Both edge of his lips were lifted. "Gotcha," aniya nang makita na huminto ang

