Nakatulala siya at malalim ang iniisip. Tumungo siya sa balkonahe ng bahay nila at nakatitig siya sa malayo. Kaniyang pinakawalan ang marahas na hangin na kanina pa niya tinigilan. Biglang tumunog ang smartphone niya kaya ay tumitig siya rito. "Hello, this is Margarita. Kung oorder po kayo ng mga bulaklak ay mabuting ang kaibigan ko po ang inyong kontakin. May—" "Greta, it's me. Parker." Bigla niyang naramdaman ang pagtaas ng kaniyang BP. Naiinis siya sa tuwing naririnig niya ang boses ng lalaki. Inisip niya kung saan nakuha nito ang numero niya? Noon ay hanap-hanap niya ang lalaki. Pantasya niya ito sa bawat gabing dumating. Pangarap niyang magising sa umaga na nakahiga sa bisig ng lalaki. Iba na ngayon. Tunay na ang nais niya na lang ay kabutihan para sa kanilang mag-ina. Kahit

