Hindi siya nakapagsalita. Hindi siya puwedeng magpadala sa galit na mayroon siya sa puso niya. This time, ang kailangan niya ay hindi ilabas ang mga salitang nasa utak niya. Ang dapat na gawin niya ay magpakumbaba at maging manhid laban sa mga masasakit na salitang ibabato ng babae sa kaniya. Lumapit sa kaniya si Lish Anne at agad siya nitong tinitigan mula ulo hanggang paa. "Ano ang sadya mo?" Kasabay ng kaniyang pagtitig sa mga mata ng kausap ay ang pagbagsak ng kaniyang mga luha. "Tulungan mo ako, Lish Anne. Kailangan ko ang tulong mo," sabi niya. Lish Anne laughed sarcastically. "Saan na ba iyong tapang mo at bakit desperate kang humingi ng tulong sa akin? Inahas mo ang asawa ko at nagkaanak ka pa sa kaniya. Pilit mo ting isiksik ang mga sarili niyo sa asawa ko. What do you

