Hindi siya mapakali sa labas ng OR. Natatakot siya na baka mapahamak ang isa sa mga bata. Ang tanging nagawa na lamang niya ay pag-isahin ang mga kamay at marahan niyang pinamasahe sa isa't isa ang mga kamay niya. Siya ay napatingin na lang kay Jaye nang pinatong ng lalaki ang kamay nito sa mga kamay niya. Naramdaman niya ang init ng palad ng lalaki. The man squeezed her hands and it made her stare at the man's face. Nakangiti sa kaniya ang lalaki kaya naman ay puwersa siyang ngumiti. "Nate, natatakot ako kasi baka mapahamak ang isa sa kanila." "Hindi iyan, Greta. Parehong matatag ang mga bata. Isa pa ay mahal na mahal nila ang isa't isa. Hindi kasi kaugali noong si Mattina si Keila. Maganda ang puso ni Keila. It was obvious that she has a great love to your daughter." Tama si Nate

