Nanatili siyang nakatalikod sa lalaki. Hindi niya pa rin alam kung ano ang kaniyang pasya. Malakas ang t***k ng puso niya. Kung kailan ay unti-unti nang humihilom ang puso niya ay roon naman siya sinusubukan muli ng tadhana. "Miss," tawag ulit ng lalaki sa kaniya. May kung anong materyal sa boses ng lalaki na naging dahilan upangbsiya ay lumingon dito. bumalik na naman ang tikas ng lalaki at kaguwapuhan nito. Umiling siya at sinubukang umarte nang nornal. "Yes? Ano ang kailangan mo?" Sa wakas ay nagkaroon na rin siya ng tinig. Kanina kasi ay literal na nawalan siya ng boses. Kinilatis ng lalaki ang kaniyang mukha. Parang ito ang unang pagkakataon na nakita siya ng lalaki. Tumikhim si Greta. Ang lalaki naman ang para bang nahipnotismo niya. "Sir, nagmamadali ako. Busy akong tao at

