Nahiya siya sa ginawa ni Parker sa kaibigan niya. Huminga siya nang malalim habang inaayos ang buhok niya. Tuloy sila sa pag-party, pero sa ikatlong araw na mula noong nangyari ang pagsapak ni Parker kay Nate. Hindi na nga sana siya sasama pero mapilit si Lexi at Nate. Sinundo siya ni Nate. Ayon sa lalaki ay iisang sasakyan na lang ang dadalhin nila upang kapag pauwi na ay matiyak nito na ligtas silang dalawa ni Lexi. Dinaanan nila si Lexi bago sila tumuloy sa bar na pupuntahan nila. Nag-aalala siya na baka ay tuluyan na siyang hindi kakausapin ni Parker. Pinaliwanag naman niya sa lalaki ang lahat pero tila ba ay may malaking harang sa tainga nito na siyang dahilan kung bakit ayaw siyang pakinggan ng lalaki. "Kumusta naman si Parker? Kinausap ka na niya?" Umiling siya at kaunting

