Binabad niya ang sarili niya nang ilang oras sa pagligo na para bang may pinaghahandaan. Isang puting lingerie ang sinuot niya. Maagang natulog ang mga bata dahil napagod siguro ang mga ito sa paaralan. She applied a light make-up to her face. Alam niyang hindi siya lalabas ngayong gabi pero may kung anong umudyok sa kaniya na gawin ang bagay na iyon. Malapad na ngiti ang kaniyang nakita sa repleksyon niyo. "You don't need to put colors on your face, baby. Ang ganda mo na para sa akin," sabi ng lalaking nakatayo sa kaniyang likod. Daig pa ng lalaki ang multo dahil sa ugali nitong pasulpot-sulpot kung kailan nito nais. Tumayo siya at humarap siya sa lalaki. "Mister Sherlock, bakit bigla ka na lang sumusulpot? Nagmessage na ba ako sa iyo?" Lumakad papunta sa kaniya ang lalaki. Napakap

