CHRIS Lumipas ang pasko at bagong taon na masaya ang puso ni Chris. Nabigyan ng panibagong kulay ang kanyang mundo at nagkaroon siya ng dagdag na inspirasyon. Tumungo siya sa bahay nila Calai noong pasko at pormal na hinayag sa dalaga ang kanyang panliligaw. “Seryoso ka ba? Teka lang. Baka kasi natutuwa ka lang dahil madalas tayong magkasama tsaka magkausap. Marami namang umaaligid sayo for sure,” alinlangan si Calai habang nag uusap sila sa ni Chris sa kanilang lanai. “Yup, dead serious. Calai, what’s not to like about you. Matalino, professional, malambing, supportive,” sagot naman ni Chris. Hindi niya na idinetalye ang ganda ng dalaga. Hindi katangkaran si Calai, ang buhok ay itim hanggang balikat, bilog ang mga mata, mahaba ang mga pilikmata, at may maliit na ilong. Sa biglang tingin ay hindi mo mapapansin si Calai. Pero kapag tinitigan mo siya ay dun lumalabas ang angking kagandahan niya. Alam ni Chris dahil sa tuwing nag uusap sila ay wala siyang ibang naririnig kundi ang tinig ng dalaga, at nakikita kundi ang mukha nito. “Just please give me a chance. I won’t put my best foot forward, instead, I’ll show you the real me. No pretentions, Calai,” hawak niya na ang dalawang kamay ng dalaga at nakatingin diretso sa kanyang mga mata. “Chris, hindi ako sure. Alam mo naman ang nangyari sa akin di ba. Natatakot akong masaktan. Natatakot ako na mamahalin kita tapos ay hindi rin naman tayo hanggang dulo. I don’t want what we have now to last…” malungkot na saad ng dalaga. “Hindi mo naman ako kailangang sagutin agad, Calai. Let’s take it a day at a time. Hindi ko maipapangako na hindi tayo magtatalo, pero pangako ko hanggang dulo, hindi kita lolokohin. Hindi ko gagawin sayo ang ginawa ng ex mo.” That jerk! Naisip ni Chris.
CALAI Naiwan si Calai sa lanai nang magpaalam na si Chris. Pumayag rin siya na manligaw ang binata, at napagkasunduan nila na huwag madaliin at ienjoy lang kung anuman ang meron sila. Nabasag ang katahimikan ng tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang nag follow pala sa kanya ang binata, at isa isang ni-like ang mga posts niya. Bahagya naman siyang napangiti. Ang totoo ay natatakot si Calai. Una, na muling masaktan at pangalawa, baka nalaman ni Chris na may gusto siya dito kaya nanligaw sa kanya. “Ano bang iniisip mo, anak?” magiliw na tanong ng ama. “Dad kasi, manliligaw daw si Chris eh.” “Oo anak, kinausap niya ako noong mag lunch tayo sa Alabang. Humingi siya sa akin ng permiso. Alam kong may alinlangan ka, pero mukhang mabait naman si Chris. Humarap siya sa akin na buo ang loob, kaya naman binigay ko rin sa kanya ang blessing ko.” “Thank you dad. Hmmm, nakakatuwa naman pala ang ginawa niya.”
Maagang pumasok sa school si Calai, ngayon ang career orientation para sa mga junior at senior students. May apat na speakers sila ngayong araw na pawang iba iba ang propesyon. May dentista, movie director, ballerina, at interior designer. Mga graduates din sila ng eskuwelahan katulad niya. Naglalakad siya papunta sa gymnasium nang matanaw niya ang mga highschool students na may pinagkakaguluhan. Nang makalapit ay nakita niyang si Chris pala! Nanlaki ang mga mata niya, at bahagyang namula nang kawayan siya ng binata at agad na nilapitan. “Sorry ha, pinapasok na kasi ako ng guard, sabi nasa gym ka daw kaya papunta na sana ako dun.” Saad ni Chris habang napakamot sa kanyang batok. “Okay lang, anong ginagawa mo rito?” tanong naman ni Calai. “Kaibigan ko kasi yung interior designer na guest niyo ngayon, may meeting kasi kami after ng talk niya dito with the client in Alabang, eh naisip ko lang na dalawin ka.” Hindi na magkamayaw ang mga estudyante na gustong magpa picture kay Chris kaya naman minabuti na ni Calai na ayain siya paakyat sa back stage. “Pag may time mamaya, isisingit kita sa dulo ng program, baka pwede kang magbigay lang ng motivational speech para sa mga bata,” ani Calai kay Chris. Natulala sandali si Chris sa sinabi ni Calai at napakamot sa ulo habang bahagyang kinusot ang buhok, “Patay tayo diyan, hahaha! Sige subukan ko. Maikli lang, okay lang ba?” “Oo naman, maraming mai inspire sayo, sikat kaya kayo!” sabay kindat sa binata.