CHAPTER 33 I was very speechless from what I heard from his mouth. I don't know why but I felt so special. Normal pa ba 'tong nararamdaman ko sa kanya ngayon? Parang hindi na yata 'to maganda, ah? Bakit parang delikado na yata 'to? Umikot ang aking mga mata sa kanya para ipakita na hindi ako naniniwala sa kanyang mga sinabi. Kahit sa loob- loob ko ay parang nagdidiwang na ang aking puso. "Bumangon ka na d'yan, Mayor! Hindi ka pwedeng malate ngayon, ikaw pa naman ang pinaka kailangan sa munisipyo." aya ko sa kanya at dahan- dahan na bumangon. Ang sakit ng buong katawan ko! Ang hirap gumalaw! Parang lahat ng part ng katawan ko ay masakit. Lalo na iyong pang- ibabang part ko. Talagang medyo kumikirot iyon kaunting galaw ko lang. Kahit nakailang beses na kaming dalawa ni Mayor ay hindi pa

