CHAPTER 45 “Astrid, bilisan mo na d'yan. Baka magsisimula na ang misa. Ano ka ba naman, kanina pa kayo labas at pasok sa kwarto mo.” nakahanda naman na ako. Nakabihis na nga ako kanina pa. Kaso lang ay biglang nag- text sa akin si Mayor na sasama raw siya sa amin na magsimba. Naging balisa tuloy ako at parang gusto kong palitan ang damit na suot ko. Pero sabi ko nga na ito na Lang ang natitirang dress ko dito dahil nandoon na halos lahat ng damit ko sa bahay niya. “Ito na po, Nay!” sigaw ko kay Nanay at lumabas na ng kwarto ko. Ako na lang pala ang hinihintay nilang lahat. Nakaupo na silang tatlo sa sala namin at inaabangan akong lumabas sa aking kwarto. Nahihiya naman akong ngumiti sa kanila nang lumabas na ako. Nakasuot ng puting dress ang kapatid ko at may malaki itong ribbon sa kany

