CHAPTER 46 Nanlaki ang aking mata at napatigil talaga ako sa aking ginagawa. Ano na namang ginagawa ni Mayor dito sa bahay namin? Bakit parang naging habit na niya yata ang pagpunta sa bahay namin? Talagang pag- uusapan na ako ng mga kapit- bahay namin dahil sa ginagawa niyang ito. Hindi talaga nag- iingat si Mayor. Ako nga ay halos hindi ko na gustong makita kaming magkasamang dalawa dito sa lugar namin. Isang beses oo, pwede siyang pumunta dito sa bahay namin. Medyo hindi pa siguro magtataka ang mga tao dito sa lugar namin dahil katulong naman nila ako sa kanilang bahay. Kaya pwede nilang isipin na baka may tulong lang na binigay sa amin. Pero kung sunod- sunod na ay parang iba na yata ang sasabihin ng mga tao sa amin. Hindi ba 'to busy 'to bakit pumupunta na siya palagi dito? Hind

