CHAPTER 36 "Mayor. . ." mahina kong sagot ko sa kanya. Ang kapatid ko naman ay nakatingin lang sa akin habang may mga ngiti sa kanyang mga labi. Hindi pa nito alam na andyan na si Mayor sa labas ng bahay namin. Ano na lang kaya ang magiging reaksiyon nito kapag nalaman niyang nandoon na si Mayor sa labas ng bahay namin at naghihintay na lang na pagbuksan ko siya ng pinto. "I am waiting outside, Astrid. I know you saw me already." sumilip ako ulit doon sa maliit na siwang ng kurtina. Nakatingin pa rin siya sa bahay namin. Ang kanyang isang kamay ay kalagay na sa isang bulsa ng kanyang pantalon. "Anong ginagawa n'yo dito, Mayor?" pilit kong nililiitan ang aking boses para hindi iyon marinig ng kapatid ko. Pero kahit anong hina ko yata ay mukhang rinig na rinig niya pa rin ang aking sina

