CHAPTER 35 Nagpanggap pa rin akong walang naririnig pero ang totoo ay nakikinig na talaga ako usapan nila. Sino na naman kaya ang babaeng kasama ni Mayor? Imposible namang si Miss Nicole iyon dahil kilala naman na ng lahat si Miss Nicole dito sa lugar namin. Baka baguhan pa iyon kaya hindi nila kilala? “Girlfriend na niya siguro 'yon, nakita ko talaga ang paghawak ni Mayor sa bewang nung babae. Ang ganda naman kasi talaga nung babae, parang beauty queen!” mas lalo akong naging curious kung sino nga ba ang babaeng 'yon. “Swerte naman ng babaeng 'yon at nakuha ang Mayor natin!” Ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ang puso ko. Bakit ngayon ganito na ako makareact sa nalaman kong may nababalitang babae si Mayor? Pilit ko

