CHAPTER 6 ( MAYOR MAVI'S POV ) Binuhusan nila ng isang baldeng tubig ang lalaki upang magising na. "Anong gagawin n'yo sa akin? Bakit ako nandito?" kinakabahang tanong niya nang makita niya kami. Patuloy lang ako sa paghithit ng sigarilyo habang naka de kuwatro ang aking mga paa. "Ano ang mga nakita mo?" diretsahang tanong ko sa kanya. Ayaw ko ng magpaligoy- ligoy pa, alam kong hindi 'to aamin kaagad. "Po? Wala po akong nakita, Mayor. Hindi ko po alam ang mga sinasabi n'yo." lasing na lasing ito kanina pero ngayon mukhang nawala na ang kanyang kalasingan. "Ano ang nakita mong ginawa ng lolo ko?" ulit ko sa aking tanong. Pero sa puntong ito ay sobrang diin na ng aking pagkakasabi. Nagsisimula na rin akong mainis doon. "Wala po akong alam sa sinasabi n'yo, Mayor." napataas ito sa kany

