CHAPTER 4 ( SLIGHT SPG )
Parang gusto kong bumalik doon sa loob ng kwarto namin dahil nandoon si Mayor Mavi sa kusina. Pero huli na ang lahat para bumalik pa ako doon, dahil naramdaman siguro nila ang aking presensya at napalingon silang dalawa sa aking direksyon. Malamig ang mga titig sa akin ni Mayor Mavi, habang si Manang Susan naman ay nakataas ang kilay sa akin. Wala na akong magagawa pa dahil nakita naman na nila ako kaya kahit nahihiya man ay naglakad na ako papalapit sa kanilang dalawa. Parang timang naman yata ako kung babalik pa ako doon sa loob.
"Magandang hapon po, Mayor Mavi." bati ko sa kanya nang lumapit na ako. At sa ikalawang pagkakataon ay hindi na naman ako nito sinagot. Iniwas niya ang tingin sa akin at bumaling siya ulit kay Manang Susan. Mukhang hangin lang ako at hindi man lang ako pinansin kahit isang tango lang.
"Pakihatid nalang sa office ko ang hinihingi ko sa inyo, Manang Susan. Pakibilisan po." sabi nito. Ngayon ko lang narinig ang kanyang boses na walang micropohone. Mas lalo lang itong lumamig at wala ka talagang makukuhang emosyon doon.
Tumango si Manang Susan sa kanyang sinabi.
"Yes po, Mayor Mavi. Ihahatid ko nalang mamaya kapag natapos ko na." tumalikod na ang Mayor at hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Ang istrikto talaga niya. Parang wala itong pakialam sa paligid niya.
"Ano pang tinatayo mo d'yan? Papansin ka rin, e, 'no? Kita mong nag- uusap kaming dalawa dito ay lumapit ka pa talaga sa amin. Umalis ka nga sa harapan ko, bilisan mo na at kumain ka na! Hindi ko nagugustuhan na makita ang pagmumukha mo ng matagal." yumuko nalang ako at hindi siya sinagot. Lumapit na ako doon sa gilid at pumunta sa may lamesa. Ang hapagkainan na ito ay para lamang sa amin na mga kasambahay, hindi kami pwedeng kumain doon sa isang malaking table dahil para lamang iyon sa pamilya at mga bisita ni Mayor Mavi. Malapad iyon at nasa bente yata ang taong pwedenv kumasya doon. At minsan lang naman daw iyon kinakainan. Palagi raw ay si Mayor Mavi lang ang kumakain sa mahabang lamesa na iyon. Mas gugustuhin ko pang kumain ng kaunti at mga simpleng pagkain lang basta kasama ko ang mga mahal ko sa buhay. Kesa naman na madami ngang mga masasarap na pagkain at mamahalin pero hindi ka naman mag- eenjoy dahil ikaw lang mag- isa ang kumakain doon.
Nakita kong kaunting kanin lang at ulam ang natira sa akin doon. Mukhang mga tira- tira nalang nila ang ang naiwan dito para sa akin. Pero dahil gutom ako ay kinain ko pa rin iyon. Babawi nalang ako ng kain mamaya sa hapunan. Hindi nalang din ako nagreklamo pa kay Manang Susan baka kasi ay mas mag- init pa ang dugo sa akin. Wala pa nga akong ginagawa ay mainit na kaagad ang mga dugo nila sa akin na para bang may malaking kasalanan akong ginawa sa akin.
Dahil kaunti lang din naman ang pagkaing natira sa akin ay mabilis lang din akong natapos nna kumain. Pagkatapos kong kumain ay lumapit ako sa lababo para hugasan ang aking pinagkainan. Habang naghuhugas ako ay may boses akong narinig na mukhang kakarating lamang sa loob ng bahay. Tinatawag nito si Mayor Mavi. Umalis si Manang Susan at pinuntahan ang babaeng sumigaw. Nagpatuloy lang akong naghugas doon at hindi nalang pinansin.
Saktong tapos na akong maghugas ay pumasok ulit si Manang Susan sa loob ng kusina.
"Magbihis ka ulit doon, linisan mo ang isang kwarto. 'Yong sa pinakadulong guest room. Bilisan mo ang mga kilos mo. Gagamitin na 'yon." mabilis akong tumango sa kanya at umalis na. Nagbhis ako ulit ng pag maid na suot. Lumabas ulit ako sa kwarto namin at umakyat na doon sa ikalawang palapag para gawin ang inutos sa akin ni Manang Susan. Para siguro ito sa babaeng dumating kanina, baka dito ito matutulog mamaya.
Natatandaan ko naman kung saan ang kwarto na iyon kaya tuloy- tuloy na akong naglakad. Hindi ko alam kung saan na nagpunta ang babaeng dumating kanina. Ang hula ko rin ay baka dito matutulog ang babae kaya pinalinisan sa akin 'to ni Manang Susan.
Nang dadaan na sana ako sa kwarto ni Mayor Mavi ay nagtaka ako kung bakit parang may naririnig akong halinghing ng isang babae doon. Dahail na curious ako ay tumigil ako sa paglalakad upang tingnan kung ano iyong tunog na iyon. Nakabukas ng kaunti ang pintuan kaya nakikita ko kung ano ang nasa loob ng kwarto. At halos mabitawan ko ang aking dalang panlinis dahil a aking nakita. Hindi naman na ako inosente pa para hindi malaman kung ano man ang inagawa nila ngayon. Pero first time ko lang makakita ng ganito sa buong buhay ko. Naghahalikan silang dalawa, nakaupo si Mayor Mavi sa dulo ng kama at nakaupo naman sa kanyang kandungan ang isang babae. Wala na itong suot na damit, ang mga kamay ni Mayor Mavi ay nasa dibdib na ng babae. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, parang natuod na ako sa aking kinatatayuan.
"Ahh! I miss this Mavi! I missed your lips on my skin so much!" halinghing ng babae nang bumaba na ang mga halik ni Mayor Mavi sa kanyang dibdib.
Ang kamay ni Mayor Mavi ay nasa pwet na ng babae at nanggigil na hinimas niya iyon. Napaliyad ang babae sa ginagawa ng Mayor doon sa kanyang dibdib.
Patuloy lamang sa paghalik sa kanyang dibdib si Mayor Mavi, habang ang kanyang mga kamay ay nakasabunot na ito doon sa buhok ni Mayor. Mukhang sarap na sarap siya sa bawat hagod ng dila ni Mayor Mavi sa kanya.
“Ahh! Ahh! Ang sarap mo talaga, Mavi!”, sigaw ng babae. Rinig na rinig ko iyon.
Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero nagtagpo ang mga mata naming dalawa ni Mayor Mavi. Parang ako nahihipnotismo sa kanyang mga titig sa akin at hindi kaaagad ako nakakilos doon. Mas diniin ng babae ang kanyang sarili kay Mayor Mavi nang tumigil na ito sa paghalik sa kanyang dibdib.
“Mavi?” naiinis na asik nito.
Pero nang makita ko siyang tumigill sa kanyang ginagawa ay mabilis akong umalis doon. Nanginginig ang aking mga paa habang naglalakad ako papunta sa kwarto na pinapalinisan sa akin. Paniguradong mapapagalitan ako nito! Bakit ba kasi ako nanood pa doon sa kanilang dalawa? Maling desisyon talaga iyong ginawa ko. Nako talaga, Astrid! Ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo? Hindi ka talaga nag- iingat! Bakit naman kasi hindi nagsasara ng pintuan si Mayor. Dapat kung gagawa sila ng ganoon ay siguraduhin nilang walang taon makakakita sa kanila. Nadamay pa tuloy ako dito.
Habang naglilinis ako ay hindi pa rin umaalis sa aking isipan ang nakita ko kanina. Habang patapos na ako sa kaing ginagawa ay mas lalo lag nadagdagan ang takot sa aking puso. Sa oras na lumabas ako dito at dumaan ako ulit doon ay hindi na talaga ako titingin pa kahit ano pa ang aking marinig. Mas lalo lang akong pag- iinitan nito. Sana naman ay 'wag na 'yong makarating pa kay Manang Susan.
Nang matapos na akong maglinis ay lumabas na ako ng kwarto. Mabilis ang naging lakad ko nang nasa tapat na ako ng kwarto ni Mayor Mavi. Hindi talaga ako lumingon pa. Mabuti nalang ay nagtagumpay naman akong malampasan ang kwarto niya. Nang bumaba na ako ay saktong nakasalubong ko si Manang Susan. May mga dala itong pagkain. Nakasimangot ito sa akin nang lumapit ako sa kanya. Mukhang galit na galit na naman.
"Kailangan n'yo po ng tulong, Manang Susan?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko kailangan ng tulong mo. Ano na namang ginawa mo at bakit galit na galit si Mayor? Bilisan mo na d'yan at kanina ka pa niya hinahanap. Sinabi ko na naman sa 'yo ang mga bawal mong gawin, 'di ba? Bakit sinusuway mo pa rin? Pati tuloy ako ay nadamay! Malas ka talaga dito! Hindi ka pa nga umaabot ng isang araw pero puro kapalpakan na ang ginagawa mo sa loob ng pamamahay na ito."