(Kaylin/Henrietta) Habang busy ang lahat sa pag-aayos para sa charity event ay inutusan ako ni Ezekiel na maghalungkat ng mga gamit na hindi ko na nagagamit dahil may isang bagong program daw na dinagdag si Madam De Chiel para sa mga orphanage. "Eto na po lahat madam?" tanong sa akin ng isang maid. Tumango ako at inilagay sa huling box ang mga gamit na hindi ko na nagagamit. "Oo, pakilagay na lang sa sasakyan para madala sa venue." utos ko dito at pinagpagan ang kamay ko. Bukas na pala yung Charity event at wala kaming ibang ginawa kundi ang maging busy sa mga kinakailangan, hindi rin kasi kaya ng powers ni tito kaya nagpatulong na siya sa amin ni Flynn. And speaking of Flynn, nasaan na kaya yun? Pumunta ako sa garahe at kahit malayo pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang mati

