(Kaylin/Henrietta) "Madam eto po ang ganda bagay na bagay sa inyo," excited na usal ng isa mga nag-aayos sa akin. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko dahil ang dami nilang nagvolunteer na tulungan akong mag-ayos. Dumaan dito kagabi si Lazarus to give me something. (Last night) "What are you doing here Mr. Stewart?" bungad ko kay Lazarus na ngayon ay mukhang asong nakangiti sa akin. Napalingon ako sa paligid at nakita ko ang isang pares ng mata na masama ang tingin kay Lazarus. "Actually, nalaman ko kasi ang katangahan ng fiancee ko kaya I came personally to apologize on her behalf. To compensate her rudeness to you, dumaan lang ako para ibigay to sayo." May binigay sa kanya ang kasama niya na isang box at binigay niya ito sa akin. Kunot noo

