(Kaylin/Henrietta) Kinakabahan ako sa posibleng mangyari sa charity events, this is the first time na magkikita ulit kami ng pamilya ko bukod nung unang pagkikita namin. Actually, isang tao lang ang namiss ko. Ang kapatid ko, si Joseph. "What are you thinking?" Ezekiel asked. Napansin niya rin ata ang pagiging down ko, bumuntong hininga na lang ako at napasandal sa upuan ng sasakyan. "I was just wondering if ano yung magiging reaksyon ng pamilya ko, I know that they already know that I am Kaylin but I am quite afraid na baka makilala ako ni Joseph." He knows me more than anyone else, kaya alam kong nagdududa na si Joseph hindi niya sinasabi kay daddy at mommy dahil sa posible nilang gawin sa akin. " Tsaka mo nalang isipin yan pag nagkaharap na kayo at kapag nangyari yun, hindi

