(Kaylin/Henrietta) Hindi pa rin talaga nagbabago ang taong to, his eyes are still proud like he owns the world. "I know that this is not the first time na nagkita tayo Mrs De Chiel," his low tone is intimidating as usual. Ano pa ba ang bago? Pag hindi niya talaga nagustuhan ang mga bagay sa paligid niya ay gagawin niya ang lahat para mafeel na maout of place ka. "Yes, I think so." nakangiti kong sagot. Dumating naman sa tabi ko ang isang bata na nahihiyang kumalabit sa akin, napadako roon ang tingin ko at napangiti ako dahil sa pagka chubby ng pisngi niya. "Hello?" bungad ko rito. Napangiti naman siya ng malapad at may kinuha sa cartoon niyang bag, isa iyong papel at binigay sa akin ang papel na yun. Wala sa sariling kinuha ko ang papel at binasa. "Angel?" nakangiti kong basa roo

