Napansin ni Chubs na kumislot nang kaunti ang Rokurokubi. Sinabuyan niya ng asin sa ulo ang Yokai at agad naman itong nagising nang maramdaman ang pagkapaso ng balat.
"AH! Ouch!" Pagkabangon nito ay agad na sinigawan si Chubs, hawak ang kaliwang mata, "Why did you do that?!"
"Standard procedure!" sagot ni Chubs, tila nagbibiro pa rin, "Sa horror movies, asin panlaban sa mga kalaban."
Kumunot lamang ang noo ng dalaga, tila naiinis at naguguluhan.
Natuon naman ang pansin ni Chubs sa gilid, nakahandusay pa rin doon si Joriz pero ang nakakapagtaka ay nakangiti ang kaibigan.
"Yumi... Akari... Saki... wait for me..." Nagsasalita nang gising si Joriz at mukhang nasisiyahan pa sa panaginip
Natigilan si Chubs, tama ang hinuha ni Mattia kanina na nag-eenjoy lang itong si Joriz sa sarili nitong ilusyon. "Talaga naman!" Kumunot ang noo niya dahil sa pagkairita sa kaibigan. "Hoy!" Sinigawan niya si Joriz sa tainga pero wala pa ring reaksyon. "Hoy, Romeo. Gumising ka na! Buysit ka!"
"Reika... you're glowing..."
Tok! Hindi na nakatiis pa si Chubs, kinotongan na niya si Joriz sa ulo.
"Ano ba!" Wala pang dalawang segundo ay napabangon agad itong si Joriz, naiinis na naphawak pa ito sa ulo nang tumingin kay Chubs. "Grabe ka! Ang ganda ng panaginip ko,eh!"
"Saka ka na managinip kapag nakaalis na tayo rito!" Pagkasabi niyon ni Chubs bumalik ang atensyon nila sa reyalidad ng sitwasyon. Lahat sila ay napatayo at tumitig sa babaeng naka-yukata na nakatayo sa tapat ng shrine.
Hindi nila mabasa ang reaksyon ng babae. Nagulat ba ito nang makaalis sila sa ilusyon nito or natutuwa dahil kakaiba sila?
Bago pa sila makapag-usap ay may tila kumalabog. Nanlaki ang mga mata ni Joriz nang mapansin na sa gilid ng daanan patungo sa shrine, gumalaw ang dalawang estatwang leon. Ang mga matang walang buhay ay ngayon ay nakatutok na sa kanila. Nahintakutan na nagtago siya sa likod ng Rokurokubi.
"Chubs, gumalaw ang mga estatwa. Ibig-sabihin ay Object Yokai din ang mga iyon?" tanong agad ni Mattia sa kaibigan.
"Ha?" Nagtataka na napatingin si Chubs sa tinuran ni Mattia. Nakikita niya ang dalawang estatwa na nakatayo sa magkabilang gilid ng shrine. Gumagalaw nga ang mga iyon na tila may sariling buhay. "Hindi sila mga Yokai. Komainu ang tawag sa kanila, Mattia. Mas kilala sila bilang mga guardian lion-dogs na nakabantay sa mga Shinto shrines. Mga sacred guardian creatures, pero hindi sila considered na Yokai!"
"Nakikita mo sila?" Nagulat si Joriz nang mapagtanto iyon.
"Oo dahil hindi sila typical yokai! Hindi sila mga spirits! For the first time, nakakita na rin ako sa wakas ng mythical creature!" Halata sa mga mata ni Chubs ang pagkasabik, natutuwa siya na may nakita na rin siyang iba sa tanang buhay niya. Kay tagal niya itong hinintay.
"Congrats Chubs! Level up!" sabi ni Joriz na mukhang natuwa para sa kaibigan pero nagtatago pa rin siya sa likod ng Rokurokubi.
"Nag-iimprove na ako, Mattia!" wika ni Chubs na may malawak na ngiti. "Nakikita ko ang mga komainu!"
Kumunot ang noo ng babaeng kalaban. Hindi niya maunawaan kung bakit parang natutuwa pa ang mga lalaking nasa harap. Hindi ba nauunawaan ng mga ito na nasa panganib sila?
"Good for you, Chubs pero mukhang 'di ito ang tamang oras para mag-celebrate," wika na lamang ni Mattia.
Unti-unting bumaba ang mga estatwang gumagalaw, patungo ang mga ito sa kanila. Bawat hakbang ng mga ito ay naririnig nila ang huni at dagundong ng mga totoong leon.
"Those are sacred shrine guardians, so hindi sila random dekorasyon," wika ni Chubs sa mga kaibigan. "Lumalapit sila nang paunti-unti. Umatras tayo."
"Paano matatalo ang mga ito Chubs?" tanong agad ni Mattia habang umaatras silang lahat patungo sa labas ng shrine. Hindi nila ito kaya, mukhang mas malakas ang mga ito sa kanila.
"Any plan?" singit ni Joriz. Kinakabahan at natatakot pa rin ito kaya nasa likod ng Rokurokubi.
"Kailangan ilayo sila sa shrine!" sagot ni Chubs. "Home court advantage nila 'to! Kapag lumabas sila, babalik sila sa pagiging bato."
"Got it!" sang-ayon agad ni Mattia. "Maghiwa-hiwalay tayo! Rokurokubi, ikaw na bahala kay Joriz!"
"Okay!" Hindi rin tumutol ang kasamahang Yokai. Binuhat nito si Joriz na parang prinsesa saka nagtatakbo sa kabilang direksyon.
Parang gustong matawa ni Chubs nang makitang binuhat ng babae ang kaibigan pero hindi ito ang tamang oras para humagalpak ng tawa. Nanatili siyang nakatingin sa kanila, nagpipigil ng halakhak.
"Chubs!" Tinulak siya ni Mattia at nasubsob siya sa kabilang panig ng lupa. Doon lamang nabaling ang atensyon niya sa mga kalaban. Sinugod na pala sila ng isang komainu at tinulak siya ni Mattia para hindi siya makain ng lion-dog. At iyong pangalawang estatwa naman ang humabol sa Rokurokubi at kay Joriz, patungo sa kabilang panig.
Sumakay si Mattia sa likod ng Komainu at mukhang lalong nairita ang halimaw. Pinipilit nitong tanggalin ang lalaki sa likod pero magaling talaga kumapit at mang-inis si Mattia. "Chubs, sugurin mo ang babaeng nasa tapat ng shrine! Baka siya ang kumokontrol sa mga ito! Bilisan mo!" Habang nagpupumiglas ay nagbilin ang binata.
Nang sabihin iyon ni Mattia, mabilis na bumangon at tumayo si Chubs. Tumakbo siya patungo sa shrine kung saan nandoon ang dalaga. Sinubukan pa ng babaeng Yokai ang umiwas gamit ang ilusyon pero hindi tumatalab kay Chubs ang kapangyarihan nito.
Sinunggaban ni Chubs ang babae, pareho silang bumagsak sa sahig.
At sa isang iglap biglang lumabas ang dalawang puting buntot ng babae, biglang sumingaw ang mga tainga nito mula sa buhok— Fox ears. White. Luminous sa dilim.
Nakita ni Mattia na lumabas ang tunay na anyo ng Yokai at dahil na-distract ang binata sa nakita kaya bumagsak siya sa likod ng Komainu at nadag-anan ng nilalang.
Sa vision naman ni Chubs, biglang nawala ang babaeng tinulak. "Wait, saan iyon nagpunta?" Palinga-linga siya sa paligid na parang hindi nakikita ang Kitsune. Bumalik na ang tunay na kalagayan ni Chubs— hindi nakakita ng kahit anong mythical creature.
Nagtaka naman ang Kitsune dahil nasa harap lang siya ng matabang lalaki pero tila hindi na siya nakikita nito simula nang lumabas ang kanyang tunay na anyo.
Samantala, naabutan sina Joriz at Rokurokubi ng Komainu sa labas ng shrine. Nagpahabol talaga sila dahil nang makalabas sa shrine ang halimaw, bumalik ito sa pagiging bato. Nakahinga sila nang maluwag nang makitang nakaligtas silang dalawa.
Si Mattia naman ay muntik nang malapa ng kalaban na Komainu kung hindi lang ito tumigil at naging bato muli.
"Enough!" May misteryosong boses na sumigaw.
Nagtataka na napatingin si Mattia sa halimaw na nasa harap niya. Kaunti na lang ay makakain na siya ng Komainu pero bumalik ito sa pagiging estatwa. Umatras si Mattia at bumangon mula sa pagkakahiga sa lupa. Tumingin siya kay Chubs, kasama nito ang dalagang Yokai na may fox ears, tinatawag na Kitsune. Nakatingin ang dalawa sa kanang bahagi. Sinundan niya ng tingin ang tinitignan ng mga ito.
Doon nakita ni Mattia ang isang monghe na lumabas mula sa loob ng shrine. Ito rin pala ang misteryosong boses na nagpatigil sa mga bato.
Mayamaya pa ay bumalik na rin ang Rokurokubi at si Joriz. Kapwa napahinto ang dalawa nang makita ang kaganapan. Lahat sila ngayon ay nakatitig sa shinto priest na seryoso lamang ang mukha habang nakatingin sa kanila. Nakasuot lamang ito ng simpleng puting robe, tuwid ang tindig nito, kalmado ang mga mata, maayos ang buhok at hindi overstyled. May kaunting lines sa paligid ng mata at bibig, tanda ng experience at diligence sa trabaho niya bilang Shinto priest. Hindi mukhang matanda pero hindi rin bata–-- mukhang nasa 30s na.
Sino naman ito? Iyon ang tanong ni Mattia sa isipan habang hinihingal na nakatingin sa lalaki.