Kabanata 8: Rokurokubi

1229 Words
Bumalik sila sa kwarto. Kinaladkad nila papasok doon ang rokurokubi. Si Mattia ang bumuhat sa babae habang nakatakip ang kamay ng binata sa bibig nito upang hindi ito makasigaw at makaistorbo sa ibang tao. Nang makaupo ang rokurokubi sa sahig, itinali nila ang kamay nito sa likod gamit ang lubid na nakita nila sa cabinet. Nakakunot ang noo ng rokurokubi nang tumingin sa kanila. Si Chubs na nasa harap ng babae ay may hawak pang notebook at ballpen. Si Joriz paikot-ikot sa likod, kinakabahan at hindi mapakali dahil baka may nakakita sa kanila at akalain na nangunguha sila ng mga babae. Samantalang si Mattia ay tahimik lang na nakahalukipkip, nakaupo sa sahig at nakatitig sa rokurokubi. "Okei... we start now the hetero-gay-syon." Sa kanilang lahat, si Chubs pa ang nagtanong sa inglesyerang yokai. Eh, mahina nga sa english ang loko-loko. "You, Yokai girl. Why you k********g the human peoples, ha?" Lalong nagtaka ang mukha ng babae. "Excuse me?" "Do not excusing me. I am asking you a questioning. Why you k********g the peoples in parade situation?" Pinipilit pa rin ni Chubs na mag-english kahit wala nang mahugot na mga salita. "Questioning? People? Parade situation? Are you... serious right now?" Hindi pa rin maunawaan ng babae. "Yes, I am berry sir yos," pagmamalaki pa ni Chubs na itinuro ang sarili. "I can tell." "Chubs... baka naman pwede dahan-dahan. Babae pa rin 'yan. Tsaka baka may makakita sa'tin dito. Nakatali pa si Ms. Beautiful. Delikado 'to," nag-aalala na wika naman ni Joriz sa gilid ni Chubs. Hinawakan pa ang balikat ng kaibigan habang tumitingin-tingin sa may pinto. Nag-aalala siya na baka may dumating na mga staff at mahuli sila sa ganitong ayos. "Relax ka lang, Joriz. Under control ang sitwasyon. Professional hetero-gay-syon is happening please no interapsyon," ani ng matabang lalaki na inalis ang kamay ni Joriz sa balikat. "Interrogation 'yon baliw." "If this is professional, I'm terrified of your definition of amateur." Mukhang hindi na-gets ng rokurokubi ang joke. RIP humor. "You answering first before you complaining second. Where you bring the kidn*pped people humans? In cave? In basement? In... secret hide and seek place?!"— si Chubs. "I refuse to answer until someone here speaks properly! And also, could you please remove the rope from my hands? It's starting to hurt." Mukhang marunong din mang-okray ang rokurokubi. Hiyang-hiya na napasapo sa noo si Joriz. Mas marunong pang mag-english ang mythical creatures kaysa kay Chubs. Tahimik na nagkatinginan sila ni Mattia, tumango si Mattia at naunawaan na siya na lang ang magtanong sa halimaw. "Ako na," sabi ni Mattia na nagpunta sa gitna nina Chubs at ng babaeng rokurokubi. "Sige ikaw na muna. Warm-up ko lang 'yon." — si Chubs. Nagpapalusot pa. "Listen. I'm sorry. We're not really here to hurt you. We just need answers." Mahinahon na wika ni Mattia. Mas mabait na ang trato niya sa yokai ngayon kaysa noong kanina. Umaasa siya na magsasalita ito kung maging gentle ang approach nila. "You can talk to my hand!" Mas nainis ito nang makita muli si Mattia. Umirap pa ang loko at nagbelat sa mukha ng binata. Walang pasubali na sinampal ni Mattia ang babae, bumaling ang mukha nito sa lakas ng sampal. Kung hindi effective ang mabait eh 'di huwag maging mabait. Napasinghap sina Chubs at Joriz sa lutong ng sampal na iyon. "Mattia, 'wag naman ganyan!" pigil ni Joriz. "You want more hand talking?" tanong ni Mattia na nakahanda muli ang palad. Masama na naman ang tingin niya sa Yokai. Umiling ang babae. Nahintakutan ulit katulad nang kanina. "At the Yokai parade— some people disappeared. They were kidn*pped. Some witnesses saw yokai taking them. What's the reason? Why are they taking humans? And where are they bringing them?" diretsong tanong ni Mattia. Sandaling katahimikan. Naging seryoso ang mukha ng rokurokubi. At dahil medyo may takot pa kay Mattia dahil sa nangyari kanina kaya piniling magsalita. "I am not part of that." "Meaning?" "The kidnappings. The disappearances. That isn't my group. We don't take humans. We don't need to." "Ay wow... defensive!" singit ni Chubs. "Then who?" tanong muli ni Mattia. "Ask Nurarihyon." "Nurarihyon?" "He's the one you should be interrogating. Not me. Not us." "Eh bakit parang kilala mo agad?" tanong ni Chubs, hindi pa rin nagtitiwala. "If you don't belong to the group of yokai k********g people, why do you know that guy, Nurarihyon? Is it him behind all of this?" — si Mattia. "Well, everyone knows that guy here." "Are you also familiar with the yokai living in the shrine?" "Well, some of the yokai there are considered guardians." "A girl yokai wearing an onna mask—do you know her?" "No! I don't. You're asking too much. Yokai aren't one organized species or society. We are a huge mix of spirits, monsters and animal entities. We may only know each other if we live in the same area. And after all, a lot of yokai prefer to be alone." Naiirita na ang rokurokubi sa dami ng mga tanong. "So this Nurarihyon must be a powerful yokai since a lot of you know the guy..." Tumango ang rokurokubi. "Common yokai know of famous yokai, but not personally. The only time we see other yokai is when we appear together in the Hyakki Yagyō. Thus, you cannot blame me if I don't know what you people are talking about. If you want real answers, find Nurarihyon—because when a yokai starts acting out of character, it always traces back to someone pulling the strings." Biglang tumahimik ang tatlong kabataan, nagkatinginan sila at napaisip. "Nurarihyon..." usal ni Chubs. "Pamilyar ka sa yokai na iyon, Chubs? Saan naman natin makikita ang yokai na iyon?" bumaling si Mattia sa kaibigan. "Iyon ang mahirap. Pagala-gala ang mga leader type na yokai, minsan pumapasok siya sa mga bahay, minsan sa lugar na maraming yokai. Bigla na lang iyon sumusulpot," wika ni Chubs. "Where can we find this Nurarihyon?!" nagtanong muli si Mattia sa rokurokubi. "You don't summon him—he chooses when to appear," sagot ng babae. "We want to talk to him. Please, we need leads. Help us, and we'll set you free. We just need to finish this case." "If many yokai gather in one place, if there's a Hyakki Yagyō, if there's a disturbance in the balance, or if there's an unusual offering at a shrine... maybe he'll show himself to you." "Thanks." Tumayo si Mattia at siya na ang nagtanggal ng tali sa kamay ng babaeng rokurokubi. Nagtataka na napatingin silang lahat sa binata. "You are free now. Just don't do stupid things." "I'm not really killing people you know. Most of us here are just pranksters," wika naman ng Yokai. "You're more dangerous than us, by the way." Masama ang tingin ng babae kay Mattia. Nararamdaman pa rin nito ang galos na ibinigay ni Mattia sa leeg niya, napahaplos ito sa sugat. "You said something?" diretsong tumingin si Mattia sa babae. Nagbabanta ang mga mata. Muli itong nahintakutan at nag-iwas ng tingin. "N-Nothing!" "We don't have time to wait for Nurarihyon, we need to call him ourselves," baling naman ni Mattia sa mga kasama. Tinulungan naman ni Joriz na tumayo ang babae. "We're really sorry about earlier. Would you like to come along?" Masama na naman na napatitig sina Mattia at Chubs sa bunso nila, nagpapapogi na naman ang isang ito sa babae. "Joriz.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD