Derederetso akong lumabas at pumasok na sa nakabukas na elevator."Jha can we talk?"sorry Jake nagmamadali ako malayo pa ang uuwi an ko."5 mins.Jha,ano ba ikinagagalit mo?Galit?hindi po ako galit!"Tama nga naman sya bakit ako magagalit,.Ah,dahil ayaw ko talaga ng taong malihim at bakit ako nasasaktan kaano-ano ko ba siya?4 months palang naman kami magkatrabaho ah."Bakit parang iba ang dating niya sa akin."Jha,thank you for teaching me kung paano gumawa ng reports,kilalanin bawat empleyado,alamin performance nila sa loob ng apat na buwan alam ko paano gawin ang trabahong kinakaya mo sa loob ng tatlong taon."Wala sa akin yon Jake,maiwan na kita.."Ingat sa pag-uwe".Nakita ko siyang pabalik na sa taas,hindi ko alam kong ano itong ginagawa ko,babalik ako sa taas para sundan siya.Wala akong paki-alam kung makita niya ako,Narinig ko siyang may kausap at tinawag niyang daddy.."Dad,i want to back out,alam ko na rin naman ang trabaho ko dito..Saka tapos ko na inoobserbahan ang mga tao dito dad,they're ok naman and masisipag sa accounting department.."Hijo baka matagalan ako dito,daming aasikasuhin,baka panahon na para palitan mo na ako d'yan."Dad,gusto ko sa restaurant ayaw ko dito sa company natin,bakit hindi nalang si Kuya Joshua ang papalit sayo dito?"Anak,mas may potential ka kesa kuya mo at alam mo naman ugali niya diba?Puro pasarap lang ang gusto niya at puro babae ang inaatupag,tingnan mo dito sa america wala siyang paki kahit andito sya e nagkaproblema na pala.Uuwe kita dyan at iannounce ko na ikaw na ang papalit na ceo ng kumpanya."Sige,dad"
Nagulat ako at dinig na dinig ko na sinabi niyang ayaw nya sa kumpanya nila,mas gusto n'ya sa restaurant nya,ibig sabihin siya ang anak ni Mr.Del Fierro na sinasabi noon.Andito sya para alamin bawat galaw ng empleyado.Dali-dali akong bumaba at umuwe na ng apartment.Uuwe ako ng Bulacan dahil matagal na din hindi ako nakauwe..Monday ng madaling araw ang balik ko dito.Alas singko na ng hapon paniguradong gabihin na ako makarating ng malolos.
"Sonia hello,andito na kao sa bahay,pasinsya kana kung biglaan ang uwe,next month uwe ako ulit isasama na kita."Ano ba nangyayari sayo Janine?Nagulat kaming lahat sayo kanina ha,may galit ka ba kay Jake?"Naku,wala bakit ako magagalit sa kanya?Oy,Janine,kilala na kita alam kong may tinatago ka."Basta malalaman nyo nalang Sonia,may tinatago yang Jake na yan,basta ako alam ko na lihim niya,"Sinungaling siya!Bakit,pinagsisinungalingan kaba niya girl?Hindi lang ako,tayong lahat Sonia.S'ya sige maghahapunan muna ako,tinatawag na ako ni mother!!Sige,happy weekend beshy..
Anak may sakit kaba?kanina ka pa walang imik d'yan,ayusin mo nga yang posture mo nasa hapagkainan ka."Oo nga pala Janine darating dito bukas ang anak ng boss ng Papa mo,may ihahatid dito naiwan daw ng daddy mo,ipinabibigay sa bunso mongbkapatid. Bakit kay Jo-anne lang ma?Aba,baka kayaman ni Papa yan,tapos tayo walang share."Loko kang bata ka,naiisip mo pa yan?O diba ibibigay pag mag e 18 na si Anne,bakit ako noong 18 wala bakit si Jo-anne lang.'Wag ka nga mag isip ng ganyan oy Janine matured na pag iisip mo wag mo seryosohin yan.."Joke lang naman Ma,syempre kung ano man yan di maganda may iniwan si Papa. Pero ma kilala mo na ba boss ni Papa?oo naman nakapunta na din ako dati sa kanila..Mababait mga yon anak,lalo na yong anak ng amo niya,yon yong hatid sundo nya dati sa school..Bata kapa noon,gr.1 ka palang yata tapos siya gr.6 na..Binata pa noon Papa mo ng mag umpisa siyang manilbihan dyan sa amo niya."S'ya matulog kana para makapagpahinga ka,Opo ma,kayo din po,maaga pa kayo bukas sa grocery,gusto nyo po bang samahan ko kayo bukas?Naku anak pahinga ka nalang muna kahit hapon kana pumunta doon.Sabado bukas diba madaming tao?May kasama naman ako doon,yong dalawa mong pinsan tinutulungan ako pag sabado sinasahuran ko lang,sabado at linggo kasi lunes hanggang byernes ay nasa paaralan sila..Tuwang tuwa nga e nakaka 700 sila dalawang araw sa grocery.Libre na pagkain at meryenda nila paghapon.Basta ma dahan dahan lang ha,Mahirap na mawala ka din sa amin ng maaga..Ikaw talaga anak,sige na umakyat kana.Opo ma,goodnight po.
Pumasok ako sa kwarto ko,namiss konitomg simpleng kwarto kong ito,double na kama kahit gugulong ako di ako mahulog.Tag -isa kami ng kwarto ni Jo-anne,kahit mahirap lang kami,pero nakapagpagawa ng up and down na bahay si Papa sa tulong ma din ng boss niya,2 kwarto sa taas atbisa sa baba kung saan doon ang kwarto nila mama at papa.May terrace din dito sa taas..Sa baba ay may sala na siyang tinatambayan namin pag nanonood kami lahat ng tv.May gate na kasya ang isang sasakyan para pag umuwe si papa dala niya ang sasakyan na pinapaservice ng boss niya sa kanya.Simpleng buhay noon pero napakasaya."hay,makatulog na nga at may bisita kami bukas ang boss ni papa,sa wakas makilala ko na rin ang billionaire na boss ng pamilya namin.