Chapter 1 Bagong Empleyado
Umaga palang ay ginising na ako ng tawag ni mama ring ng ring ang cellphone ko..Bakit kinaugali-an na nitong tawagan ako araw2x sabado ngayon walang pasok sa opisina. "good morning my dear mother?bakit po kayo napatawag hindi po ako ma le late wala pong pasok ang maganda mong anak na mana sayo.'Ikaw na bata ka bakit hindi ka napatawag kagabi sabi mo tatawag ka napuyat ako kakahintay ng tawag mo!..'Ay ma nawala sa isip ko ang daming trabaho sa office alam mo naman pag friday nag oovertime ako para matapos ko ang trabaho ko,para sa lunes bagong trabaho naman na haharapin ko..'E ano lang ba naman yong tawag saglit pinag-alala mo ako.."Sorry na mama,promise hindi na mauulit..'Sya sige,minsan naman bisitahin mo kami ng kapatid mo dito aba! tatlong buwan kana dito hindi nakauwe ah,wala kang pasok sabado at linggo baka naman Janine.."opo ma next week uwe ako,babye mama.."S'ya sige bye...Ganyan ka daldal ang mama ko 21 taong gulang na ako kung mag asta para parin akong bata...Bumalik ako sa pagtulog dahil alas singko palang ng umaga.Bumalikwas ako ng bangon ng may kumatok sa kwarto ko kung saan napaidlip na ako.."Hoy,Janine Andrea Dela Cruz may lakad tayo ngayon remember?Hala sorry beshy hindi ko naalala...Hala s'ya,maligo kana at hihintayin ka nalang namin sa labas..paakyatin mo nalang sila dito magkape muna kayo..At sya namang sunod ng kaibigan ko na 2 taon ko naring nakasama sa kompanya,pupunta kami sa Batangas kung saan dalawin namin ang kaibigan at ka officemate din namin..Tatlong araw na itong hindi nakapasok mula ng nabalitaan naming nagka dengue ito..
Sakay na kami sa van papuntang Batangas,naalala ko tuloy sa amin sa Bulacan sa tatlong huwan na hindi ako nakakauwe..."Janine maganda daw ang lugar nila Sofie pasyal tayo doon,..Kung magaling na si Sofie..Oo nga total wala namang pasok bukas ...Pabor kina Mateo at Carlo?Ok lang kami ja wala namang mga asawang naghihintay sa bahay we're single you know!!Ang apat na ito ang naging kabatch ko sa trabaho lima kaming magbarkada sa loob..May kaya sa buhay ang apat na ito,ako naman kasi tama lang pero naghihirap din paminsan minsan..Mula kasi ng namatay si papa sari-sari store nalang namin ang inaasahan namin tapos magka college na si bunso next year kaya todo kayod ako para sa kapatid ko gusto pa naman nyang kurso ay nurse...Mahal kaya magpaaral ng nurse...
Tumigil kami sa tapat ng bahay ni Sofie nauna agad bumaba si Mateo ang syang may gusto kay sofie kita dito ang pag alala..Buti pa si Sofia at Sonia may mga nag-alala...Inalalayan ni Carlo si Sonia pababa ng Van..."Janine sunod ka nalang ha.."Opo at kunin ko pa gamit ko...Nagmamadali silang pumasok sa loob at sumunod na din ako..Nagulat kami ng maraming tao sa loob at nakaitim pa sila..Iyak ng mommy ni sofie ang bumungad sa amin.."Wala na ang kaibigan ninyo,patay na siya.."Kaya pala hindi man lang nagchachat ito sa gc namin,nalungkot at umiyak nalang din kami,sa 2 taon naming pagsasama at kulitan sa office ay napakahalaga na namin sa isa't isa..Wala na si Sofia ang pinacool at maingay sa aming lima..Dahil lang sa lamok na may dalang dengue ay tumapos ng buhay niya..nakakalungkot sobra ngunit wala na kaming magawa..Nakiramay kami sa pamilya niya hanggang sa kanyang libing..
Lunes ng umaga ng pumasok na kami sa hotel,kanya kanyang bati-an at si Mateo ay walang kibo na nakatingin sa mesa ni Sofie,nalungkot ito ng subra...Dahil katabi lang nito ang office table niya kulang na ang team namin ng isa hindi na kumpleto ang Accounting department.Nagulat kami ng may kumatok at busy ako sa ginagawa kong payrol dahil malapit ng sahuran ng mga empleyado ng hotel..
'Excuse me guys this is Diana Endrada she's a new employee and miss Dela Cruz kindly assist her..'yes Maam...yon lang at lumabas na ang masungit naming manager..Tinuruan ko si Diana sa magiging trabaho niya at madali naman itong natuto.."Thank you Miss Janine ha,ang galing mong magturo...Ngumiti lang ako dito,trabaho ko kasi datibang ginagawa ni Sofie madali lang naman mag encode,napunta ako sa position na taga ayos ng payrol..Kaya minsan nagkakanduling na ako sa katutok sa screen ng computer. "ok na ba sayo Diana,pag may kailangan ka dont hesitate to ask me ok?Thanks Janine"..You'rewelcome! Guys break na po sinong gusto mauna?Hindi namin iniiwan ang office dapat mauna ang tatlo or dalawa sa amin,lima lang kami sa loob,sabi ng boss magdadagdag pa ng isa para iwas dami ng trabaho,ako kasi ang mas maraming trabaho sa kanila..
Nauna kami ni Diana kumain ayaw niya kasi sumabay kina Sonia,sa unang expression kasi kay sonia mukhang masungit at parang mataray pero mabait naman ito kung nakakausap muna..Nagulat ako bakit busy sa tent ng Hotel,tinanong ko si manong guard bakit hindi magkaundagaga ang mga empleyado.."Manong anong mayron?"Ah dito daw ganapin ang birthday ng anak ng may-ari maam.."Ah,ganun ba kaya pala busy...tumawa nalang ako kay manong guard.."Pagkatapos namin kumain ni Diana ay umakyat na kami ar ikwenento ko kay Sonia ang magaganap bukas na party ..Ha,talaga bakit biglaan naman!alam mo naman ang mga mayayaman,baka nagbago ang isip at dito nalang gaganapin.."Hindi pa namin nakikita ang anak ng may- ari siguro gwapo ito dahil sa tindig ng Ama at ina may halong amerkano.."alam mo ba Janine,nag-iisang anak lang daw yan ng may-ari ng hotel at nakatapos sa harvard university naku,paniguradong habulin ng mga babae yon..tssk!! Balik trabaho na nga tayo wala akong paki-alam kung gaano kagwapo yan...Hoy,janine mahirap yang ganyan baka mamaya mainlove kapa doon.."ngiti lang iginanti ko kay Sonia. Tahimik lang si Diana sa ginagawa niya,ang bilis niyang matuto at hindi siya nagrereklamo.."Siguro magkaedad lang kami pero mukha siyang mayaman makinis ang mga balat nito at pino..Mapagkamalan na galing sa mayaman na pamilya.At bakit ako maputi at makinis din naman bakit mahirap lang ako..Hindi kasi mawala sa isip ko ang sabi ng mga kapitbahay namin na may lahi daw ako,oo nga naman kasi lola ko yata ay ang ama niya ay isang german. Kaya nakuha ko ang kutis ko dito at mukha na parang Anne Curtis yata to sa tangkad kong 5'5"ay napapagkamalan din ako na isang modelo at lagi kong nilulugay ang mahabang straight na straight na buhok na may naturang kulay na blonde..Nagmamadali akong tapusin ang trabaho ko para hindi na ako makapag overtime,na delayed trabaho ko kasi ang apat na oras ko ay napunta kay Diana. "Sabay sabay na tayong lumabas ha,wait nyo nalang ako patapos na ako.."Yes po maam wait ka nalang namin...Sabay sabay sabi nilang apat,nakipagsabayan na din si Diana sa unang araw nito..Mabait siya madaling pakisamahan..Nag out na kaming apat at hinintay nalang ang shuttle bus..Nauna akong bumababa sa kanila dahil malapit lang dito ang apartment ko 15 mins.ride lang.Tinawagan ko si mama para ipaalam na nasa apartment na ako at saka nagluto ng hapunan..Namiss ko na din si mama at ang bunso kong kapatid. Bukas ay sahod na at ipapadala ko nanaman ang kalahati ng sahod ko sa kanila..Kahit paano medyo malaki sahod ko sa hotel at nakapag ipon ng konti.Pagkatapos kumain ay naghilamos na ako at natulog..Dahil bukas ay trabaho nanaman ng kasandamakmak na paulit ulit na gawain sa opis..
"Janine may suot ka na ba maya sa party?Oo meron na,..Ayaw ko nga sana pumunta e,hindi naman ako mahilig sa mga ganyan..Bakit ba kasi lahat ng empleyado ay kailangan umattend.."May announcement daw ang Ceo mayang gabi e..Kasabay ng 26th birthday ng anak niya..Sige maka attend na nga lang baka mahalaga yang sasabihin nila mamaya..