My height is 5\'4"; Long black hair,slim,Fair complexion,Caring and loving.Writing,reading,cooking and planting plants are my hobbies.Friendly and most of all God Fearing.
Hindi ka,Karapat dapat dito!Isa ka lang basahan para sa lugar na ito!Walang modo!!Bakit,lahat naman ng tao sa mundo ay pantay-pantay.Magkaiba man ang mundong ginagalawan at kinagisnan!At mayro'n pa pala,ugali.Bawat tao ay may kanya-kanyang pag uugali.Kagaya mo at kagaya ko,at ito tatandaan mo,lahat ng tao ay hindi man magkapareho,pero hindi lahat ng panahon ay sa'yo!
Isa lamang ito sa mga linya na mabasa natin sa kwentong ito.At base dito ang ating bida ay palaban at hindi magpapa api.Tunghayan ang buhay ng isang babaeng laging may panindigan at punong puno ng pag-asa.
Isang simpleng regular empleyada lang ng pagawaan si Alyzza De Leon.Lumaki sa tiyuhin at nakatira sa Cavite.Namasukan sa isang pagawaan ng skin care products sa Makati,araw-araw ay uwian ito dahil may shuttle naman ang company para sa kanilang mga regular.Bilang isa quality assurance ng kumpanya at nakapagtapos sa kursong business administration and management ay napili niyang magtrabaho dito dahil pangarap niyang magkaroon ng sariling kumpanya katulad nito.Halos apat na taon na syang regular sa cosmetic factory na ito pero never pa niya nakita ang ceo ng company dahil daw mas gusto nito manatili sa main branch nito sa Amerika.Hanggang isang araw ay naisipan niyang dumaan sa landmark dahil may bibilhin ito para sa pinsang may sakit bago umuwe ng Cavite ay may nakabangga itong lalaki na s'yang magpabago nang ikot ng buhay niya..Sino ang lalaking ito sa buhay ni Alyzza?
Jia Margareth Sandoval Fajardo dalawampu't tatlong taon at nakatapos ng kursong medisina. Pangalan pa lang yan social na diba? At hindi lang yan guys Magna c*m Laude lang naman itong bida nyo ngayon..Maaga akong nakapagtapos dahil sabi nila genius daw ako grade 1, 5 years old pa lang diba?pero hirap kami sa buhay dahil Lola ko lang ang nagpalaki sa akin.Sabay na namatay ang aking mga magulang sa car accident at swerte daw ako kasi kahit galos ay wala akong natamo. Sabi ng lola ko 2 months lang ako ng namatay sila mommy at daddy.Yakap yakap ako ng ina ko ng matagpuan silang duguan sa loob ng kotseng sabog sa lakas ng impact ng pagkabunggo.At ako naman ang lakas ng iyak.Hindi ko kilala ang Side ng Ama ko sila ang dahilan bakit namatay agad ang mga magulang ko. Dinala ni daddy si mommy sa bahay nila upang ipakilala sa mga Fajardo ngunit pinapauwe ng magulang ni daddy si mommy at isasama na ako dahil hindi daw nila kami tanggap.Syempre ipagtanggol kami ni daddy kami na pamilya niya e.At yon na nga doon na nangyari ang aksidente.Kung hindi nyo ako tanggap e di wow!di ko rin kayo matatanggap.
Ako,si mama at ang bunso kong kapatid ay simpleng naninirahan sa isang Barangay dito sa Bulacan..May katamtamang laki na sari-sari store si mama na siyang bumubuhay sa amin..Mula noong namatay si Papa ay ito na pinagkaabalahan ni mama.Tapos ako sa kursong Business Management at nagtatrabaho sa isang 5 star Hotel dito sa Manila.Saktong nakatapos ako ng kolihiyo ay s'ya namang pagkamatay ni Papa..Bilang panganay na anak ay iniwan nya na sa akin ang reponsibilidad niya.Tinago ni Papa ang sakit niya sa amin dahil ayaw niya kaming mag-alala .Nalaman na lang namin isang gabi ng itinakbo siya sa hospital ng boss niya dahil namimilipit na ito sa sakit..Isang family driver si Papa malapit ito sa boss niya dahil yong lolo ko ay family driver din ng ama ng boss niya..Parang Family yata namin sa lahi talaga ang pagiging Family driver at sila lang ang pinagseserbisyohan. Kaya may tanong lagi sa isip ko gaano ba kayaman ang Pamilyang pinagtatrabahu-an ng mga Kanuno-an ko?
Mayaman,maganda,matalino at Mapagkumbaba ang katauhan ng ating bida ngayon lumaking may yaya at sunod sa layaw pero wala sa isip niyang mayaman siya.Nag iisang anak si Cassie or Kristina Cassandra Valdez Montejar..Basahin na lamang ang kanyang kwento upang maunawaan natin bakit naging isang sales lady ang trabaho niya sa isang malaking mall dito sa ating bansa.
Arianna Jane Sanchez Fortalejo lumaki sa tiyuhin na kapatid ng kanyang ina.Matalino,mabait at palaban ngunit sa bagong mundong ginagalawan sa Maynila niya mahahanap ang tunay na paghihirap.Kung saan siya nagkolihiyo.Mula ng iniwan siya ng kanyang ina sa Tiyuhin niya ay doon niya naramdaman na kailangan niya ang isang ama.Ama na humiwalay sa ina niya noong pitong taong gulang pa lamang siya.Ayon sa kanyang ina,isang mayaman ang ama niya.Tinanan ang kanyang ina dahil sa ayaw ng magulang ng amam. niya na ang ina niya nag mapangasawa nito.Tinanggalan ng mana ang ama niya,babalik lang daw ang yaman nito at maipamamana ang lahat kung iwanan niya ang ina nito.At nasa isip na ni Arianna na iniwan sila ng ama niya dahil sa mana nito.At nag abroad ang ina niya para may pangtustos sa pag aaral niya.
Mayaman,Seryoso at istrikto.Siya si Erros Alexander Smith Sandoval,sa edad na 30 ay isa na itong presidente ng kumpanya na pagmamay-ari ng Auntie niya at sa kanya ipinagkakatiwala.Dalawa silang magkapatid parehong lalake Namatay ang kanilang magulang ng siya'y labing dalawang taon pa lamang at ang kapatid niyang bunso ay siyam na taon.Mahirap para kay Erros ang nangyari pero ibinilin sila sa auntie nilang si Donya Anelia Sandoval matandang dalaga na ito.At hindi na talaga nag asawa para sa dalawang pamangkin niya na itinuring nang anak.Sa iniwang responsibilidad ng magulang ni Erros sa auntie niya ay isang dahilan para magtanaw ng utang na loob sa pagpalaki nito sa kanila.Kaya sunudsunuran siya sa lahat ng gusto nito.Pati sa lovelife nito ay nangingi alam.
Krisha Mendez Bernardo lumaki sa tiyuhin na kapatid ng ama niya na kinagisnan na rin niyang ama.Bata palang si Krisha ay may angkin na itong galing at talino.Madaming ipinagbabawal ang kinikilalang ama lalo na ang asawa nito.Sunod man sa layaw at hindi pinapabayaan kahit may kinikilala itong kapatid na anak ng tito niya na ang alam nito ay tunay niyang kapatid.Masaya ang kinagisnang pamilya ni Krisha lalo na ng ipinanganak ng asawa ng tito niya ang inaakala niyang kapatid na babae.Tatlong taon lamang age gap nila.Parehong mabait at masunurin hanggang lumaki na sila at bigla na lamang nagbago ang ugali nito.Hanggang nakita niyang muli ang kaklase niya noong elementary at nagsinunagling ito sa kanya,pero nagawa naman nitong umamin.
May nangyaring trahedya at dito nagsimula ang lungkot ng buhay ng ating bidang lalaki na si Gavin Monteverde..Maging masaya pa kaya ang buhay niya at paano niya ito malalampasan?
At ano ang papel ng bestfriend ni Krisha nasa England sa buhay niya?
Kilalanin ang mga katauhan sa kwentong ito at paniguradong magagandahan o malulungkot kayo.