Episode 1-Unang pagtatagpo
Naglalakad ako ngayon pauwe sa bahay galing sa paaralan.Hindi man lang ako dinaanan ni Bea sa school para sabay kami umuwi.Isa akong secondary teacher sa mababang paaralan dito sa Pasay at ang pinsan ko naman ay sa bangko nagtatrabaho bilang teller.Apat na taon na akong nagtuturo sa senior high bilang isang adviser ng mga graduating student at star section pa.Hindi naman mahirap dahil karamihan sa kanila ay labing anim na taon na pataas.Hindi na mahirap pagsabihan pa dahil parang mga barkada ko nalang din sila.Nagmamadali na ako maglakad dahil parang uulan na,hindi ko inaasahan na mangyari ang araw na ito,sa sobrang dami kung tinapos sa school ang labas kong 3 oclock ay naging 4:30 na.Nang biglang umulan ng malakas kahit may payong pa ako.Basa na ang uniform kong skirt,mabuti nalang ay nakaplastic envelop ang mga test papers ng mga estudyante ko na dinala ko para sa bahay nalang i check.Nang biglang..
"Ay,bastos!!!Hoy kung sino ka mang sakay dyan sa loob ng mamahaling kotse na iyan, pasalamat ka at hindi nabasa ang bitbit ko!
"Sorry miss,bakit kasi sa laki ng daan dito ka pa sa medyo gitna naglalakad.
"Mr.alam mo malaki ang kalsadang ito at shortcut na po dito,kaya nga ako naglalakad dito.Teka nga,parang ngayon lang kita nakita dito ah..
"Naligaw kasi ako,i came from Bagiuo may hinahanap akong tao.Miss basa kana pwede kang pumasok dito sa kotse.
"No thanks,malapit nalang ang bahay ko dito,saka basa na ako.Sino hinahanap mo baka matulungan kita.
"Si Mr.Manuel Bernardo,may-ari ng KB building dito sa Pasay.May pagawaan ng mga honeybee sa Quezon?
"Ah,he's my dad sumunod ka nalang sa akin o kaya'y mauna kana lumiko ka dyan pakanan tapos pakaliwa unang malaking bahay sa amin na.
"Ok miss salamat..
"Hays,basa na ako talaga naman..
"Oh diba Gav nakapagtanong tayo sabi ko naman sayo mahahanap natin ang lugar ni mr.Bernardo.
"Nahanap nga nagtanong naman,alam mo Kyle dapat nag waze ka nalang e naabala mo pa iyong teacher.
"Pinsan she's insist to help us,anak pa pala s'ya ni mr.Bernardo.Oh ano ang balak mo ngayon?Baba ka ba d'yan oh magkwentuhan nalang tayo dito sa sasakyan mo.
"Baba na,parang kang babae Kyle sa susunod si Kyla nalang ang isama ko kesa sayo.
"Busy si Kyla sa Radio station noh,alam mo naman na ang pagiging dj na ang pamilya niya.
"Sa dami ba naman kasing mapapasukan bakit pag ddj ang gusto.Pwede naman ang kambal mo sa kumpanya.
"Hayaan mo na insan,iyan talaga ang gusto niya mula bata pa s'ya.Oh,ayan na si maam,infearness ang sexy insan basang basa na ang suot niyang uniform.
"Ayan ka nanaman sa sexy,ikaw talaga Kyle kahit kailan puro babae parin ang nasa isip mo.Nandito tayo sa may ari ng building na paki-usapan natin para ibenta na niya sa atin,sana pumayag para sa pag expand ng kumpanyang itinayo natin.
"Papayag kaya insan?
"Sana nga pumayag kahit hindi naman niya benebenta bibilhin natin, dahil kailangan para sa pag expand ng hotel.She's knocking Kyle.
"Hello bakit hindi ka pa pumasok?
"Umuulan pa maam,wala kasi akong payong.
"Pumasok kana,ito ang payong gamitin mo nasa loob lang si dad.
"Naku,salamat maam baba na ako.
"Mauuna na ako,use my umbrella at maliligo nalang ako pagkapasok.
"Ano insan maiwan ka lang dito?Hindi ka ba talaga magpapakita?
"Kyle alam mo naman na hindi ko pinapakita ang identity ko sa mga tao,kaya ka nga nand'yan na kanang kamay ko diba?
"Grabe ka Gav,hindi ka naman killer at wala kang kasalanan bakit mo tinatago ang sarili mo sa lahat..
"Kyle isang tanong pa makakatikim kana.
"Oo na baba na po tol!
Hindi ako sanay na makihalobilo sa tao,ako si Gavin Fontabella kilala ang pamilya ko dahil sa sikat naming mga negosyo sa loob at labas ng bansa.Nawalan ako ng tiwala sa sarili mula noong may nangyari sa akin noong grade school pa lamang ako.
FLASHBACK....
"Hahaha wala s'yang mama...Saan ka ba galing Gavin,sabi nila wala kang mama anak ka daw sa labas..
"Hindi ako anak sa labas at hindi ako iniwan ni mom ko..
"Anak sa labas si Gavin,may kabit ang daddy n'ya at s'ya ang bunga..
"Tigilan n'yo nga s'ya,ang bubully ninyo!bakit perpekto ba ang pamilya ninyo?Hindi na nga lumalaban yang bata e,pinagkaisahan nyo pa.Halika na Gav pasok na tayo sa classroom.
"Naniwala ka ba sa kanila na anak ako ni daddy ko sa labas?
"Hindi noh,magkaklase tayo mula grade 1 at nakita ko na love na love ka ng mommy mo hinahatid ka pa nga niya e kahit ngayong grade 6 na tayo..Huwag kana magtago d'yan,bakit mo tinatakpan mukha mo,akin na nga 'yang sombrero mo...
End of Flashback....
"Saan na kaya s'ya ngayon?Bakit hindi ko man lang maalala ang batang babae na iyon.Nang mag graduate kami sa elementary hindi ko na s'ya nakita pa.Siya lang ang lakas loob noon na kaibiganin ako kahit binubully na ako noon.
"Sir Manuel dodoblehin ko po ang bayad kung ibenta nyo lang sa amin ang building ninyo..
"Hindi kasi ako ang nagmamay-ari ng building na iyon..Sa namayapa kong kapatid at iniwan niya iyon sa nag-iisa niyang anak.Iho masyadong kumplikado e kasi hindi alam ng anak niya na...Basta pag-usapan nalang natin ulit iho pag ok sa anak niya at makausap ko na.
"Ah sige po tawagan nyo nalang po ako kung ok sa anak ng kapatid mo.
"Sige iho..
Todo silip ako sa bisita ng dad ko,gwapo ito at palangiti.Nagshake hands na sila,ano kaya ang pinag-usapan nila.Lumabas ako saglit para bumili ng pulang ballpen para pang check ko sa test paper ng mga estudyante ko.Mabuti at tumila na ang ulan,nakaharang pa talaga sa may gate ang kotse ng bisita ni dad.Nagsalamin ako saglit sa salamin ng kotse,tinted ito at hindi kitang may tao sa loob.Inaayos ko ang buhok ko,paano ba naman hindi man lang pala ako nagsuklay at lumabas na agad.Nagulat ako ng biglang bumaba ang salamin ng kotse at...
"ay kalabaw kang sasakyan ka...
"Miss excuse me,hindi kasi salamin ang sasakyan ko.
"Sorry akala ko walang tao.So nakita mo lahat?
"Ang alin?
"Ang pag me make face ko at pag check ko sa ngipin ko dito sa salamin ng kotse mo.
"Wala akong nakita,nagulat nga ako ng magising ako may babae sa labas...
"Ah ganun ba sorry ha..Alis na ako.
Sabihin ko na sana na oo kita ko lahat,Nakapikit ako ng maramdaman kong may tao sa labas kaya nakita ko lahat ang ginagawa n'ya.Siya yong babaeng titser kanina.She's simple,ang ganda niya kahit walang make-up at kakaligo lang.Nakangiti ako ng biglang pumasok si Kyle at nagtaka ito bakit ako nakangiti..
"Bro ano,bakit ka nakangiti dyan?
"Ah wala,may naalala lang.Anong balita?
"Kakausapin pa daw niya ang anak ng kapatid niya.Hindi pala sa kanya iyong building sa kapatid daw niyang namayapa na.
"Ang ibig mong sabihin kausapin pa niya yong namayapa na?
"Gavin nagpapatawa ka ba?
"Halata ba?
"Anong nakain mo?
"Wala,linawin mo kasi ang sinasabi mo.
"Malinaw naman ah,kausapin muna ni mr.Bernardo ang anak ng kapatid niya.That's mean pamangkin niya.Ikaw itong hindi nakikinig e.
"Oo na tara na at baka gabihin pa tayo.
"Saan na punta natin?
"Sa mansyon sa Ayala Alabang,saan pa ba bahay ko?
"Yes boss Gavin masusunod po.
Hindi muna ako dumaan sa kotse na nakaparada.Hinintay ko sila na makaalis.Hiyang-hiya ako kanina akalain mo may tao pala sa loob.Ramdam ko tuloy na nagbablush ang mukha ko.Hay,talaga naman Krisha bakit mo pa kasi naisipan na magsalamin sa kotse na iyon.May kasama pala ang bisita ni dad bakit hindi ito bumaba ng sasakyan?baka alalay lang at nagpaiwan sa kotse.Pero bakit niya sinabing hindi salamin ang kotse n'ya?Ambisyosong alalay...