Nandito ako ngayon sa taas ng puno at nagpapahangin habang tumatagal naaliw ako sa pagtutung gumamit ng mahika at nalaman ko kung anong mahika ang kaya kong gawin
Napatingin ako sa aking mga kamay really? hindi man ako naniniwala pero kailangan kong matutu tungkol dito para makauwi ako ito lang ang tanging paraan ang alam ko sa ngayon
Sa tuwing wala akong klase kung hindi ako dito sa puno tatambay doon ako sa library at naghahanap sa mga libro ng isang mahika na may kaugnayan sa pagkapasok ko sa libro
Pero sabi ni sigurd impossible yun at hindi ito loob ng libro nga naman may point siya dahil nabasa ko na ang laman nun pero wala akong maalala na may nangyari ganito ang layo ng storya sa libro sa nangyayari sa akin ngayon
"Keira! Keira!"
Napatingin naman ako sa baba kung sino ang tumatawag si asleif pala yung taong tumulong sa akin dito ang taong kumausap kay lady sherilo na makapasok ako dito sa paaralan at makatira sa isa sa mga dormitory dito kapalit nito ay magtratrabaho ako sa kanila labor student
"Saluin mo ako tatalun ako"
"Ano?.. wa.."
Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil tumalon na ako hahah ganito ako kabaliw bahala siya sa buhay niya hindi naman niya ako matitiis haha
Paupo ako nahuhulog para madali lang akong saluin at hindi makita ang ilalim ng palda ko nakauniform pa man din ako nakapikit lang ako habang nasa harapan ko ang dalawa kong kamay
Ng maramdaman kong may sumalo na sa akin dinilat ko ang aking mga mga mata at ngumiti sa kanya
"Sabi ko na nga eh sasaluin mo ako"
"Baliw ka talagang babae ka" sabay iling niya at binaba na ako
Sa loob ng isang taon yes isang taon na ang lumipas simula nung napadpad ako dito sa mundong ito at nag-aaral palagi akong dinadalaw ni asleif at tinitignan kong okay lang ako
Si asleif ang naging malapit ko dito yung mga kaklase ko okay naman kami pero may naging malapit rin naman pero nag-aalala talaga ako sa study ko doon sa mundo ko pati yung apartment ko baka wala na akong balikan doon waaah
"Kyaaaaa ang lamiiiiggg!!!" sigaw ko bigla
"Haha ayan kasi ang lalim ng iniisip mo hindi ka nakikinig sa akin"
"Naman eh! kailangan talaga ipahid sa aking ang malamig na bagay na yan?"
Tumawa lang siya ganyan rin kabaliw ang taong yan bigla bigla siyang gagawa ng kung ano sa mahika niya at idadampi sa akin nakakabwesit lang talaga minsan
Umupo ako sa damuhan nasa lilim kami ng puno masyadong mainit ang araw ngayon masisira ang skin ko hahah naramdaman kong tumabi sa akin si asleif
"Alam mo keira napansin ko lang hindi ko pa alam ang buong pangalan mo"
"Addinell... keira Addinell"
"A... addi.. addinell?" gulat niyang tingin sa akin
"Oo bakit may problema ba?"
"Wa.. wala haha.. sa..saan ka galing? kasi di ba sabi mo wala kang matutuluyan dito?"
Tinitigan ko siya sa mata "Hindi ka maniniwala kong nasaan ako nanggaling"
"Try me!" he shrugged his shoulder
"Galing ako sa ahm... paano ko ba sasabihin? ibang mundo? sa mundong walang mahika? hindi naniniwala sa mga ganyan?"
Bigla naman dumilim ang mukha niya at nagbago ang aura niya hala! anong ginawa ko? may nasabi ba akong mali?
"Asleif?" utag ko sa kanya
"So it was already here all along"
"Ha? anong nandito?"
Tinitigan niya ako hanggang napaekis ang kilay niya hanggang sa napabuntong hininga siya ano bang nangyayari sa kanya? totoo bang nababaliw na ang taong ito?
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat "Keira alam na ba nila ang buo mong pangalan?"
Umiling iling ako "Hindi pa keira lang ang alam nila"
"Mabuti.. at hindi pa nila alam kung nasaan ka galing?"
"Hindi rin.. pero alam pala ni lady sherilo ang buong pangalan ko"
Umekis naman ang kilay ng lalaking ito ano ba talagang nangyayari sa kanya??
"Asleif okay ka lang ba talaga? kanina na ako nawewerduhan sayo ha!"
Binitawan na niya ako at humiga sa damuhan inunan lang niya ang kanyang dalawang kamay
"Basta keira wag mong sasabihin ang buong pangalan mo sa kahit sino at kung saan ka galing"
"Ba.. bakit?"
"Basta magtiwala ka lang sa akin.. may tiwala ka naman sa akin di ba?" sabay lingon sa akin
Tumango na lang ako na wewerduhan na talaga ako sa kanya alam ko na ang trabaho niya gumagawa din pala siya ng quest hindi siya mayaman pero may bahay naman siya matitirhan di kagaya ko
Pumipili siya kung anong quest ang sa bulletin board at minsan sinasama niya ako at sa tuwing ilalabas niya ako siya na rin ang nagpapaalam sa akin kay lady sherilo mukhang close talaga sila ni lady sherilo siya yung may ari ng school at principal
Tumunog naman ang bell palatandaan na magsisimula na ang klase namin hindi naman puros mahika at enchantment ang tinuturo nila may arm to arm combat rin at konting academic
"Sige babalik na ako sa loob"
"Geh galingan mo ang arm to arm combat mo sabi ni lady sherilo ang hina mo daw hahaha wag kang palampa lampa haha"
"Tse! tignan mo lang kapag ako gumaling diyan ilalampaso kita sa lupa"
"Sige ba aasahan ko yan"
"Bakit ka ba nila hinahayaang basta basta makakapasok dito?"
"Syempre malakas ako kay lady sherilo"
"Edi wow! ikaw na" he just smiled at me
Tumalikod na ako sa kanya makaalis na nga baka hindi ko mapigilan ang aking sarili at itapon siya sa bangin
I stand my pose sumugod na sa akin yung kasparring kong lalaki yumuko ako para mailagan ang suntok niya at sinuntok ko siya sa tiyan
Umatras ako palayo sa kanya tumayo siya ng maayos at tinirahan ako ng apoy my ghad! mabuti at nakayuko ako pero nagulat ako ng malapit na siya sa akin at what the f**k nakakatutuk na sakin ang kamay niya
"Stop! win russel" sabi ng guro namin
Napabuga naman ako ng hangin wew! kahit na alam kong sparring lang to nakakatakot pa rin isipin na ganun kalapit at titirahin ako ng mahikang apoy for sure matutusta ako
Nagbow lang kami sa isat isa at naghandshake palatandaan na no hard feelings pero ang sakit sa feelings na kulilat ako palagi sa arm to arm combat pati sa mahika ghaa hindi talaga ito nababagay sa akin
"Dont be so down on it keira.."
Napatingin naman ako kay shiela kaklase ko siya at kaibigan na rin
"Im so weak"
"Dont be like that alam natin na masyadong useful ang magic mo.. healer"
Pilit na lang akong ngumiti sa kanya yeah im a healer type mage pero hindi ko pa siya masyadong hasa kasi yung mga minor lang na sugat ang naheheal ko pa
Pero tinuturuan naman ako ni lady sherilo kasi isa rin siyang healer pinahiram din niya ako ng iilang libro kaya kahit papaano ay nag iimprove naman daw ako
"Oo nga keira pinapupunta ka ni lady sherilo sa office niya"
"Sige salamat shiela" sabay takbo ko sa locker room namin para magbihis ulit ng uniform namin dito sa school may certain uniform rin kasi kami sa mga ganito
Pagkatapos kong maligo at magbihis nagtungo na lang agad ako sa office ni lady sherilo sinasabi ko sa inyo ang sexy masyado ni lady sherilo tapos ang ganda pa kaya nagtataka ako kung bakit hindi ko makikitang may kadate ito
Pagkadating ko kumatok lang ako binuksan agad pinto tsaka pumasok sinarado ko lang ang pinto at lumapit sa lamesa ni lady sherilo
"Pinatawag daw ninyu ako my lady"
"Ahh yes may pag-uusapan lang tayo saglit"
"Ano po yun?"
"Ako lang ang nakakaalam ng totoo mong pagkatao"
"Ho?"
"What i mean is kung nasaan kagaling at kung ano ang apelyedo mo.. kaya tulad ng sabi ni asleif wag na wag mong ipagsasabi toh sa kung sino man kahit yung magtatanong sayo"
"Po? eh ano pong sasabihin ko sa kanila? kung sakaling magtanong?"
"Conwell ang dadalhin mong apelyedo sa ngayon at sabihin mo na lang na galing ka sa kaharian ng knavesmine which is partly true"
"Pero bakit ko ba kailangan itago yun?"
"Sa kaligtasan mo"
"Kaligtasan ko? bakit? may gusto po bang pumatay sa akin?"
"Hindi mo pa maiintindihan sa ngayon"
"Pero.."
"Gusto mong makauwi sa pinanggalingan mo di ba?"
"Eh? o..opo"
"Then just follow what i said para makauwi ka"
"Alam niyo po kung paano ako makauwi?"
Tumango tango naman siya yes! i have hopes makakauwi pa ako okay na yun basta makauwi lang ako
"Magbebehave po talaga ako pramis!"
Napangiti naman habang napapailing sa akin si lady sherilo mabait naman si lady sherilo kaya nga nakakavibes ako sa kanya minsan
"Sige na yun lang ang gusto kong sabihin at tsaka heto pala pag-aaralan mo rin ang mahikang ito" may nilapag siya sa kanyang desk na isang libro
Kinuna ko yun hmmm hindi ito healing magic oh well sabi nga ni lady sherilo dapat matutu rin akong lumaban para kaya kong protektahan ang sarili ko
"Okay po ill take my leave my lady"
Tumango ulit siya at tumalikod na ako lumabas na ako sa opisina niya nanakangiti at masaya yes sa wakas makakauwi rin na ako yohoo!!! basta lang hindi ko ipagsasabi kung ang apelyedo ko at kung saan ako galing... easy!