Nagising ako sa ingay na nagmumula sa binatana ko dito sa aking kwarto dammit! ang aga aga eh well sumisikat na ang araw wala naman klase at tsaka sabi ni lady sherilo na pahinga daw muna ako sa araw na ito
Bumangon ako at tinignan ang bintana ahh si asleif lang pala humiga ako ulit at nagtago sa ilalim ng kumot bwesit si asleif ang sarap ng tulog ko nag-iingay pa sa bintana...
BINTANA?? agad akong bumangon ulit at tinignan ang bintana si asleif nga nakangiti pa ang shokoy ano naman bang pumasok sa isip nito?
Binuksan ko ang bintana at agad naman siya pumasok tinignan ko kung anong ginamit niya para makaabot sa bintana ko na mataas na lugar lemme see nasa fifth floor ang kwarto ko
Pagtingin ko yeah nakalimutan ko uso pala magic dito gumawa lang naman siya ng isang mahabang nagyeyelong hagdan what an artistic person siya na!
"Paki dispell ng ice mo pwede? baka makita pa yan ng iba at kung ano pa ang isipin nila" sabay tingin ko sa kanya
"Hayaan mo na" habang patingin tingin siya sa aking kwarto anong akala niya dito musueum??
Lumapit siya sa drawer ko hindi cabinet ang pinaglalagyan ko ng damit tsaka konti lang naman ang damit ko bigay sa akin ni lady sherilo
"Baka isipin nilang may magnanakaw na nakapasok"
"Pwede ring may gustong itanan ka" sabay kidhat sa akin
I rolled my eyes like duhh sanay na ako sa mga birong ganyan niya pagtingin ko ulit sa kanya binuksan na niya ang drawer at the f**k sa lahat na pwede niyang buksan yun pa talaga? dali dali akong lumapit sa kanya
*BLAG*
Tinulak ko siya palayo sa drawer ko at sinara yun f**k! ano ba ang lalaking ito? hindi niya ba alam na kwarto ito ng babae?? s**t!
"Oww sakit nun keira ha! ano bang nakain mo at bigla bigla kang nanunulak!"
Hindi ako umimik at nakatalikod pa rin ako sa kanya waaah nakakahiya bigla ko lang naramdaman na may humawak sa balikat ko at pinaharap sa kanya
"Okay ka lang keira?"
"Hindi! sa.. sa. ti.. tingin mo okay yun?" nakayuko kong sambit
"Ang alin?"
"Tse! lumayas ka nga dito asleif! kung nang bwebwesit ka lang please lumayas ka na!"
"Ano bang kinagagalit mo? dahil ba aksidente kong nakita yung mga panties mo?"
*BOGSH* *BLAG* *BOGSH* *BLAG*
*ASLEIF POV*
Tumilapon ako sa labas ng kwarto niya namalayan ko na lang na nakasandal na ako sa railings dito sa taas katapat ng pinto niya
*BLAG!*
Pabalibag niyang sinara ang pinto ano bang problema ng babaeng iyon? aksidente lang naman na mabuksan ko yung parte ng drawer na yun hindi ko naman akalain na nandun pala
Nagflashback naman sa isipan ko ang mga nakita ko pagbukas ng drawer niya and i can feel that my face is heating dammit! it was an accident!
"Okay ka lang asleif? anong nangyayari dito? may narinig akong kalabog" alalang alala ni lady sherilo
"Kayo po pala lady sherilo sinusundo ko lang si keira di ba po nagpaalam ako sa inyo na isasama ko siya ngayon sa isang quest?"
"Oh anong nangyari?"
At sinimulan ko na ang pagkwekwento kay lady sherilo at hindi ko alam pero dumilim rin ang mukha ni lady sherilo napalunok ako ng laway baka kung saan na ako pulutin ngayon
"Hi.. hindi ko naman po sinasadya eh!" pinagdikit ko ang dalawang palad ko at pumikit
Narinig ko ang paghinga ng malalim ni lady sherilo kaya napatigin ako sa kanya
"Sige na ayusin mo tong gulo na ito" tumalikod na siya sa akin at umalis
Tinignan ko ang pinto naman eh baka kung kumantok ako eh pati pinto tumilapon kasama ko
"Ano... keira sorry na oh! hindi ko naman sinasadya eh! sorry na talaga sinusundo lang naman kita kasi isasama kita ulit yun eh kung sasama ka pa"
Pero wala akong narinig mula sa loob kahit konting ingay man lang talagang galit sa akin si keira hindi ko akalain na ganun siya ang sabi ni lady sherilo eh hindi ganun pa kagaling si keira pero kanina para akong nakakita ng demonyo
"Ke.. keira? ano? sasama ka ba? rank B pa naman ito"
Bigla namang bumukas ang pinto at nandon na nakatayo si keira na handang handa ng lumakad ang bilis nun ah
"Tara!" sabay sira at lock ng kwarto niya
*KEIRA POV*
Naririnig ko dito sa loob ng kwarto ko ang pinag-usapan nila asleif at lady sherilo pagkarinig ko na isasama na naman niya ako dali dali akong naligo at nagbihis
"Yes! makakagala na naman ako!"
Pagkatapos kong maghanda ay naghintay muna ako kung itatanong pa ba sa akin ni asleif na sasama ako haha oy galit ako remember di ba? baka ako pa mapahiya kung bigla bigla lang ako lalabas doon
"Ano... keira sorry na oh! hindi ko naman sinasadya eh! sorry na talaga sinusundo lang naman kita kasi isasama kita ulit yun eh kung sasam ka pa"
Napangiti naman ako haha konting pakipot pa hahah nasasayahan ako sa trip ko isipin mo nga never pa ako naging ganito kahit kay leslie na nantritrip
"Ke.. keira? ano? sasama ka ba? rank B pa naman ito"
Rank B? seriously? ang bawat quest ay naka arrange by rank pinakababa ang rank D it means mahina lang ang mga kalaban o magaan lang ang trabahong iyon para sa isang beginner sa magic
Rank A naman ang pinakamataas pero may rank S pa na mas mataas pa sa rank A at sa pagkakaalam kong may tinatawag silang Elite Wizards na siyang nasa rank S na level or mas pa
Binuksan ko agad ang pinto at halata sa mukha ni asleif na nagulat siya hahah hayaan mo siya
"Tara!?"
Napailing na lang siya at bumaba na kami nagpaalam kami kay lady sherilo pero bago kami makaalis nakatanggap kami ng leksyon sa kanya dahil sa pangyayari nangako lang kami ng hindi na yun mauulit para makaalis na
"So saan ba tungkol ang mission na ito?" tanong ko sa kanya habang nakasakay kami sa isang gawa na kahoy na may tent na bubong at may mga prutas at kung ano ano pa nandito nakikisakay lang kasi kami kay manong na papunta sa bayan na yun
Sad to say walang uso ang sasakyan dito meron pala pero kinakailangan ng mahika para umandar in short kailangan mong maraming stamina para hindi ka mawalan ng lakas kapag labanan na dito rin akong natutung sumakay ng kabayo dahil tinuruan ako ni asleif kaya nagkanya kanya kami ng kabayong sinasakyan
"We must caught this certain man na nangunguha daw ng dalaga"
"Nangunguha talaga?"
"Yep! dumadami raw ang nawawalang dilag doon sa lugar nila kung sino raw ang kasama niyang babae sa umaga hindi na ito nakakauwi sa gabi"
"Wow! nagingidnap pala so kilala nila ang lalaki? bakit hindi nila sinubukang hulihin?"
"Hindi nila matukoy kung sino dahil paiba iba ang mukha niya"
"Then paano nila nasasabi na siya yun? i mean na iisang tao lang ang gumagawa nun"
"Kasi daw sa umaga nakikita nila ang dalaga na may kasamang lalaki at kinabukasan niyan malalaman na lang nila na hindi na pala ito nakauwi kagabi"
"So kaya ako ang sinama mo ngayon dahil ako ang gagawin mong pain?"
Gulat naman siyang napatingin sa akin ha! anong akala niya sa akin tanga? na madaling controlin?
"Magandang plano yan keira hindi ko yan naisip pwede! tama sige gawin natin yan" masaya niyang sambit
Napanganga na lang ako sa reaksyon niya seriously? hindi niya ito naisip? my ghad! sa totoo lang sa dami namin napagsamahan na ganito nakita ko talaga siyang lumaban and i can say na malakas talaga siya
As a healer ang tanging maitutulong ko sa kanya sa labanan ay pagalingin ang sugat niya and restore his strength nakikipaglaban naman ako pero doon sa makakaya ko lang pwede na ang arm to arm ko sa mga alagad lang
"Asleif? rank B ito di ba? it means malakas ang makakalaban natin bakit ako ang sinama mo?"
"Bakit naman hindi ikaw?"
"Kasi wala naman akong maitutulong sayo ang hina ko"
"Hindi ka mahina keira your a healer your strong in your way"
Napangiti na lang ako alam ko naman na binibigyan lang niya ako ng confidence sa sarili pagdating namin sa nasabing bayan ay naghanap agad kami ng matutuluyan
"May bakante pa ba!"
"Opo pero iisa na lang"
"Sige kukunin namin"
"Ano?"
"Shh kumalma ka lang wag kang magreak agad" tinignan niya ang babae "May sofa naman siguro doon diba?"
"Meron naman"
"Sa kama ka sa sofa ako"
Tumahimik na lang ako at sumunod sa kanya papunta sa kwarto namin kaya naman kasi sinasama niya ako sa mga ganito ay para daw sa experience ko
Pero ngayon lang kami kumuha ng ganito kataas na rank hanggang rank c lang kami dati at sinabihan niya rin ako sa kong ano ang dapat gagawin kapag gumagawa ng quest
Isa na ron ang hindi mamili ng matutulugan dahil hindi naman daw kami titira doon matutulug lang at kaya nga kami nagtratrabaho para makapera kaya dapat magbudget nga naman may point siya