***Alessandro POV*** "ANG daya mo, uncle. Hindi ka um-attend ng binyag ng baby ko." Tila nagtatampong turan ni Stacey sa kabilang linya. Napahimas naman ako sa batok. Sa sobrang busy ko ay nakalimutan ko na binyag pala kahapon ng fist baby ni Stacey at Bryce. Pero hindi rin naman ako makakauwi ng Pilipinas dahil hectic ang schedule ko. "I'm sorry, sweetheart. Masyadong hectic ang schedule ko kaya hindi rin ako makakauwi." "I understand naman, uncle. Just don't forget yung gift mo para sa apo mo." Ngumisi ako at napalatak. Apo ko na nga pala si Baby Timothy. "Oo na. Ipapadala ko na lang dyan." "Thank you, Uncle Ale. Pero sa first birthday nya hindi ako papayag na hindi ka makapunta. Dapat pumunta ka kundi magtatampo talaga ako sayo ng tuluyan." Tumawa ako at umiling iling. May

