***Mira POV*** TININGNAN ko ang sarili sa life sized mirror pagkatapos kong magbihis. May umbok na ang tiyan ko dahil three months na ito. Iniiwasan ko muna ngayon na magsuot ng fitted na damit para hindi mahalata. Sa totoo lang ay gustong gusto ko ng sabihin kay mama at papa ang totoong kalagayan ko dahil nahihirapan na rin ako. Pero lagi naman akong inuunahan ng takot. Minsan nga sa gabi ay naiiyak na lang ako at sinisisi ko ang sarili sa kapusukan ko. Pero nangyari na yun at hindi ko na mababawi pa. Ito ang consequences ng kapusukang ginawa ko. Isang bata. Ang bagay lang nag napapalubag ng loob ko ay anak ito ni Alessandro. Ang lalaking lihim kong minamahal. Umalis na ako sa harap ng salamin at niligpit ko na ang mga gamit ko na nasa kama. Ang record ko sa clinic ay tinabi ko sa d

