***Mira POV*** PARANG biglang naging slowmotion ang bawat nangyayari sa aking paligid. Ang pagbaba ni Alessandro sa raptor nya at ang bawat hakbang nya palapit sa amin ni papa. Hindi ko naman mapigilan ang paghangang nararamdaman ko. Para kasi syang model na nakikita ko sa mga social media. White v-neck shirt at kupas na pantalong maong na may butas pa sa magkabilaang tuhod ang suot nya at brown leather na safety shoes. May suot syang dark aviator at naka brush up ang medyo messy nyang alon alon na buhok na sinuklay pa nya ng mga daliri. "Pasensya na at ngayon lang ako, Mang Lauro. Nag usap pa kami ng pinsan kong si Remus." Turan ni Alessandro kay papa paglapit nya sa amin. Kinagat ko ang loob ng ibabang labi nang marinig ang malaki at magaspang na boses nya. Kasunod nun ang pagbilis

