***Mira POV*** PABILING biling ako sa higaan at hindi makatulog. Tatagilid ako ng higa, titihaya, muling tatagilid, dadapa at muling titihaya. Kulang na lang ay tumuwad ako. Hindi ako makatulog. Pasado alas dose na ay hindi pa rin ako makatulog. Tulog na ang lahat ng tao dito sa bahay at tahimik na sa labas pero ako ay mulat na mulat pa rin ang mga mata. Bumuntong hininga ako at tumitig sa kisame. Isa lang naman ang dahilan kung bakit gising na gising pa rin ang diwa ko. Si Alessandro. Hindi sya mawala sa isip ko. Kahit saan yata ako tumingin ay mukha nya ang nakikita ko. Lalo na kapag nakapikit ako. Mas malinaw ko pang nakikita ang gwapong mukha nya. Bumilis na naman ang pintig ng puso ko nang maalalang ilang beses nagtama ang mga mata namin kanina. Ang asul nyang nga mata na m

