KUNG magkakaroon lang ng kakayahan si Daniel na ibalik ang lahat ay gagawin niya. Sana ay hindi na lang siya nagpadala sa labis na kagandahan ni Vanessa at sa pagkabighani niya dito. Sana noong malaman niya na may asawa na ito ay itinigil na niya ang pagpapantasya dito. Sana ay hindi niya hinayaan na magpadala siya sa tawag ng laman, sana ay walang nangyari sa kanila. Kung ginawa lang niya ang mga iyon, sana ay wala siya sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. Ang daming sana na tumatakbo sa utak niya. Totoo nga ang kasabihan na palaging nasa huli ang pagsisisi. Hindi lang ang sarili niya ang iniisip niya kundi pati na ang nanay niya. Ang paalam niya kasi dito ay kakain lang siya sa birthday ng kakilala niya. Ala una na ng madaling araw. Ayon iyon sa wall clock na nakita niya. Sigurado si

