NAPATINGIN si Russel sa kamay ni Daniel nang hindi sinasadya. Isang marka ng kagat ng ngipin ang nakita niya. Bahagya pa iyong dumudugo. Bigla siyang kinabahan. Sigurado siya kanina na wala iyon kanina sa kamay ni Daniel. Isang dahilan lang ang pumasok sa kanyang isip kung bakit ito may ganoon-- si Vanessa! Hinablot niya ang kamay ni Daniel. Tumapon sa kutsara nito ang baked macaroni. “Ano ito? Bakit may kagat ka dito? Wala naman iyan kanina, a.” Medyo mataas ang boses na tanong niya dito. “A-ano po…” Tila nalilito si Daniel at hindi malaman ang isasagot sa kanya. “Bakit hindi ka makasagot, Daniel? Si Vanessa? Nasaan ba talaga siya?!” Dahil sa unti-unti na niyang na niyang nasisiguro na tama ang hinala niya ay hindi na niya napigilan ang hindi magalit. “S-sir, h-hindi ko po alam!” “Iy

