Felia
Paglabas ko ay nadatnan ko silang lahat na nakaupo sa sofa. Masayang nagkwekwentuhan. Napatigil lang sila ng mapansin ako. Pati so Uma ay nandon din. Iba-iba ang naging reaksyon nila ng makita ako.
Hindi ko alam kung ano'ng dahilan. dahil ba sa ganda ko? o dahil ba sa damit ko? o sa tagal kung lumabas o namin? o dahil kasama ko si Levy sa loob ng kwarto? a, basta wala akong pakialam alin mandoon.
Si Celine at Almira ay nakangisi habang nakatingin sa damit ko. nag apir pa silang dalawa. Tuwang Tuwa dahil nagtagumpay sila sa kanilang plano. Nang makita nila akong nakatingin ay sabay silang nag iwasan ng tingin. Sa tingin ko palang sa kanila ay alam na nilang nalaman ko ang naging plano nila. Napangisi ako dahil sila naman ngayon ang walang idea sa gagawin ko sa kanila mamaya.
Nilingon ko ang dalawang kaibigan ni Levy. Tumango lang sa akin si Ansel, as usual tahimik lang. Hindi ko alam kung may bayad ba ang bawat salitang binibigkas nito dahil madalang lang naman kung magsalita. Si Miguel naman ay nakangising nag iwas ng tingin sabay uminom ng kaniyang soda.
Si Uma naman ay salubong ang kilay ng padaanan ng tingin ang damit ko. Naikuyom ko ang aking kamao na nasa aking likod. Tumayo siya at lumapit sa akin.
Ano ba yan. Hindi ko pa nasusubukan na sabihin sa kaniya na wag na akong sumama. May ikakagalit na siya.
"Pinaghintay mo kami ng matagal tapos ganiyan lang ang ayos mo? ija naman damit paba yan?" tinuro pa ang damit ko. Napalunok ako at pasimpleng binaba ang short ko. Pero alam ko hindi naman nakakatulong tong ginagawa ko para lang mapahaba tong short ko.
OA naman ng matandang to. Parehas sila ni Levy. Palibhasa parehas sila ng taste.
"Wala na po kasing ibang damit!" palusot ko. Hindi naman niya siguro nakita yong Daster kanina.
"May mga damit dito si Levy dapat yon nalang ang sinuot mo keysa diyan, sa suot mo ngayon kunting galaw mo lang makikitaan kana— oh Levy bakit mo naman hinayaan itong si Felia na ganiyan ang suotin niya?" ani Uma.
Hindi ko man lang namalayang nasa likod kona pala si Levy. Kahit hindi ko lingunin ay ramdam ko galit niyang hindi nito kayang ilabas. Nagulat ako ng bahagya nitong isuot ang jacket niya sa akin.
"Nakalimutan niya lang po itong suotin!" tukoy niya sa jacket niya na ngayong suot ko.
"Ah ganon ba mabuti kung ganon mahirap na ang mabastos!"
Huminga ako ng malalim. Naghahanda para may lakas ng loob na sabihin kay Uma ang balak ko. Kahit ngayon man lang ay pagbigyan niya ako.
Peste, peste, peste!
"Ah.. Uma pwede bang wag nalang akong sum—"
"Oh ano pa'ng ginagawa niyo lumabas na tayo at kanina pa kayo hinihintay ng maghahatid sa inyo." mabilis na saad ni Uma hindi na pinatapos at hindi narin pinansin ang sinasabi ko.
Hindi ko alam kung narinig ba niya o hindi. Pero nang tignan ko siya ay halata namang hidi niya ako narinig. O nagkukunwari lamang siya. Kung ganon man ay subrang nakakaputang ina.
"Better lax next time!" bulong ni Levy. At nauna na itong lumabas. Nang lingunin ako ni Uma ay agad akong nag lakad palabas.
Nawalan na ako ng pagasa ng isarado na ng tauhan ni Uma, ang pintuan ng Van na sasakyan namin papuntang airport. Katabi ko si Levy. Nandito kami sa pinaka likurang upuan. Ang mga kasama namin ay nasa harapan namin at masayang nag kuwe-kuwentuhan tungkol sa kanilang gagawin pagkarating namin sa Palawan.
Magkatabi si Celine at Almira na busy sa kanilang pinag uusapan. Sa isang upuan ay si Ansel na sarap na sarap sa kaniyang kinakain na petsa at si Gabby naman na mayroong naka suot ng Headset at nakapikit pa ito. Wala na namang pakialam sa paligid niya.
Ibinalik ko ang pakikipag usap kina Mommy sa Chat. Ang daming nag titxt sa akin pero ang pamilya ko at kakilala ko lang ang mga binabasa o kaya nirereplyan ko.
Wala akong oras makipag usap sa mga taong wala namang ambag sa buhay ko. Wala naman akong pakialam sa bigay nila kaya bahala sila.
Mumsi: Mag iingat kayo diyan Nak, Enjoy mwuh!
Felia: Thanks Mumsi!
Nang masent ay si Daddy at Geandpa naman ang sumunod kung nireplyan. Parehas lang naman sila ni Mommy ng sinabi. Si Kuya Rodmir ay 'Ingat at Enjoy' lang ang sinabi. Si Vica naman ay hindi ko alam kung buhay pa ba iyon. Pati ang Nanay at kaptid ni Levy na bunso ay nag txt pa sa akin. Mabilis lang natapos ang paguusap dahil ang iba ay hindi kona nirereplayan pa.
Agad kung in-off an cellphone ko ng biglang tumawag si Cleo. Number lang ang nakalagay pero sa taranta ko na baka makita ni Levy ay agad ko itong na off.
"Sino yong tumawag?" mahina niyang tanong.
Inosente ko siyang nilingon. Kunwari ay hindi ko alam kung tungkol saan ang tanong niya. Nag iwas ako ng tingin ng salubungin niya ang tingin ko.
Peste mahuhuli pa ata ako nito.
"Inaantok na ako!" sabi ko. Kunyari ay humikab pa ako. Pero agad ring napatigil ng mas lalo siyang naging seryoso.
"Kaibigan ko lang yon!"
"Sino yang kaibigan na iyan?" mahina paring tanong niya.
"Wala nga lang yon bakit ba ang kulit mo, paulit ulit ka na ha!" madiin kung anas nanggigigil na ako sa lalaking to. Masiyadong maraming tanong.
Pwede bang manahimik nalang siya diyan, hindi yong paulit-ulit niya akong tinatanong tapos hindi rin naman naniniwala sa sagot ko.
Itinago ko nalang ang cellphone ko. Pumikit ako at nagkukunwaring matutulog na. Para lang hindi na siya mangulit pa. Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga.
Isinandal niya ako sa balikat niya at hinawakan niya ang kamay ko. Napangiti ako ng mas lalo nitong hinigpitan ang paghawak niya sa kamay ko. Para bang sinasabi niyang hawakan ko rin pabalik ang kamay niya.
What a nice move Levy.
Napadilat ako ng halikan niya ako sa nuo. Tinignan ko siya. Grabe naman ang sweet. Tss. Haha.
"I love you!" walang boses na anas ko.
"I love you too!" walang boses ring sagot niya.
I closed my eyes but I immediately opened it when I heard someone.
"Hai guys!" boses iyon ni Grace.
"What are you doing here?" I hissed. Bakit nandito ang babaeng to? Hinawakan ni Levy ang braso ko. Tanda ng pagbabanta na wag na akong makipag away pa.
Pero ano'ng magagawa ko kapag itong babaeng to ang kaharap ko. Kapag nandito siya ay parang may gulo naring lumapit.
"Hindi ba nila sinabi sayong kasama ako?"
"Hindi ko alam na kasama ka noh!" masungit na saad ni Celine.
"Ako rin noh hindi ko alam, wala naman kaming paki alam sa'yo!" ang huling kataga ay naging bulong nalang ng sabihin yon ni Almira.
Tinignan ko ang dalawa kung kaibigan na ngayon ay hindi man lang ako binalingan. Tinignan ko si Levy. Pero bumuntong hininga lang siya.
"Hindi nga nasabi sa'yo!"
"Kung alam ko lang na kasama ka wala ako ngayon dito!" nakataas ang kilay na anas ko.
"That's enough Felia!" si Levy.
"But it's okay! kung kasama ka, para makita mo kaming kung gaano kami ka sweet ni Levy, para may rason kanang hindi siya landiin pa!"
"Boom panes!" si Celine.
"Boom boom panes panes!" si Almira naman.
"Felia!" muling banta ni Levy. Nakangisi lang si Miguel at Ansel tila nagugustuhan ang ang nag yayari ngayon.
Tahimik na umupo si Grace sa pinaka harap, akala ko ay aalis na kami ng biglang bumukas ang pintuan ng Van at doon pumasok si Gabby. Napatigil ng makita kami ni Levy na magkatabi bumaba ang mata niya sa magkahawak naming kamay. Nag iwas siya ng tingin at umupo na sa tabi ni Grace.
"Buong studyante ata ng Hegde ang imbitado, di niyo naman sinabi para nayaya ko rin yong mga kaibigan kung mga tamabay!" I sarcastically said.
Humagikgik silang lahat maliban lang kay Grace at Gabby. Kj. Talaga.
Itutuloy-