Chapter 41

1039 Words
Felia "Mag bibihis lang ako!" paalam ko. "Dalian mo at kanina pa nag hihitay yong sundo niyo!" Ani Uma. "Sige po!" alanganin kung anas. Pagpasok ko sa kwarto ay agad akong nagtungo sa banyo para maligo. Nang matapos ay nakabalot lang ang katawan ko sa twalya ni Levy nang lumabas ako. Wala naman akong damit dito. Siguro ay mang hiram nalang ako ng damit ni Levy. Pero nadatnan ko siyang nakapamewang habang paulit ulit ng tinitignan ang dalawang damit na nakalapag sa kaniyang kama. Isang sky blue floral dress at isang croptop at maong short. Kukunin na niya sana yong dress ng mabilis kung kinuha ang croptop at maong short. Agad niya akong nilingon. Kunot ang nuo at umiigting ang panga. Kung makatingin para bang may mali akong nagawa. "Ito na ang susuotin ko!" agad kung anas. "Wag yan napaka iksi!" "Malamang may mahaba bang short at croptop? Common sense naman Levy at ano ipapasuot mo sa akin yan!?" turo ko sa hawak na niyang dress. "Mas maganda to-" "Sa Lola mo pwede pa yan pero ako? tss. Daster ipapasuot mo sa akin?" "Masiyado ngang maiksi yan!" "Wala kang pakialam!" Dalidali akong pumasok ulit sa loob ng banyo pero napatigil rin nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagkatinginan kami ni Levy. Tumakbo ako at agad na kinuha ang cellphone ko at mabilis na pumasok ulit sa banyo. "Hello!" Agad kung sinagot ang phone kahit na hindi ko alam kung sino ang tumawag. "Hi dear Felia did you miss me!" Napatigil ako sa pagsusuot ng aking damit. Tinignan ko kung sino ang tumawag pero numero lang ang naroon. Kahit na walang pangalan ay alam ko nang kung sino ito. Dahil boses palang niya ay kilala kona. Matagal ko nang hindi naririnig ang boses niya. Ilang minutong naging tahimik ang linya. Kalaunan ay narinig ko ang paghagikgik niya. "Cleo?" bulong ko. "Yes My Love!" naging malambing ang boses nito. "oh God-" "I want to see you!" he said. "Okay let's meet later!," agad na sagot ko. "Felia let's go!" ani Levy na kumatok pa. Halos mabitiwan ko pa ang cellphone ko sa gulat. "f**k-" "Sino yon?" tanong ni Cleo. "Ah wala yon okay! tawagan nalang kita later!" sabi ko at agad na pinatay ang tawag ng muling kumatok si Levy. "Tayo nalang ang hinihintay Felia!" ani Levy sa labas. " Saglit lang!" sigaw ko habang nag bibihis. Shit. Pwede bang maiwan nalang ako? May kailngan akong makita ngayon. Alam ko na ang dahilan kung bakit kami pinapapunta sa Palawan ngayon. Paglabas ko ay naroon na si Levy at naghihintay. Matalim ang tingin sa mga damit ko. Kung hindi ko lang suot to ngayon ay baka napupunit punit na niya sa gigil. "Sabihin mo nalang kay Uma na wag nalang tayong tumuloy." Umupo ako sa double bed ni Levy dito sa tinulungan namin kanina. Malalim akong bumuntong hininga. Hindi naman kasi ako naniniwalang bakasyon lang ang pupuntahan namin. Para daw makapag relax kami. Bakit ba ako maniniwala kay Uma e, lahat naman ng sinasabi nun ay kabaliktaran. Alam kung may iba siyang dahilan kaya kami pinapapunta doon. "Bakit?" "Ano ba Levy may pasok tay-" "Diba ganon naman ang gusto mo? Mas okay na yon may tatlong araw tayong makapag relax-" "Diba sabi mo nga sa akin ayaw mong nag a-absent ka? Kaya sabihin mo kay Uma na wag nalang tayong tumuloy pa-" "It's okay excuse naman tayo-" Peste! "Ayaw ko ngang pumunta doon," halos napapadyak pa ako sa inis. Hindi naman pwedeng ako lang ang maiwan. Lalong mag tataka si Uma. "Bakit ayaw mong pumunta?" "Ayaw ko lang!" matalim ang matang sagot ko. "Hindi sapat yang dahilan mo para hindi tayo pumunta!" "At ano ang gusto mo kung ganon!" paghahamon ko. "Tell me the truth!" "Yon nga ang totoo, ayaw ko naman talagang pumunta doon, pagkagising ko bigla niyo lang sasabihin na pupunta tayo ng Palawan para mag relax!" Huminga ako ng malalim. "Sino yong katawagan mo sa banyo kanina?" he seriously asked. Natahimik ako. "Wala yon!" sagot ko. "Really? subrang hina ng boses mo pero naririnig ko!" "Aba chismuso ka pala-" " No I'm not-" "Yes you are-" "No I'm not-" "YES YOU ARE!" gigil kung sigaw. Napatigil siya. " Kung sasabihin mo kung sino yong kausap mo kanina ay pag iisipan ko kung kausapin si Uma mo para hindi na tayo matuloy pa-" "Kaibigan ko lang iyon!" agad na sagot ko. "Ka-ibigan o Kaibigan?" "Ano ba? Friend ko lang yon!" umirap pa ako. "Ano'ng pangalan?" "Kailngan paba yon?" kunot nuong tanong ko. Tumango siya. "Pwes sa akin hindi na kailangan yon!" "Pangalan lang ang tinatanong ko, kaibigan mo lang yon hindi mo pa masabi." "Kaya nga ano bang hindi mo maintindihan don, Kaibigan ko nga lang yon!" "Kaibigan mo pero hindi mo kayang sabihin ang pangalan ano bang mawawala sa'yo kapag sinabi mo sa akin ang pangalan niya?" Natahimik ako. "Ano bang pakialam mo sa pangalan niya? Tss. Ang dapat na tinatanong mo ay kung lalaki ko ba iyon. Tanungin mo na Kasi ng deretsahan hindi yong pangalan pa ang tinatanong mo!" Umirap ako. Subrang nakakagigil tong lalaking to. "Tignan mo hindi ka makapag salita Kasi tama ako diba? tss. Para sabihin ko sa'yo hindi ko yon lalaki ano'ng tingin mo sa akin makati at malanding babae, hindi ako ganon na maghahanap pa ng iba!" "Wag kang lalapit!" pigil ko ng tangkain niyang lumapit sa akin. Tumayo ako at dinuro siya. "Sinabing wag kang lumapit," gigil ko siyang tinulak. "Ikaw lang ang nag iisip ng mga iyan Felia bakit ba ayaw mong sabihin sa akin ang pangalan? Pangalan lang Felia, pangalan lang!" mahinahon pero madiin ang pagbigkas nito. "Talagang iyon ang maiisip ko, bakit ano pa bang ibang dahilan mo ha?" Hindi ko alam kung naririnig ba kami ng mga tao na nasa labas. "Pati pananamit ko pinapakailaman mo, sinabi ko naman sa'yo na ayaw ko ng may mga nagdidikta sa mga ginagawa ko!" "Hindi naman Kasi tama ganiyan pa ang isuot mo!" "Ano bang mali sa suot ko? dahil ba maiksi? Natatakot ka bang mabastos ako? Kahit na anong mang isuot ko o lahat ng babae kung bastos talaga yong tao talagang babastusin ka!" huminga ako ng malalim. Kinuha ko yong bag at cellphone ko at iniwan siya doon. Itutuloy-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD