Felia
"Are you okay ija?" nag aalalang tanong ni Uma ng makita akong muntik ng matumba.
Si Levy ay agad akong hinawakan. Si Dean naman ay agad namang lumapit para tignan ako. Hinawakan ko ang bandang nuo ko kung saan ko nararamdaman ang matinding sakit.
"Ano'ng nararamdaman mo Felia?" si Dean.
"We need to get her in the ospital—"
"No I'm okay Uma! medyo masakit lang ang ulo ko!" nakuha ko pang magsalita ng maayos sa tindi ng kirot ng ulo ko.
Kung ipapakita kung ang tunay kung nararamdaman ay mas lalo silang mag aalala. Ayaw ko namang maabala pa sila. At isa pa ang pinaka ayaw kung puntahan ay ang ospital. Ang huli kung punta doon ay nuong naospital si Ama. Simula nun ay hindi na ako naka punta pa. Ayaw ko namang sa simpleng pagsakit lang ng ulo ko dadalihin nila ako don.
"Are you sure?"
"Hmm!"
Halos mapapikit pa ako ng mas lalo itong kumirot. Kaya kagat labi akung nagmulat ng mata at umaktong walang nararamdamang sakit.
"Wag ka nalang munang pumasok ngayon. Magpahinga ka muna!" si Uma.
Nagulat ako ng buhatin ako ni Levy. Napakapit ako sa kaniya ng maramdaman ko ang pag ikot ulit ng paningin ko. Ilang beses akong uminga ako ng malalim para kunalma ako atsaka ko ibinaon ang mukha ko sa dibdib niya.
"Ayaw ko sa clinic!" Parang batang nakapikit na bulong ko. Halos maluha na ako ng mas tumindi ang pagkirot ng ulo ko.
Hindi ko alam ang sumunod na pangyayari. Hanggang sa magising ako sa isang kwarto. Madilim at medyo malamig. Ang huni lang ng makina ng aircon ang naririnig ko. Napanatag lang loob ko ng maamoy ko ang pamilyar na pabango ni Levy. Nilingon ko siya. Nakahiga siya sa tabi ko.
Mas lalo pa itong lumapit sa akin. Nakapikit parin siya hanggang sa niyakap niya ako. Pagkatapos ay isiniksik ang kaniyang mukha sa leeg ko. Naging malalim at istedi ang naging paghinga niya. Dahan dahan kung hinaplos ang buhok niya.
"I love you!" bulong ko.
Nang magising ako ay wala na si Levy sa tabi ko. Inalis ko ang comforter na nakabalot sa akin. At tamad akong bumangon. Pakiramdam ko ay kulang pa ang tulog ko. Walang saplot ang aking paa ng lumabas ako. Malinis naman ang sahig kaya ayos lang. Humihikab pa ako ng buksan ko ang pinto. Medyo nakapikit pa nga ang mata ko. Pag labas ko ay siyang pagtigil ng mga tao naroon.
"Ano'ng ginawa mo dito sa kaibigan namin ha Levy?" prantik na tanong ni Almira. Lumapit ito sa akin at padabog akong ipinaharap sa kaniya. Inaaninag ang buong mukha ko.
"Gulo gulo ang buhok at iba na ang damit tiyak na may ginawa kayong milagro!" Si Celine naman ngayon ang lumapit.
Si Miguel at Gabby ay nakangising pinapanuod kami habang umiinom ng sofdrinks na nasa Incan. Si Levy naman ay bahagyang nakaupo sa likod ng sofa. Nakatitig sa akin. May hawak rin itong soda.
"Ano ba kayong dalawa magsitigil nga kayo!" kunwari ay naiinis kung saad. Naglakad ako patungo sa lamesang may ibat ibang pagkain na nasa harap lang nila Miguel.
"Felia wag kang tumabi sa akin ayaw ko pang mamatay!" ani Miguel nang tumabi ako sa kaniya. May isang dipa pa namang ispayo ang layo namin bago kami mag dikit. Kaya ano'ng pinag sasabi ng lalaki ito?
"Ikaw ang umalis wag mo akong utusan!" umirap na wika ko at nag umpisang kumgat ng isang slice ng petsa na Kinuha ko.
Inilibit ko ang paningin sa paligid.Dito ang room ng mga officer. Hindi ko pinakita ang pagkamanghang reaksyon ko. Itong lugar kasi nila ay malinis at mabango. Hindi katulad ng sa amin ay hindi mo aakalain na puro babae ang mga naroon. Makalat na nga medyo may amoy pa. Wala naman kasing gustong maglinis. Minsan ay nag babayad pa kami sa tagalinis. Kababaeng tao subrang burara.
"Gusto mo?" tanong ko kay Levy ng umupo ito sa tabi ko. Kunwari ay inalok ko lang siya. Medyo nakakahiya naman kung hindi ko aalukin ang bumili ng kinakain ko ngayon. Ni wala ngang nag alok sa akin basta kumuha na lang ako.
Hindi na siya sumagot basta nalang siyang kumagat sa petsang may Kagat kona. Matalim ko siyang tinignan. He shrug his shoulder at may nakaka lukong ngisi siyang nagiwas ng tingin. Bago pa ako makapag salita ay nilagyan na niya ang bunganga ko ng maraming pagkain.
Mas lalo akong naiinis ng pagtawa an nilanakong lahat. Hindi ko alam kung nakikita ba Nila ang paglabas ng usok sa ilong at tainga ko. Sa pagkairita sa kanila.
Inis kong tinapik ang kamay niya. Itinaas Niya Ang dalawang kamay niya tanda na siya ay sumusuko na. Binigyan niya ako ng inumin na agad ko namang tinanggihan. Buwisit na lalaking to. Gusto pa akong patayin.
"Pinag luluko mo ba ako?" inis kong anas ng matapos kung matanggal lahat ng pagkain sa bunganga ko.
"Nope!"
"Sa tingin mo nakakatuwa yon?"
"OA mo naman ang sweet kaya nun!" ngumunguyang wika ni Celine.
"Mas sweet kapag sinampal Kita! " madiin kung sabi. Panandalian siyang napatigil.
"Hindi pala yon sweet Levy!" ani Celine. "Wag mo akang tawanan diyan!" sigaw nito kay Miguel.
"Almira niyo lumalandi na naman!" sigaw ni Celine kay Almira na ngayon ay nasa tabi ni Gabby.
"Hindi ah!" agad namang tangii nito pero halata naman.
"Sus! hindi ka magugustuhan niyan ang gusto niyang ay mahinhin at magandang babae!"
"Edi ako nga yon! Mahinhin na ako maganda pa hindi na siya lugi!"
"Gaga ka hindi kana nahiya, Kumusta naman sa pagmumura at ang bastos mong bibig—"
" tsss, Pwede ko pang baguhin yang ugali kong yan pero pasensiya na Yong handa ko hindi na permanente na eh!"
" Yabang mo talaga—"
"Uwian na at bakit narito pa kayo?" tanong ko.
"Aiy hindi kapa ba na inform!"
Nagtataka kong tinignan si Almira. Pinag cross ko ang braso sa aking dibdib. Pati narin ang mga hita ko ay pinag cross ko.
"Magtatanong paba ako?" saad ko.
"Pupunta tayong Palawan ngayon at 3 days tayo doon!" malapad ang pag ngiti ni Celine nang sabihin niya iyon.
Nanlaki ang mga mata ko. Agad kung tinignan si Levy. Hindi pa ako nag tatanong pero sa reaksyon niya palang ay sinasabi na niyang tama nga sila Celine.
"Lunes palang ngayon... At sigurado akong alam hindi ako papayagan lalo na't nandito pansi Uma kung gusto niyo kayo na la—'
"Be wag ka ng mag aalala dahil sarili mo nalang ang dadalihin mo. Ikaw ang bahala kung gusto mo pati si Levy bitbitin mo!"
"Hindi tayo pwedeng pumunta roon may pasok tayo at isa pa hindi nga ako papayaga—"
"Okay na nga wala nang probl—"
"Pwede ba—"
Napatigil ako sa pag sasalita ng may kumatok. Walang tumayo. Ilang segundo pa ang lumipas ay si Levy na ang nagbpresentang tumayo para mag bukas ng pinto. Kami lahat ay nasa pintuan ang atensyon.
"Ano pang ginagawa niyo dito? kanina pa kayo hinihintay ng mag hahatid sa inyo!" si Uma. Agad akong napatayo sa taranta. Hindi siya ang inaasahan ko.
"Ano ija fell at home na fell at home ka at ganiyan pa ang suot mo, ganiyan pa ang itsura mo!"
Kanina ay hindi ako nahihiyang makita nilang ganito ang itsura ko. Pero nang si Uma na ang sumita ay para bang gusto ko nalang na lamunin ng lupa ngayon na para bang maglahong parang bula.
Itutuloy-