Felia
"Ano ako na naman ang masama?'"
"Mali ang ginawa mo—'
" I know pero wag mong isisi sa akin lahat, dahil hindi lang naman ako ang mali dito!" gigil kung ana's.
"Pwede mo naman siyang kausapin ng hindi binabastos pero hindi mo man lang magawa, kapag galit ka galit ka ano ba naman yong humingi ka ng pasensiya dahil nakatulog ka sa klase niya—"
"Dapat bang gawin ko ang humingi ng tawad sa kaniya? Hindi pa nga ako nakaka dilat nang iinsulto na siya. Kaya lahat nasasabi mo yan dahil wala ka sa posisyon ko. Kung alam mo lang ang nararamdaman ko sigurado ako na ganon rin ang gagawin mo!"
"May respeto ako kaya hindi ko yon magagawa kahit na ganon ang mga sinasabi ni—'
"So sinasabi mong wala akong respeto ganun? Well, wala talaga akong respeto sa mga taong wala ring respeto sa akin. Hindi ako isang santa para maging mabait sa mga taong nanakit sa akin!"
Umirap pa ako.
"Sabagay malayong mangyari sa'yo yon kasi isa kang napaka bait na tao at napaka talino!" I sarcastically said to him. Kulang nalang ay bigwasan ko siya sa gigil.
Pilit ko parin hinihila ang braso ko sa pagkakahawak niya. Kahit ano'ng lakas ko ay talagang mas malakas siya sa akin.
"Bitiwan mo nga ako at bumalik ka na doon kung gusto mo ikaw ang humingi ng tawad sa punyetang babae na iyon!"
"Subukan mong huminahon at wag magsalita na alam mong ikasasakit ng damdamin ng iba!"
"At sino ka para sabihin sa akin yan? Hindi ikaw ang magdidikta ng mga gagawin ko. —Ano ba bitiwan mo na nga ako!"
"What is happening here?" tanong ng kadarating lang si Uma. Kasama niya si Dean.
Agad akong binitiwan ni Levy at magalang na humarap kina Uma at Dean. Pero bago pa makapagsalita si Levy ay agad namang nag salita si Betty. Na nasa likod lang namin.
"Good morning Sir and Dean!" aniya.
Napalunok ako. Nagtatanong ang mga matang tumingin sa akin si Grandpa. Agad naman akong nag iwas ng tingin. Lintik na babaeng ito talagang ipapahamak pa ako.
"Ito kasing si Ms. Dornan ay napaka walang resortong studyante!"
Nag simula nang kumabog ng malakas ang dibdib ko.
"At paano mo yan nasabi?" seryosong tanong ni Uma.
"Laging tulog kapag oras ng klase ko at sinasagot sagot pa ako napaka walang mudo niya kung umasta hindi siguro tinuturuan ng mga magulang niya ng magandang asal kaya ganiyan ang uga—"
"Ms. Betty pag usapan nalang natin ito sa office ko—" sinubukang makipag usap ng maayos ni Dean pero hindi talaga pa-papigil itong si Betty.
"Pasensiya na Dean, hindi na kailangan dahil gusto ko ngayon din na matanggal na siya dito sa paaralang ito! " matapang at galit na wika ni Betty.
"Ang pagkakakilala ko sa kaniya ay mabait namang itong bata," ani Uma.
"Kahit tanungin niyo pa ang mga kaklase at iba pang guro dito tignan natin kung sino ang nag sisinungaling!" kulang nalang ay mag wala na si Betty.
"Ang gusto kung tanungin ay si Felia at Levy sapat na ang mga sagot nila para malaman ko ang totoo!"
Nakagat ko ang aking ibang labi at palihim na nakinuyom ang mga kamao na nasa likod ko. Si Levy ay huminga naman ng malalim. Si Dean ay nakatingin lang sa amin. Alam kung nasa isip na niya na tama nga si Betty dahil alam kung araw araw itong pumupunta sa Dean's office para ereklamo ako.
"Tama ba lahat ng mga sinasabi nitong si Ms. Betty ha! Felia?" nang hindi ako sumagot ay si Levy ang nilingon Niya. " Mr. Hydari,?"
Mas lalong humigpit ang pagkaka kuyom ko. Dahil alam ko naman na galit at ayaw ni Levy kapag ganon ang ginagawa ko sa mga studyante at mg guro. Malalim akong napabuntong hininga habang hinihintay na sabihin ni Levy ang totoo.
Kaya ganon nalang ang gulat ko sa naging sagot niya. Napaangat ako ng tingin at hindi makapaniwala sa naging sagot niya.
"No sir!"
"Okay that's the answer I wanted to here from you!" nakangiting ani Uma at nilingon nito si Betty na nanlilisik na ang mga mata.
"Pati ba naman ikaw Mr. Hydari mag sinungaling ka para sa babaeng yan!" sigaw nito.
"Mag hunos dili ka Ms. Betty nasa harap mo lamang si Mr. Hegde!" mahinahong bahala ni Dean.
"I'm sorry sir!" parang tupang maamo ng marinig niya si Dean. Pero nang lingunin kami ay subrang talim ng tingin.
"Don't worry Ms. Kapag may nagsumbong sa akin at napatunayan kung nagkamali itong si Felia ay ako mismo ang mag tatanggal dito sa kaniya!" Ani Uma na ikinalunok ko.
Hindi nga malayong mangyari yon. Pero mag iingat ako.
"Hindi na ako nakakapag hinatay kung ganon!"
"Then ikaw na ang umalis!" bulong ko.
"Pero kailngan mong maghintay!" tumatawang saad ni Uma.
"Of course sir!" medyo mahinahon nang wika ni Betty.
"Pero wag kang basta basta mag sasalita ng masama about sa pamilya ng isang studyante I sa ibang tao!" out of nowhere na saaad ni Uma.
"Yes sir pasensiya na nadala lang ako ng galit ko—'
"That's okay I understand!" ani agad ni Uma.
Nang mag paalam si Betty ay agad kaming tinawag ni Uma. Mabagal akong lumapit sa kaniya. Na para bang bawat hakbang ko ay papalapit ako ng papalapit sa isang delubyo.
"I know that all of what she said is true!" he seriously said to me.
"Right Levy?"
"Yes sir but not all of it!"
Patuloy ang pagtatangol sa akin ni Levy.
Nang makapasok kami sa office ni Dean ay agad kaming pinaupo nito sa sofa. Si Uma ay nanatiling nakatayo si Dean ay nakaupo na ito sa kaniyang Silyang nasa harap lang namin.
"Mukhang napapabayaan muna ang pag aaral Felia!"
"Hindi naman po Grandpa, pasado naman po lahat ng grade ko!" magalang na pagdadahilan ko.
"Pasado nga puro pasang awa naman, Hindi mo gayahin tong si Levy walang kahirap hirap niyang nakuha ang mga pinakamataas na grado!"
Kitam pati si Uma ay gustong gusto itong si Levy. Lahat nalang ba talaga sila? Mas inaangat pa ,!ila yong hindi nila kadugo. Kumpara sa kadugo nila.
"Magaling namang pinuni itong si Felia, magaling sa pamamalakad lalo na dito sa buong kampus!' ani Dean.
"Wag kang mag alala Uma sa susunod hindi na pasang awa ang magiging grade ko!" pagmamalaki ko.
"Aba dapat lang, Nakakahiya naman sa mapapangasawa mo!"
"It's okay sir , basta ay wag niya lang papabayaan ang pag aaral niya!"
"Nakita mo itong si Levy Felia? Napaka bait at magalang tama lang na sa'yo ko siya ipapakasal!'"
Patago akong umirap.
Peste. bakit hindi mo nalang ampunin para suya na ang maging apo niyo.
Lagi nalang siya ang pinag yayabang at pinagmamalaki niyo. Nakakabastos na talaga.
Itutuloy—