Felia
Walang katok-katok kung binuksan yong pinto at basta nalang pumasok. Nasa amin lahat nang kanilang atensyon pati ang gurong nagtuturo ay napatigil.
Napangisi ako ng makita ko kung sino ang teacher namin ngayon. Pero ganon nalang ang panlalamig ko ng makita ko si Grandpa. Nakaupo siya sa pinaka unang upuan sa harapan. Hindi ko siyanagad napansin dahil natatakpan siya ng kakalse naming si Ara.
Pesteng Yawa.
Bakit nandito tong matandang to? Bakit wala man lang ni isa sa pamilya ko na nandito na pala si Uma. Pamilya ko ba talaga sila? Peste malamang hindi. Hindi Naman sinabi sa akin eh.
"Good Morn—ing Ma'am!" pilit ang ngiting binati ko si Ma'am Yra.
Dapat pala ay maging mabait ako at magalang. Baka pagalitan nalang ako ng magandang to sa harap ng mga kaklase ko. Edi nawala ang angas ko.
Tahimik ang paligid. kaya rinig na rinig ang hagikgikan Nila Celine at Almira na agad rin namang tumigil ng tumikhim si Uma. Nang lingunin ko sila ay halos mamula na sila sa pagpipigil na tumawa.
"Good morning po!" lumapit ako at humalik sa pisngi ni Uma.
Ngumiti siya. Sa iba ay maganda yong kung titignan pero ako ay kinakabahan na, Dahil minsan lang Naman ngumiti si Grandpa. Kung ngingiti pa ay may plano na namang nabubuo sa utak Niya. Na dapat kung paghandaan.
"Kilala niyo naman siguro itong napakaganda at napaka bait kung apo!" mapagmalaking saad ni Uma. Tumayo siya at hinarap ang mga kakalse ko.
Ako ay nasa gilid lamang niya. Si Levy ay nasa pintuan parin at naka pamulsang nanunuod sa amin. Nilingon ko ulit ang mga kaklase ko. Pinanlakihan ko ng mata ang dalawang kaibigan ko ng tangkain nilang tumawa. Humanda sa akin tong dalawa na ito mamaya.Talagang sasabunutan ko.
"Wag niyong aawayin to dahil mananagot kayo sa akin maliwanag!?"
"Yes sir! " sagot nang lahat.
Halos taliman ko na ang paningin ko ng itaas ni Celine ang kamay niya para makuha niya ang atensyon ni Uma. Na agad namang napansin nito.
"Yes Ms.—?"
"Paano po kung siya ang mang away?" pinipigilan lang nilang tumawa.
Tinignan ako ni Uma pagkatapos ay ibinalik ang atensyon kay Celine. Nag lakad ito sa pinaka gitna sa harapan at duon tumayo ng tuwid na tuwid. Pananamit at galaw palang ay strikto na.
"Hindi naman ganun ang Apo ko, Tama ba ako Felia?"
Tumikhim muna ako. At ngumiti ng pilit bago sumagot.Talagang ako pa ang tinanong niya.
"Ah, Opo Uma mabait po ako diba guys? " balik tanong ko sa mga kaklase ko.
Mga peste!
Tahimik at tila nag iisip sila. Subukan lang nilang sabihin ang totoo. Pinanlakihan ko sila ng mata. Sinisenyasan na sumagot na.
"Hindi po" nakakalokong sagot ni Almira.
"What do you mean? " nagtatakang tanong ni Uma.
"I mean sir, hindi po kayo nag kakamali mabait po talaga si Felia hindi po siya nangaaway at nananakit! " medyo nakahinga ako ng maluwag.
"Okay that's good to hear! " tumango tango pa si Uma.
"Good morning sir! " ani Levy at lumapit na kay Uma.
Malapad namang ngumiti si Uma na para bang nakita niya na ang tunay niyang apo.Tila hindi napansin ng iba ang pagkakaiba ng ngiti nito sa akin at nung kay Levy.
"Good morning ijo!" tinapik pa ni Uma ang balikat ni Levy na parang mag tropa lang sila kung magbatian.
"We need to talk later, both of you!" ani Uma at lumingon sa akin.
"No problem sir! ' magalang na ani Levy.
"Okay, I need to go, I have important things to do, proceed your activity Ms. Yra-!"
"Yes sir! agad namang tugon ni Ma'am Yra.
"Bye guys! " paalam ni Uma sa lahat.
"Good Bye sir! " ani Naman ng lqhat ng naroon.
Nang makalabas si Uma ay para akong nabunutwn ng tinik sa katawan. Agad akong lumapit sa aking upuan para Sana sabunutan ang dalawang kaibigan ko ng bigla akong hinila ni Levy kaya napabalik ako.
"Where are you going? " he asked. Pabulong yon pero rinig na rinig dahil tahimik ang lahat.
"Malamang uupo na sa upuan ko!" pabalang kung sagot.
"Tumabi ka sa akin!" hindi utos yon kundi isang salita na kailangan kung sundin.
Tinignan ko ang upuang katabi ng upuan niya. Umirap ako ng makita ko ang pag mumukha ni Grace. Tahimik at mahinhin siya kung titignan ngayon. Napaka plastik talaga ng babaeng ito.
"Ako ba ay pinag luluko mo ha Levy?" mariing wika ko.
"What is happening there?"
"Pwede ba mag turo ka nalang keysa maki chismis pa dito!" inis kung wika kay Ma'am Yra. Natahimik naman siya at nag simula na ngang magturo.
Sasabat sabat pa siya. Nandito siya para magturo hindi ang makipag chismis at pakialaman ang buhay ng iba sa oras ng klase niya.
"Ano ba doon ako uupo sa upuan ko!" madiing wika ko.
Rinig ko ang ilang pagtikhim ni Yra na abalang nag di-discuss. Alam ko namang sa amin niya iyon ipinaparinig. Lingunin ko na sana siya na bigla akong hinila at pinaupo ni Levy.
Tatayo na sana ako ng pigilan niya ako. sa pamamagitan ng pag hawak niya sa kamay ko. Patago akong napangiti dahil don. Agad kung nilingon si Grace na ngayon ay nakaiwas nang tingin sa amin. Pero alam kung nakita niya ang ginawang paghawak ni Levy sa kamay ko.
Mainggit kang putang ina kang babae ka.
Ilang minuto pa ang nag daan. Ay talagang hindi kona napigilan pa ang pag pikit ng mga mata ko. Wala namang pader Dito sa gilid ko. Kaya dumupdop nalang ako sa lamesa. Magkahawak parin ang mga kamay namin ni Levy na nasa aking hita.
Nagising nalang ako ng yugyugin ni Levy ang balikat ko. Hindi pa sana ako didilat, nang marinig ko ang galit na boses ni Betty. Agad akong umayos ng upo.Nakapikit nga lang.
"Oras ng klase ngayon hindi oras ng Pagtulog!' wika niya. Napadilat ako.
"Oras ng pagtuturo ngayon hindi ang pag sesermon." agad na sagot ko.
"Walang galang bastos ka pa!'
"Epal kana asar talo kapa!"
"Abah talagang sumasagot ka pa mabuti sana kung matalino ka, kahit tulungan mo lahat ng subject ay pag binlbigyan ki—"
"Sa inaantok pa ako eh!"
"Felia!" banta ni Levy.
"Hindi lang naman ako ang tinuturuan mo dito ah, hindi kaba makakapag turo kapag tulog ako?" inis at padabog pa akong umayos ng upo.
"Kung ganiyang matutulog karin pala sa klase ko mas maganda kung mag drop out kana lang sa subject ko!" nang hahamon niyang saad.
"Bakit ako ang pinag dadrop out mo kung pwede ka namang tanggalin bilang guro dito!" nakataas ang kilay na wika ko.
Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. Lumapit siya at dinuro ako. Matalim ang mga mata ng tumayo ito sa harapan ko.
"Felia!" pag aawat ni Levy na hindi ko pinansin.
"Pumunta ka sa guidance office ng maturuan ka kung paano ang gumalang lalo na sa mas nakakatanda sa'yo!"
"You need to pack your things then, dahil ito na ang huling oras mo dito sa Paaralang it—"
"At sino ka para sabihin yan ha aber? Napaka lakas nang loob mong sagot sagutin at pagbantaan ako!" naka pamewang na angil niya.
"Sorry ma'am!" ani Levy na ikinainis ko.
"That's enough Felia!" ani naman ni Grace.
Isa pa ito. Akala mo naman napakabait. Porke maraming tao ay nag babait-baitan na.
"Sino ako? yan nalang lagi ang mga tinatanong niyo kapag hindi niyo matanggap na napahiya kayo... Hindi na ako magugulat dahil marami ng nagtatanong kung sino nga ba ako!" maangas at may pag mamalaking saad ko.
Padabog niyang hinampas ang table ko at matalim niya akong tinitigan sa mata. Hindi ko naman siya nilubayan. Nakangisi akong nilalabanan ang mga tingin niyang pamatay.
Ang mga kaklase ko ay nagbubulungan na. Si Levy ay tumayo narin.
"Napaka bastos mo talaga, tignan natin kung ano'ng magiging reaksyon ng mga magulang mo kapag pinatawag ko sila!"
"Oh really baka mag sisi ka!" mapang asar kung anas.
"That's enough Felia!" walang seseryuso pa sa boses ni Levy. Hinila niya nalang ako ng basta. Hanggang sa makalabas kami ay mahigpit parin ang pagkakahawak niya sa braso ko. animoy gigil na gigil.
"Bitiwan mo nga ako—"
"Shut up!' galit na sigaw niya.
Fuck!
Parehas kaming napatigil dahil s pagsigaw niya. Agad akong nag iwas ng tingin ng tangkain niyang haplusin ang mukha ko.
Tss. Nasigawan na masama pa ako sa paningin niya.
Itutuloy—