Chapter 09

1732 Words
Felia I was awaken by the loud knock of my door. Who the f**k is that? I glanced at the digital alarm clock on my side table to check the time. It was only 6:30 in the evening. Arg! The knock was followed by another and another! Tuluyan nang nasira ang mahimbing kong pagkakatulog. Kung sino man 'yang walanghiyang istorbo na 'yan, siguraduhin niya lang na importante ang sasabihin niya kung hindi malilintikan talaga siya sa akin. "Felia Margot Dornan! Bumangon kana riyan at maghanda, aalis na tayo mamayang alas otso," ang sigaw ni Grandpa ang tuluyang nag pagising sa akin. "Oh, f**k!" I cursed at nagmamadaling tinanggal ang comforter na nakabalot sa akin. "I heard you!" he shouted from the outside. Napapikit ako ng mariin. Bakit siya ang nanggigising ngayon at sa ganitong oras pa talaga? Can I at least have my beauty rest? "Sorry Grandpa..." Mahinahon kong wika habang sinusuot ang silk dress ko. Nakahubad kasi ako kapag natutulog at magdadamit lang ako pag lalabas na ako dito sa kwarto ko. Mag isa lang naman ako dito sa kwarto ko kaya nakaka pag hubad ako kong kailan ko gusto. I rolled my eyes before finally walking towards the door to open it. "Bilisan mo, lumabas ka muna saglit," he commanded. Sandali nga 'di ba? Agad-agad naman? Halos mag kadapa-dapa pa ako dahil sa bilis ng kilos ko. Pag bukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang nakabusangot na mukha. "Bakit, Grandpa?!" Pilit ang ngiting bati ko, pinipigilan ang gustong kumawalang pag-irap. "Kausapin mo nang maayos mamaya si Levy pigilan mo ang sarili mong huwag makipag-away sa kaniya," iyon kaagad ang bungad Niya sa akin. "Understood?" tanong niya. Nakataas ang kilay at nakapamewang habang hinihintay ang sagot ko. "Kung makakapagtimpi ako Grandpa... 'wag niya lang akong buwisitin at baka masapak ko 'yon sa harapan ng magulang ni— " I traded as I crossed my arms on my chest. "Magtitimpi ka o malalaman na ito ni Uma?" He raised a brow on me. Tumagilid ang kaniyang ulo at humalukipkip. Ang galing naman talagang mang-blackmail nitong si Grandpa, e 'no? Napakagaling! I blew a slow sigh. "Fine." I said as I tried my best not to roll my eyes again. Halos masukanako nang sabihin ko iyon. I cannot believe I just got blackmailed, huh? But when I looked at my grandpa who's still in front of me, sa nakikita ko palang na reaksyon niya ay hindi na naniniwala. Well, magaling lang talaga siyang makiramdam and I hate it sometimes... or should I say most of the time. "Mabuti at nagkakaintindihan tayo..." sinabi niya pa rin kahit mukhang hindi naman siya kumbinsido. "Sige na pumasok kana at magbihis," wika niya bago ako tuluyang tinalikuran. Padabog ko pang naisarado ang pinto ng aking kwarto dahil sa iritasyon. Kung puwede lang ibalibag lahat ng gamit sa kuwatro ko ay ginawa ko na. This is insane. So insane! Sa sobrang iritasyon na nararamdaman ko ay kung ano-ano na ang nasabi ko. "Mabulunan ka sana ngayon Levy ka..." I whispered. Kahit wala siya rito naiirita ako sa kaniya. Just by imagining his safe in front of me makes me wanna p**e in anger and disgust! *** I took my time preparing for that damn dinner. Pagbaba ko ay naroon na silang tatlo sa sala. Magkatabing nakaupo si Kuya at Vica sa sofa. Si Grandpa naman ay nakaupo sa pang-isahang sofa na noong nakita ako ay tumayo na. Tumayo na rin si Kuya habang abala sa pagtitipa sa kaniyang cellphone. Umirap ako nang padabog ng tumayo si Vica. Nakasimangot siyang tumingin sa akin. "Sa tagal mo yan, 'yan lang pala ang ayos mo? Walang silbi ang pag aantay namin sayo!" iritadong wika ni Vica na pinasadahan ako mula ulo hanggang paa. Namumuro na itong babae na ito sa akin ha? Kaunti na lang at bibigwasan ko na lang din ito. Iritado pa naman ako ngayon. Nakasuot ako ng white crop top at Black leather jacket, black fitted jeans paired with white rubber shoes. Anong mali sa suot ko? Maayos naman, ah? "Kailangan ba na naka-gown ako para may silbi ang paghihintay mo?" Hindi ko na napigilan ang pag-irap. "Kakain lang naman tayo roon, right? We're not going there for fashion show, o baka gusto mong naka-bikini dapat kapag a-attend doon? At huwag mo nga akong pakialaman itong suot ko dahil hindi ko pinakialaman 'yang damit mo. Hindi ka naman handa, e no?" I asked sarcastically as I scan her from head to toe. "That's enough, girls!" Pagsaway ni Kuya. "Baka saan na naman mapunta 'yang usapan na yan," he then added. "Anong bilin ko sayo Felia?" Lingon sa akin ni Grandpa. "Ikaw rin Vica huwag kang makisali roon sa usapan kung hindi naman kailangan," aniya naman kay Vica. "Okay..." sabay naming sagot ni Felia. We are about to leave when Grandpa's phone rang. Tumigil ako at si Kuya. Si Vica ay nauna nang lumabas. Tss. Bida-bida talaga kahit kailangan ang lukaret na iyon! "Again!?" bulyaw ni Grandpa nang nakita kung sino ang tumawag, kumunot ang nuo niyang sinagot iyon. "Uma..." unang bigkas pa lang ni Grandpa niyon ay napatigil na si Kuya sa pagtitipa sa kaniyang cellphone. Nalaglag ang aking panga. My heart beated wildly. Bihira kung tumawag si Uma, kung tatawag man ito ay may ibabalita o hindi naman ay may iuutos. Nang huli siyang tumawag inutusan niya si Grandpa na asikasuhin ang pinagkasunduang pagpapakasal namin ni Levy na agad namang tinanangihan ng pesteng lalaking iyon. "Okay naman Uma pinag uusapan pa namin," tugon ni Grandpa sa kausap. He looked calm but his voice says otherwise. "Okay makakaasa ka..." Iyon ang huling wika ni Grandpa sa kausap bago nito pinatay ang tawag. "Ano na naman ang sinabi sayo ni Uma, Grandpa?" si Kuya ang nag tanong kaya hindi na ako nagabala pa. Mabuti naman at nagtanong si Kuya dahil pakiramdam ko ay wala akong lakas para itanong iyon. Tumingin sa akin si Grandpa at bumuntonghininga. Sa tingin niyang 'yon ay parang alam ko na kung anong napag-usapan nila. Ako ang una niyang binalingan just after that call, it only means one thing. I am involved with whatever they talked about. "Tinanong niya kung kumusta na ang kasal na magaganap," sabi niya matapos ilagay ang ang cellphone sa kaniyang bulsa... "Kasal?" Kuya snorted. "Ni hindi nga pumayag sa pagpaplanong maging fiancee niya itong si Felia magpakasal pa kaya?" I can feel Kuya's bitterness with what he said. "Kaya nga tayo pupunta sa kanila para mapag-usapan muli ang pagpapakasal nila ni Felia..." si Grandpa na ngayon ay bumuntong hininga. "Talk to them again? Grandpa, kahit ilang beses silang kausapin kung ayaw ng Levy na 'yon, wala na tayong magagawa sa desisyon ng lalak—" "Si Felia may magagawa," nakataas ang isang kilay na wika ni Grandpa. Nagtataka namang bumaling sa akin si Kuya. Naging dahan-dahan ang paglingon ko. Umupo ako sa sofa at humalukipkip. "What?" Tanong ko sa kanila. Dahil sa kanilang mga titig. Pinagtaasan ko sila ng kilay. "Gumawa ka ng paraan para pumayag si Levy na magpakasal sayo kausapin mo siya mamaya ng maayos para—" "Wait, wait and chill naman po 'no? Chill ka muna Grandpa, mukhang lutang ka pa dahil hindi mo ata alam ang mga sinasabi m—" "I'm serious, Felia!" napataas ang kaniyang boses na pinutol ako. "Mukha ba akong nabibiro, Grandpa?" Umarko paitaas ang aking isang kilay. "Mukha rin ba akong nagbibiro?" balik tanong niya rin sabay turo Niya sa kaniyang mukha. Umirap ako at nag-iwas ng tingin. Yumuko ako at umirap. Nag-angat ako ng tingin nang magsalita ulit si Grandpa. "Uuwi ang Chairman sa susunod na linggo rito para alamin ang napagkasunduang pagpapakasal mo," Grandpa said with finality in his voice. "What?!" Sabay naming angal ni Kuya. Halos mapatayo pa ako mula sa pagkakaupo sa sofa. Malaking problema ito kung ganoong uuwi siya gayong wala namang kasalang magaganap. "Ano ba aalis ba tayo o magkwekwentuhan nalang kayo diyan?!" Sigaw ni Vica. "Sobrang pa VIP na tayo, my gosh!" dagdag niya pa. Masiyado talagang pabida, e. Nakasimangot kaming dalawa ni Vica habang nakaupo rito sa loob ng Van. Magkatabi kami ni Kuya sa likod at nasa harap naman si Grandpa at Vica. Paano ako makaka punta sa Race kung wala akong sasakyang dala? Malayo pa naman rito sa Aritiza yon. Liblib ang lugar na 'yon kaya dapat ay mas sarili kang sasakyan kapag pupunta ka roon. Siguro tatawagan ko nalang si Africa at magpapasundo sa kaniya? Alam kong mahirap nang makataas ngayon si Celine at Almira dahil may pasok pa bukas. To Africa: Sunduin mo ako mamaya. Text ko sa kaniya. Hindi ko na sinabi kong saan. Alam niya na yon. At alam niya rin kung anong oras ako pupuntahan. 'Wag lang akong mahuhuli ni Grandpa mamaya, kapag tatakas ako. Habang nasa loob ng sasakyan ay nag-iisip na ako ng mga paraan. Kung papaano ko mapapayag ang buwisit na si Levy. May isang linggo pa ako para mapapayag siya. Daig pa ang babae kung magpa-hard to get. Mukhang siya ang babae at ako ang lalaki. Ako ang naghahabol siya ang nag papahabol. That's just unfair! Peste. Punyeta ka talaga Levy. Problema ko na nga ang mga mabababa kong grades dumagdag pa siya. Buti sana kung matataas ang mga grado ko at matututukan kitang pesteng Levy ka. Kinuha ko ang cellphone ko nang tumunog iyon. Maraming notification ang nag pop-up sa akin. Puro direct messages sa IG ang mga iyon pero ni isa wala akong binasa. Bakit ko babasahin hindi ko naman sila kilala? At wala akong pakialam kong importante man o hindi ang mga iyon. Pero gan'on nalang ang pagkaka-kagat ko ng labi ko ng may bagong notification sa akin. Napapikit ako at ganon nalang ang pag bilis na pintig ng puso ko ng makita ko ang pangalan ni Levy. Ilang minuto akong tumitig roon bago ko basahin. @ALHYDARI Don't be jealous. Hinatid ko lang naman siya. That was his message. I even stalked that account to confirm if it was him and when it was really him, I cursed. "s**t!" malutong kong mura. Sa lakas ng sigaw kong iyon ay napalingon pa sa akin ang mga kasama ko. "Watch your words, Felia!" sabay ng banta ni Grandpa at Kuya, they both widened their eyes on me. Itutuloy—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD