Felia
Nang makarating ako ng mansyon ay wala pa ang mga body guard ni Grandpa na sumundo sa akin. Nang makababa ako sa sinakyan ko ay sakto namang paghinto ng isa pang sasakyan sa likod lang ng akin. Bumaling ako roon at nagtaka dahil sa nakita. My brows furrowed at what I saw.
Hindi ko na hinintay pa ang pagbubukas ng aking pinto ng isang bodyguard dahil ako na mismo ang gumawa n'on.
The moment I got out of the car, I heard Vica's nags.
"Don't touch me! Get your dirty hands off me! Ano ba?!" sigaw ng half sister kong si Vica habang hinahampas ang mga humahawak sa kaniya.
Vica is my half sister. Kapatid ko sa ama. We're not really that close, so whatever.
Dad was a playboy in his teen days. At first, di ko tanggap pero kalaunan ay nawalan na rin ako ng pakialam. As long as she doesn't give me shits, kahit maging dalawa pa siya.
Isa pa, tapos na iyon. I can't do anything about it anymore.
One thing's I can say to my Dad. Malibog na playboy!
Sa sobrang libog binuntis niya ang Nanay ko—ako ang naging bunga at dahil nga isa siyang malibog na playboy naka buntis pa ng isa —si Vica ang bunga. Bago namatay ang Mommy ni Vica ay binigay siya nito kay Daddy. Mga two years old daw siya non nong binigay siya.
Hindi naman na playboy ngayon si Daddy takot niya nalang kay Mommy. Hindi na siya nambababae ngayon. Siyempre naman, 'no?!
Hindi na siya playboy... malibog nalang!
Kaya nga nasa Singapore sila ngayon nagbabakasyon at nagrerelax.
I sighed deeply and rolled my eyes.
Hinila siya palabas ng dalawang lalaki pero may pag-iingat ang galaw nila.
"Hey, sis!" I waved my right hand towards her and showed a smile. Iyong tipong mababanas siya sa ngiti ko. That's right, sis. Mainis ka lang, mas matutuwa ako.
Nagtama ang mga mata namin. Ang kaninang galit na mukha nito ay mas lalo pang naging galit nang nakita ako.
"Oh, Hi dear sister! Anyway..." ngumuso siya. "Bakit nandito ka?" Iritado niyang tanong habang pumipiglas pa rin mula sa pagkakahawak ng mga bodyguards sa kaniya.
"I mean bakit nandito ka? akala ko busy ka sa pag papaamo kay Levy para pakasalan ka niy—" she was cutted off.
"Bahay ko rin 'to." I raised a brow on her. Taas noo pa at hindi nalang pinansin ang ibang pinagsasabi niya. "Ikaw, bakit nandito ka?" I inquired. I crossed my arms in front of my chest and tilted my head.
"Obviously, this is my house— ano ba?!" She hissed. Ang mga mata niya ay matatalim nang balingan niya ang dalawang body guard na nakahawak sa kaniya.
"Felia, Vica..." A familiar voice called about names kaya napalingon ako roon. "Kanina pa kayo hinihintay ng inyong Grandpa. Pumasok na kayo." Si Manang Dilima iyon na taas noong nakatayo sa dulo ng hagdan, sa harap ng main door at seryoso ang aura.
Napalingon ako kay Vica at isang beses na nginitian. Umirap siya sa akin at iwinaglit na ang pagkakahawak sa kaniya ng mga bodyguards na Bahagya pang napaatras.
"Sige, Manang." I smiled to Manang too before stepping up to the house.
"I can't believe these people. Darn it! I can't believe they're forcing me to get in here in my own house?" Reklamo pa ni Vica habang naglalakad na rin papasok sa loob.
"Bilisan mong maglakad!" Nagulat ako sa sigaw niyang iyon sa akin.
Tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya. I scoffed. Humalukipkip ako at nagtaas ng isang kilay sa kaniya.
"Ang luwag ng daan bakit minamadali mo ako? Ito lang ba ang daan? You're not even fat. Why are you making me walk fast?" Tanong ko sa kaniya, tunog nanghahamon.
Nakakakulo talaga ng dugo ang babaeng ito, ha? Pati maliit na bagay ay pinapalaki niya. Ugh, kakairita!
"Ang bagal mo kasing maglakad!" Iritado niyang sinabi sabay irap.
"Then, lagpasan mo ako! Ang laki ng problema mo sa akin, ah? Pati ba naman daan issue sa'yo? Tss. Masiyado kang childish." Ang isang dulo ng pang-itaas kong labi ay umangat.
"So personalan tayo rito?" Humalukipkip din siya.
"If that's what you think it is-"
"What is this all about again? Pati ba naman daan pinagaawayan niyo pa?" Si Kuya Rodmir na kadarating lang din. Nakakunot ang kaniyang noo nang sabihin n iya iyon.
Pareho kaming natigil ni Vica at napalingon doon sa banda ni Kuya. My expression suddenly changed. Si Kuya Rodmir ay mas matanda ng anim na taon sa amin ni Vica.
Halos takbuhin na ni Vica ang distansiya nila ni Kuya. Nang makalapit ay niyakap niya ito. Tumitig lang ako at hindi na nag abalang lumapit pa.
Isang buwan na hindi umuwi rito sa mansyon si Kuya dahil sa business trip niya sa France. Hindi namin alam na ngayon ang dating niya. Wala man lang pasabi ang isang to.
"Siya ang nag umpisa!" Sumbong ni Vica. Itinuro pa ako.
"Anong ako? Ikaw kaya!" Paratang at hindi nagpapatalong wika ko. Magsusumbong na nga lang mali pa.
"Ikaw ang nag simula kaya wag ka nang—"
"Ikaw naman talaga, wag mo akong gawing sinungaling!" Hindi ko napigilang sumigaw sa pag kairita. Pasalamat siya kapatid ko siya kong hindi kanina pa to tulog.
"Huwag mo akong sigawan dahil hindi naman ako bingi!" sigaw niya pabalik sa akin. Lumapit siya sa akin at sa itsura niya ay alam kong gustong gusto niya na akong sabunutan.
"That's enough girls." Pag-aawat sa amin ni Kuya, pumagitna pa sa amin.
"Ano na namang kaguluhan 'to?"
Ngayon ay napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng ma-otoridad na boses na iyon.
"Itong si Vica ka-"
"Ako na na-"
Hindi namin naituloy ang sasabihin namin ni Vica nang putulin iyon ni Grandpa.
"Pinaghiwalay ko na nga kayo ng pinapasukang school para hindi kayo mag-away, pero dito naman kayo nag aaway sa bahay!" Hindi makapaniwalang tanong ni Grandpa. Dismayado dahil palpak ang naging desisyon niya.
"In my office now," maotoridad na aniya bago ito tumalikod sa amin.
Nang maka pasok kami sa office ay naruon na si Grandpa sa kaniyang silya. Umupo kaming tatlo sa puting sofa nasa gitna naman namin si Kuya.
"Ano ba naman kayong dalawa kadarating niyo pa lang nag aaway na naman kayo?"
Medyo kalmadong tanong na niya ngayon. Ngumuso ako at nag iwas ng tingin.
"Ito kas—"
"Don't blame each other. You're both at fault." He said langidly.
"Bakit niyo po ba kami pinasundo ng maaga grandpa?" si Vica na ang unang nagsalita.
"Alam mo ba ang pinag gagawa mo kanina?" tanong niya kay Vica na ngayon ay alam kong hirap na hirap nang mag pigil sa pag irap sa matanda.
"Siyempre naman grandpa kahit nga malasing ako alam ko ang ginagawa ko!" proud pang wika nito.
"Alam mo pala, bakit mo sinuway ang utos ko sayo? Bawal ang makipag away, pero nakipag away ka parin!"
"Grandpa, sadyang walang mudo lang ang mga yon kaya ko napatulan!"
"Diba ang sabi ko sayo ay huwag kang gagawa ng gulo?"
Tahimik lang kami ni Kuya na nakikinig sa dalawa. Nag eenjoy ako sa mga naririnig ko dahil mukhang may mangyayaring hindi maganda! To her.
"Ano bang nangyari gra-"
"Tumahimik ka, Felia!" Putol ni Grandpa sa sasabihin ko dapat. Ano ba yan mag tatanong lang naman ako. Di pa nga ako tapos na shut up na agad ako.
Itinikom ko ang aking bibig at nakinig na lang. Putcha. Mag tatanong lang naman eh.
"Sila ang nagumpisa, ang tagal kong nagtimpi sa kanila pero sinagad nila ako!" Halata sa boses ni Vica ang iritasyon.
"Unang araw palang ng klase dinalaw mo na naman ang guidance office. Vica naman, kailan ka ba magbabago? Kailan ba kayong mag babagong dalawa!" sabi niya na nauubusan na nang pasensiya.
"Bakit ako nadamay diyan!" sambit ko. Painosente dahil wala namang kinalaman. Tahimik na nga ako nadamay pa.
"Ikaw, Felia. Ano itong nababalitaan ko na kung hindi ka pa pinigilan ni Levy ay magtatangal ka na naman ng mga studyante at guro?" Sa akin naman ngayon ang atensyon. Dapat talaga nag shut up nalang ako.
Nakita ko ang pagngisi ni Vica. Palibhasa tapos nang sermunan! Alam kong nag didiwang na ngayon yan sa saya.
"Ibang klase talaga si Levy noh! Isang Levy Hydari tinanggihan ka n nga, kinukuntra ka pa—"
"Vica!" saway ni Kuya.
"And that's a FACT! ano naman ang pakiramdam—"
"Hindi ko naman sila tinangal, ah!" nakangusong wika ko. Hindi nalang pinansin ang mga sinasabi ni Vica.
Kung pinabayaan lang sana ako ni Levy eh, di sana natanggal ko ang mga iyon para naman may silbi itong sermon ni Grandpa sa akin.
"Pinaghiwalay ko nga kayo para hindi magkagulo pero kahit saan ko kayo dalhin ay meron at meron talaga kayong gulo!"
I saw how my Grandpa massage his temple. Sa edad niyang sixty five aakalain mo lang na siya ay nasa forty's pa lamang dahil kakaunti pa lamang ang kulubot sa kaniyang mukha at malakas pa.
"Si Vica ang gumawa ng gulo, ako nga ang umaayos ng gulo, eh. Magkaiba 'yon." Dipensa ko.
"Ayaw ko nang maririnig na gumawa o sangkot man kayo sa ano mang gulo... Maliwanag?"
Ilang segundo bago kami sumagot.
"Yes grandpa," sabay naming sagot.
"Mabuti naman kung nagkakaintindihan tayo rito at kapag sinuway niyo na naman ang usapan natin hinding hindi na ako mag dalawang isip na sabihin ito kay Uma!" he said seriously. Hindi lang ako ang kumabog ang dibdib alam kong pati si Vica ay ganon din.
Si Uma ay ang great-grandfather na kinakatakutan namin. Ang Daddy ni Grandpa. Tingin at postura niya palang ay kakaiba na matatakot ka talagang tignan at kausapin siya. Kaya nga para kaming pusang maamo kong nandito siya at lahat ng sasabihin at iuutus niya ay talagang sinusunod namin.
"Bakit niyo po ba kami pinasundo Grandpa?" Tanong ni Vica. "May pupuntahan pa ako, e."
"Pinasundo ko kayo dahil pinatawag tayo ng mga Hydari... We are having a dinner tonight with them!"
Seryoso siya?
"Bakit pa? Edi ba tinanggihan na nga si Felia!" walang kaabog abog na anang ni Vica.
Umirap ako. Kailangan ba paulit ulit niyang sabihin yang pagtanggi sa akin ni Levy?
"Kailangan nating makipag usap muli sa kanila dahil ang huling pag uusap ay hindi maganda!" tumingin sa akin si Grandpa.
"Well, malay natin mag bago ang isip ni Levy kunting landi naman diyan Felia Oh!"
"Vica!"
Tumalim ang mata ko sa kaniya.
"Bakit ba galit na galit ka sa akin at lagi mo pang bukambibig yang si Levy.. hindi mo ba matanggap na ako ang piniling mag pakasal sa kaniya at hindi ikaw? Alam kong may gusto ka sa kaniya pero wag ako ang pagbuntungan mo ng Galit mo dahil hindi ako ang nag desisyon niyan!" deretsong Sabi ko.
"That's enough guys!" pag awat na ni Kuya.
"Pumunta na kayo sa inyong mga kwarto at magpahiga dahil mamaya ay aalis na tayo!" wika ni Grandpa.
Tumayo ako at nauna nang lumabas hindi na pinakinggan pa ang mga reklamo ni Vica.
Gusto niya siyana na ang magpakasal kay Levy. Basta kausapin niya lang si Levy at Uma.
Itutuloy—