Felia
"Ano ba?! Bakit mo ako hinila? hindi pa ako tapos doon, ah?" iritang sabi ko nang bigla niya akong hilahin palabas sa guidance office.
'Tsaka niya lang ako binitawan nang nakalabas kami. Padabog niya pang sinarado ang pinto at matalim ang mga matang tumingin sa akin.
The Dean's office has its own building, hiwalay sa mga classroom ng mga estudyante. Kaya kung mag sigawan man kaming dalawa rito ay walang makakarinig sa amin (maliban nalang ang mga taong nasa loob ng office ni Dean.)
"May pa sabi sabi ka pa ng "sa oras na dumapo ang maruming kamay mo sa kahit na anong parte ng katawan niya. Maghukay ka ng sarili mong libingan... ka pang nalalaman.. Kung pinasapak mo sana ako sa lalaking 'yon, eh di sana nasa hospital na siya ngayon dahil sa pagbawi ko ng suntok! Style mo bulok!"
Mas lalong tumalim ang matang ipinukol niya sa akin at marahas na bumuntong hininga.
"Shut your mouth, Felia!" He said angrily.
"Shut your mouth, too!" Sigaw ko pabalik.
My chest hurts so bad with this kind of scene, fighting. Hindi ko inaasahan na kailangan pa naming mag-away dahil sa ganoon kaliit na bagay.
"Kababae mong tao magpapasapak ka roon?" He asked bluntly. Ang pag-igting ng kaniyang panga ay hindi nakatakas sa aking mga mata.
"Mas malakas pa nga ang sapak ko sa kaniya kaya anong sinasabi mo? Are you belittling my ability?" May pagmamayabang na sinabi ko.
"Youre just so full of yourself," he accused.
"Ugali ko na 'yon, kaya wala ka na dapat pakialam." I rolled my eyes as I cross my arms on my chest.
Nilampasan ko siya at plano nang pumasok ulit nang harangin niya ang daraanan ko. Hinuli niya ang aking palapulsuhan at mahigpit iyong hinawakan.
"Ano ba?!" Maarte at naiirita kong asik sa kaniya. Sinubukan kong haklitin ang aking braso sa pag-asang makakawala ako sa hawak niya ngunit masiyado siyang malakas at hindi man lang natinag.
"Si Dean na ang makikipagusap sa kanila," he said firmly. Dumapo ang kaniyang seryosong mata sa kamay kong sinusubukang makawala sa mahigpit niyang hawak.
We remained quiet for a long time. Walang umimik at nagsalita, tanging ang mahinang ihip ng hangin lang ang naging ingay.
"Let's go," aniya matapos ang mahabang katahimikang namagitan sa aming dalawa.
Ang aking kamay ay hindi na muling nabawi pa mula sa kaniya. Hanggang sa makarating sa harap ng pinto ng classroom namin ay hindi niya parin ako binibitawan.
Binuksan niya ang pinto at sabay kaming pumasok, kaya naman nang makatapak sa loob ay nasa amin lahat ng mga atensyon ng mga kaklase namin, ang iba ay nagulat dahil sa nasaksihan.
Mamutawi ang mga bulungan ng mga naroon na animo'y mga bubuyog na nasiraan ng tahanan.
"Magsitahimik kayo!" Saway ng Professor na nasa harap kasabay ng malakas na hampas ng hawak niyang stick sa kaniyang lamesa.
Marami ang natahimik ngunit mayroon namang nanatili sa bulungan. Hindi man lang natakot sa bulyaw ni Ma'am Gena. Kita ko sa nameplate niya.
"Maaga pa kayo para sa susunod na klase," ani Ma'am Gena, ang bagong teacher para sa asignaturang ito.
Ngumuso ako at isang malakas na hatak ang ginawa sa kamay kong saka lang nabitawan dahil sa ginawa kong paghaklit.
Humalukipkip ako at ipinilig ang ulo sa isang banda.
"Maaga pa para tangalin ka sa pagiging teacher mo...Ma'am," I emphasized the last word.
She was taken aback with what I said. Ang kaninang maingay ay natahimik na ng tuluyan.
"Hindi maganda ang tabas ng dila mo, ah?" she said.
"Thanks for pointing it out, but I already know that." I raised a brow on her.
Akala niya ata na basta basta lang akong studyante rito na pwede niyang ganiyan ganiyanin. Diyan siya nag kakamali.
"Sorry for being late, Ma'am. Hiniling lang ng Dean na makausap kami." It was Levy who interfered. Pabida talaga to. Bakit ba hindi na lang siya pumunta sa clinic?
Napalingon ako sa kaniya na ngayon ay matalim ang mga matang nakapukol sa akin. Binabantaan akong tuhamik na at wag nang sumagot pa.
Umirap ako at humalukipkip. Napaka epal talaga ng lalaking to. My eyes darted back on Gena.
"Sa susunod ayaw ko nang may ma-late sa klase ko," aniya saka muling bumaling sa akin. "Sige, maupo na kayo." Utos niya, medyo kalmado na ngayon. Pero matalim parin ang tingin sa akin.
"Sa susun-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko hinila na ako ni Levy para umupo.
Saka niya lang binitawan ang kamay ko ng nasa tapat na siya ng kaniyang silya. Hindi man lang ako inihatid. Kaagad naman akong naglakad patungo sa upuan ko, padabog pa.
Narinig ko pa ang pang aasar sa akin ng dalawa kong kaibigan.
Nang makaupo na ako ay isang tikhim ang narinig ko mula sa aking gilid. Nag dikwatro ako nang hindi man lang siya nilingon.
"Anyare ba, girl? Badtrip ka, ah?" Bulong ni Celine habang pasulyap-sulyap pa sa harap. Siguro ay natatakot na masita ni Gena.
Hindi ko na siya tatawaging Ma'am simula ngayon Gena nalang, what's the use by calling her Ma'am kong matatangal lang rin siya bilang isang guro rito.
"Why don't you ask him? Maybe he knows why I'm acting like this," sabi ko at matalim ang matang tumingin kay Levy.
Nalaglag ang kaniyang panga at marahang sinulyapan ang banda ni Levy na ngayon ay seryusong nakikinig sa mga pinag sasabi ni Gena.
"Pero ang bongga ng sagot mo kay Ma'am Gena, ah?" Tahimik na humagikgik si Almira.
"Puwede bang shu-mat-the-f**k-up ka na lang, Almira?" Mahinang saway ko kay Almira.
"Nyenye ..." Si Almira saka palang ito umayos sa pagkakaupo.
"Kayong tatlo diyan sa likod. Ano na namang walang kabuluhan ang pinag-chi-chismis-an niyo riyan?!" Sigaw ni Gena mula sa harapan habang ang kaniyang magic stick ay nakaturo pa sa banda namin.
"Lumapit ka rito ng mala-" tumayo si Celine at siya ang sumagot. Hindi na pinatapos ang rebat ko.
"Wala po, Ma'am!" magalang na sagot niya. Pagkatapos ay umupo na. Nag katinginan kaming tatlo at sabay na naghagikgikan.
"Sinabi ko naman na ayaw ko ng madaldal sa klase ko, hindi ba?!"
Paki ko sayo?
She resumed on her discussion. Hanggang sa matapos ang klase niya'y okupado ang isip ko.
Nang sumunod na klase ay naging masaya ang lahat dahil nagpatawag ng meeting si Dean sa mga teacher kaya wala kaming klase ngayon.
We spent our remaining time on our private room, para sa aming magkakaibigan. Dito kami naglalagi sa tuwing may vacant classes kami.
"Anong drama niyo kanina ni Levy? May paholding hands pa kayo?"
"Tangina. Aray ko naman!" wika ni Celine habang inaayos ang buhok na nagulo dahil sa pagsabunot ko sa kaniya
"Tanga aasarin mo siya nang nasa malayo ka, yan tuloy sabunot abot mo haha!" kantsaw ni Almira.
"Tanga wag mong ubusin yang pagkain ko bumili ka ulit ng sayo!"
"Oh ayan wag kang hihingi ng pag kain ko ha, bwisit!"
"Hindi mo nga ako binigyan ng pag kain mo kanina tapos ikaw pa ang may ganang magalit diyan... abah ang tindi mo!"
Bumuntong hininga ako atsaka Huminga sa sofa. Itutulog ko nalang ito keysa sumali sa usapan nila. Pero bigla akong kinalabit ni Celine.
"Ano, tambay tayo mamaya sa Jaco?" She asked. Mabilis ko namang sinang ayunan. Basta gala ay go ako diyan.
"Libre ko girl!" si Celine na inunahan na Almira bago pa man ito makatanggi.
"Ang yaman yaman mo Almira nagpapalibre ka pa? Anong silbi ng pera mo kung 'di mo gagastusin?" anang ko habang kumakain ng lollipop na binili nila sa cafeteria.
"Hindi ako nag papalibre, 'no? Nililibre niyo lang ako," busangot na depensa niya. Pumikit ako nasa bunganga parin ang lollipop.
"Malamang ayaw mong gumastos mukha kang kawawa doon, kami kumakain, ikaw hindi!" pilosopong gagad ni Celine.
"Sumabay ka na kay Felia mamaya, para siguradong sasama ka."
"Hindi naman ako tatakas, ah?" naka ngusong sagot ng katabi kong si Almira. Naka simangot na naman dahil nasita na naman siya.
After the vacant time. I thought I could come with my friends but I was wrong. Pinasundo ako ni Grandpa sa mga bodyguards dahil sa isang urgent call.
Nasa parking na ako at naglalakad ng nakita ko si Grace at Levy nakasandal siya sa kaniyang kotse kong saan nasa Left side nito ang nakaparada kong kotse.
"Yes Dad!" rinig kong wika ni Levy kausap ang tatay nito sa kabilang linya. Nakatingin siya sa akin habang iniikot-ikot nito ang susi ng kotse sa kaniyang daliri. Nasa gilid nito ang nakatayong si Grace. Napaka Gentleman naman palang itong si Levy. Talagang pagbubuksan niya pa ata ng pinto ang pabebeng si Grace.
Ano mag di-date sila ngayon at maaga silang aalis. Kaya ba wala ang dalawang alipores ni Grace para walang istorbo sa date nilang dalawa.
Ngumiti ako ng may naiisip. Itinago ko sa bulsa ko ang susi ng kotse ko. Tumigil ako sa tapat ni Grace.
"Hmm! okay bye, Dad!" rinig kong paalam ni Levy pag katapos ay salubong ang kilay ng tignan ako.
"Excuse me!" boring kong wika kay Grace. Malamlam ang matang lumingon sa akin. Pigil na pigil ang pag irap ko. Nakakairita talaga itong babae na ito.
"Why?" she inosently asked. See! Pabebe na slow pa. English pa ang sagot!
"Dadaan ako tumabi ka!" mahina pero madiing wika ko. Nakaharang kasi siya sa dadaanan ko. Sukat ba namang sa daan pa tatayo. Nanlaki ang matang tumabi siya. Nahihiya dahil sa katangahan niya.
Salubong ang kilay ni Levy ng lingunin ko siya. Tila hindi nagustuhan ang inasal ko sa nililigawan niya. Bakit kasalanan ko bang slow at tanga yang gusto niyang jowain.
Bwisit.
Inirapan ko siya tsaka sila tinalikuran pagkatapos ay gigil na pinindot ang alarm ng kotse ko.
"Pa date date pang nalalaman akala mo naman sweet..." bulong ko habang sumasakay sa kotse ko. Padabog ko pang sinarado ang pintuan. Pagka start ko ng makina ay nag maneho na ako agad paalis roon.
Bwisit!
Itutuloy-