Felia
"Ano na, Levy? Wala na bang mas ibibilis pa 'tong pagpapatakbo mo?" inis na asik ko sa kaniya.
Alam kong sinasadya niya naman, e. Dapat kanina pa kami naroon, pero nakapakupad naman nitong magpatakbo. Puwede namang mag-overtake paminsan-minsan, e. Ang for goodness' sake. Talagang irarason niya pa talaga sa akin na baka daw maaksidente kami, e bilang nga sa daliri ang mga sasakyang nadaanan namin!
Late na late na ako. Kanina ko pa nga siya binubulyawan pero wala siyang naririnig.
Talagang iniinis ako. Gumagawa talaga siya ng paaraan para hindi na ako matuloy.
Kanina pa rin tawag nang tawag si Africa. Para mag -update sa akin. Pinaumpisahan ko na iyong ibang race. Panghuli daw kasi iyong mga magagaling.
"Pagdating natin huwag ka nang bumaba sa kotse, "I said. Napalingon ako sa kaniya at naabutan ang madilim niyang tingin sa akin.
Mabuti naman at hindi na siya umangal pa. Ayaw ko lang ng may sisita sa akin mamaya. Baka hindi ko rin siya masiyadong maaasikaso roon.
Pagkaparada niya ng sasakyan niya ay agad na akong lumabas. Isinukbit ko ang maliit na black shoulder bag sa aking balikat at nagtali ng buhok.
"Huwag kang lalabas diyan. Dito mo na lang ako hintayin!" I even shouted at him dahil maingat ang paligid at isinara ang pinto pagkatapos. Ni hindi ko na hinintay ang anumang sasabihin niya pa.
Maraming tao kaya maraming matang nakamasid. Habang ako ay papalapit nang papalapit ay mas lalo kong naririnig ang mga ingay ng sasakayang nakikipag-karerahan at ang mga sigawan ng mga tao.
Umakyat ako sa bleacher kung saan naroon ang mga kasama ko. Ang mga nakakaakyat lang dito ay ang mga kagrupo ko at ang mga leader ng bawat gangs.
May isang kuwarto ito sa loob kung saan kami laging nagpupulong ng mga ka- grupo ko at ang itsura ng labas ay isang malawak na terrest kung saan may isang malaking letter U na sofa na kayang umupo ang sampung tao, mayroon ring tatlong table roon.
Nang nakita ako ni Africa ay agad siyang lumapit sa akin. Tumango lang ang mga kasama ko bilang pagbati.
"Kanina ka pa hinahanap ni Niro," pasigaw na bulong niya. Malakas kasi ang mga sigawan ng tao kaya kung sakali ay baka hindi ko siya marinig.
Pumunta ako sa may railings. Ipinatong ko ang mga dalawang kamay ko doon habang nag mamasid sa paligid.
May hinahanap ako e, and I really need to find that person.
"The game is about to start in twenty minutes, do you want to surrender?" It was Niro who asked. Sumandal siya sa railings.
Kaagad niyang naagaw ang atensiyon ko. Hindi ko alam kung pinaglihi ba ito sa yabang!
"Why would I? Baka ikaw..." sagot ko nang hindi siya nililingon.
"I'm just giving you a chance. Baka mapahiya ka." seryoso niyang sinabi.
"I don't need a chance, Niro. if I want to back out in that race, wala ako ngayon dito." I smirked at him. "Africa. Sabihin mo nga sa mga pesteng mga tao doon na ayaw ko ng gulo hangga't hindi pa natatapos ang race ko!" wika ko nang makita ko ang dalawang grupo na kasakitan na.
"Kapag natalo ka, your position will be mine, " he grinned.
"You can try," I said and looked at him coldly. The smirk on his lips slowly disappear.
It's a nice view for me. when I see people slowly disappear their emotion on their face every time I talk to them.
Lumingon ako sa mga leader na naroon na nakikinig at nanunuod sa amin.
"Kung sino ang makakatalo sa akin, siya ang papalit sa position ko bilang pinaka makapangyarihan sa lahat." I said with finality in my voice.
I heard gasps and murmurs from my group. Nakataas ang kilay at naka cross ang mga braso sa aking dibdib habang tinitignan ang reaksyon ng mga leader na nasa harap ko.
"Baka mag sisi ka, Felia!" sigaw ni Ben.
"Hindi ka naman kasali dito, Boy. Bakit nandito ka?" tanong ng leader ng Caloocan na si Frank. Ang pangatlong pinakamalakas.
"May nagsabi sa akin na dito daw ang mga leader ng bawat gang! Isa rin ako sa leader kaya nandito ako." mayabang na wika ni Ben.
"Talaga isa kang leader?" Leader ng ano?" tumatawang tanong ni Frank.
"Ako ang leader na tatalo kay, Felia. Kaya humanda ka sa akin kapag natalo ko siya!" he spat.
Tila nag-eenjoy ang mga nakakarinig sa pag aaway ng dalawa. Mas gugustuhin pa yata nilang panoorin ang away ng dalawang ito kesa sa karera.
Malakas na tumawa si Frank sabay saving, "Boy, iba na ata tama sayo ng bawal na gamot, masiyado ka ng high!" nang aasar na wika ni Frank ikinatawa na naging dahilan ng pagtawa ng nasa paligid.
Napailing nalang ako. Humarap akong muli sa mga taong nagsisigawan sa baba. Wala akong pakialam kung magkasagutan silang dalawa diyan.
"Paano mo poprotektahan ang boyfriend mo... or can I
I say your... fiancé kung mawawala ka na sa position mong yan, Felia?" tanong ni Niro.
Nagulat ako sa tanong niya but I managed to hide it. My mind can't even process his words. Paano niya nalaman ang impormasyong iyan. I gritted my teeth.
Damn it.
"Sino bang nananaginip na mananalo sa akin?" I asked. I scoffed as I raised my brows.
"Let's see about that, huh?" he shrugged and chuckled.
Umirap ako sa kayabangan din ng isang ito.
Lumapit ako sa kaniya pero nag-iwan pa ako ng kaunting espayo para hindi maggdikit ang aming katawan. Napatigil sa pagbabangayan sina Ben at Frank. Inaasar lang naman ni Frank si Ben pero itong si Ben ay sineseryoso na.
Masiyadong sineseryoso ang buhay.
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. I smirked inwardly. Gusto ko siyang asarin. I want to see his reaction. I want so bad to laugh at him when I saw him gulp.
"Matalo mo man ako, hindi parin kita mahal," I whispered on his ear.
My plan was to extend the distance between us but I was shocked when he circled his arm on my waist and pulled me back closer to him for a kiss.
I stiffed at what he did. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.
Bago ko siya maitulak humiwalay na siya sa akin. Nakangising tila nang-aasar pa.
"Peste! bakit kaba nang hahalik diyan? Kung nalilibugan ka sa iba ka nalang wag sa akin!"
Hindi ko alam kung ilang beses akong nagmura nang mga oras na iyon. Lagot talaga ako kapag nakita ako ni Levy. Mabuti na lang at nasa kotse siya. At saka hindi ako iyong humalik kaya hindi ko nilabag ang kasunduan namin.
"Tinitignan ko lang kung magseselos iyong boyfriend mo — oh... fiancé pala!" then he chuckled.
Nakakuyom ang kamay ko habang matalim ang mga matang ipinukol sa kaniya. Nagngingit na ang galit ko sa lalaking ito ha? Sarap pagsusuntukin sa mukha hanggang sa mamaga.
Lumapit ako sa railings at ipinatong ang kamay don. Mahihpit ang pagkakakuyom ko roon. Kung makakapagsalita lang siguro iyong railing kanina pa ito dumaing o sumigaw sa sakit.
"Hindi mag seselos yon—" I stopped mid air when I saw him with someone. Napamura ako ng ilang beses nang masalubong ko ang matalim ng tingin ni Levy.
Tumalim ang mata ko dahil sa nakitang kasama niya.
Itutuloy-