Felia
"In 3 minutes mag-uumpisa na ang race niyo," paalam ni Africa nang makasalubong ko siya pababa. Alam kong sinasabi niya lang iyon para pigilan ako, but she was taken aback by the sharpness of my gaze on her.
With gritted teeth, hawk like eyes, jaw and fists being clenched tightly, I walked towards Levy.
Malalaki ang mga hakbang ko habang papalapit ako roon, people gave way to me like a queen. Even when I could feel the anger that's about to explode in me, I still managed to smirk inwardly.
Nakatalikod sila sa akin kaya naman hindi nila nakikita ang paglapit ko sa kanila.
It took me a minute to finally get to them. Taas noo pa ako nang nakarating ako roon.
"What are you doing here? Haven't I told you to just stay inside your car?" I said, my brow arched up.
He turned to see me. Sumunod na umikot at si Grace. We are all now facing each other.
"So you could enjoy flirting freely with the guys here? What happened to your promise, Felia?" he fired at me. I could almost taste the pain in the way he spoke every words.
Hindi ako nakasagot. I am not guilty for his accusation, but I did something wrong. I wasn't the one who initiated that kiss.
"Let's talk about this later. I still have a race to finish."
I turned my back on them. Isang hakbang pa lang ang nagagawa nang may umakbay sa akin at sa mabilis na kilos ay ipinaikot ako upang maipaharap muli kina Levy at Grace.
"The intelligent Levy Hydari is here. What a sight to see!" It was Niro. I rolled my eyes. Kahit kailan talaga, paepal!
"Can your filthy hand get off me? May race pa ako—" Mas dumiin ang pagkakapulupot ng kaniyang braso sa aking leeg, enough para hindi niya naman ako masakal pero pabigat!
"Hydari with his girl. I see..." He nodded his head. "May I know your name, miss?"
I waited for Levy to deny what Niro has said but it didn't come. Mas lalo akong nagpuyos sa galit dahil doon, but I need to get a hold of myself. I just can't make a scene here.
"Hi, I'm Grace Falcon." nakangiting sagot ni Grace. She even extended her hand for a handshake, tinanggal naman iyon ni Niro. Kunot noo ko lamang iyong pinagmasdan hanggang sa ilagay niya na ang kaniyang kamay sa kaniyang likod.
"Girlfriend ko nga pala," Niro said in a teasing tone.
I almost punched him. Kung hindi lang ako nakapagtimpi, baka bumulagta na siya, kanina pa sana actually.
"Boyfriend, huh?" Levy asked. His clenched fist told me that he is just holding back his wrath.
"Felia, mag uumpisa ng ang race niyo!" Africa shouted from somewhere.
I removed Niro's hand on my neck. Hindi na ako nagabalang makipagsagutan pa kay Levy.
Dahil kami na ang susunod na maglalaro, lahat ng mga tao ngayon ay nakapaligid sa amin. Naghihintay sa anumang susunod na mangyayari. At ang isa sa ayaw kung malaman nila ay ang pagiging magfiancé namin ni Levy. Ayaw kong isa iyon na gamitin nila para sa akin. Okay lang kung malaman nilang kami na dahil alam naman ng lahat na wala akong sineseryosong lalaki but the thought of them making something bad for Levy can't just be.
"Sandali lang naman, babe. Hintayin mo naman ako." Niro said playfully.
Levy became more furious, I could say that dahil susuntukin na sana niya si Niro pero bigla akong humarang kaya naiwan sa ere ang kamao nito pagkatapos niyang magmura.
Ayaw kong saktan niya si Niro dahil alam kung gagantihan siya nito. Kung bakit ba naman pumunta pa siya dito.
"Pwede ba, Levy? Huwag kang gumawa ng gulo dito? Just go back to your freaking car!" I exclaimed at him.
Anger is still in his eyes. Hinihintay ko siyang magsalita o umalis pero nakatitig lang ito sa akin. Hangang sa akbayan na ako ni Niro, hanggang sa tumalikod na ako, hanggang sa makalayo na kami. Iniwasan kong lumingon ulit dahil makikita ko lang siyang pinapanuod ako.
It hurts, but I don't know how I handled the pain. Siguro ay ayaw ko lang siyang pagtuonan ng pansin ng mga tao o dahil ba galit siya sa akin? Dahil ba iniwan ko siya? Dahil hindi ko natanggap na hindi niya man lang itinaggi na girlfriend niya si Grace.
When the organizer instructed us to ride into our car, wala na akong ibang nilingon pa. I just want this race to be over.
I started the engine. Ilang beses ko pang tinapakan ang break habang mas humihigpit ang hawak ko sa staring wheel. Sinusubukan ko na lang balewalain ang sakit sa aking dibdib. A lone tear almost fell from my eyes,mabuti na lang at napunasan ko iyon kaagad.
Pagkalabit palang ng baril ay agad ko ng pinaharurot ang sasakyan ko. Mahigpit ang kapit ko sa manibela, doon ko inilalabas lahat ng inis ko kay Niro. Kung hindi sana siya nangialam pa kanina hindi magagalit si Levy ng ganoon.
Gigil na gigil kung inapakan ang accelerlator dahil nakukulagan pa ako sa bilis ng pagpapatakbo ko.
I glanced at my rearview mirror. Napangisi ako nang makita ko ang kotse ni Niro. s**t lang! Gustong gusto kong banggain nalang ang sasakyan niya. Lumipat siya sa kabilang lane kaya nama ay nasa gilid ko na siya.
Ilang segundo kaming nagkatapat. Hinayaan kong maging gan'on. I just want to think that I will let him defeat me.
I bit my lower lip and looked at the road. Nang malapit na kami sa finish line ay saka ko lang mas pinabilis ang sasakyan ko.
I stepped at the break when I finally reached the finish line. The break created a loud and screeching sound before the car stopped. Kinalas ko agad ang seatbelt ko bago lumabas.
"Congrats!" nakangising salubong sa akin ni Africa.
Tumango ako sa lahat ng bumabati.
Lumingon ako sa kadarating lang na si Niro. Ang mga kalaban namin ay wala pa. Bumaba si Niro. Lumapit ito sa akin.
"Send the money on my bank account," sabi ko. Pagkatapos ay hinagis ang susi ko kay Africa na agad naman niyang nasalo. Tumalikod na ako at naglakad paalis doon.
Kinuha ko ang cellphone ko at dinial ang numero ni Levy para tawagan. Inipit ko ito sa aking kaliwang tainga habang abala sa pagtatangal ng gloves ko. Hangang sa mag end ang ring tone ay hindi niya parin sinasagot.
Dinial ko ulit ang numero Niya. Baka sakaling sagutin niya na ngayon. Aakyat na muna ako sa terrace para kunin ang bag ko bago ako umuwi. Walang tao ang naroon kaya pagkakuha ko ng bag ko ay bumaba na agad ako.
Nilagpasan ko lang si Niro na nakaabang sa akin. Sumuod naman siya. Sinabayan niya akong maglakad. Ang mga nakakakita sa amin ay may Iba't-ibang reaksiyon. Naghihintay sa anumang biglang mangyari.
Magkasabay ba namang maglakad at magkausap pa ang dalawang magkalaban sa larangan ng Gang. Dapat mo iyong paghandaan. Dahil hindi natin alam kung ano ang pwedeng mangyari.
"Mukhang wala atang maghahatid sa'yo," nangaasar na wika niya.
"Really, Niro? Tss 'wag mo akong angasan ngayon dahil baka sa hospital ang uwi mo!" tuloy parin ang lakad ko.
"Ouch. Kung si Levy ang hinahanap mo, tss umalis na yon, iniwan ka at sumama 'yon kay Grac—"
"Can you please shut your f*****g mouth Niro? Dahil wala akong pakialam sa'yo!" kalmado pero madiin kung wika. Nagtitimpi lang ako sa lalaking ito kanina pa, e.
Sinubukan ko ulit na tawagan si Levy at halos mabasag na nga ang cellphone ko kakapindot. Kung hindi niya rin pala ako sasagutin itapon niya na lang ang cellphone niya. Punyeta siya.
"Sino bang magaantay kung nakita mo na may kahalikang iba—"
Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay sinuntok ko na siya. Nakarinig pa ako ng paghiyaw mula sa paligid. Dapat kanina ko pa ito ginawa eh. Nakangisi siya habang pinupunasan niya ang dugo sa kaniyang labi. Tila nagtagumpay siya sa kaniyang misyon.
Iniwan ko siya doon. Pinagsawalang bahala ang mga tingin ng mga tao sa paligid. Iilan lang ang nakakita ng pagsuntok ko kay Niro pero alam kung malalaman rin ng lahat yon.
Tumigil ako sa labas ng gate. Pinagiisipan ko kung pupunta pa ako sa pinagpark-an ni Levy kanina o hindi na. Baka Kasi kapag pumunta ako don at wala siya. Nakakapagod pag ganon.
Galit siya sa akin. Baka wala nga talaga siya doon. Umalis na siguro kasama niya si Grace. Hindi niya pa sinasagot ang tawag ko.
Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may bigat na nakadagan sa puso ko. Na sa isip ko ay galit siya sa akin at umalis na siya kasama niya si Grace.
Kung tawagan ko siya ulit at kapag hindi niya sinagot. Magpahatid na lang ako kay Africa. Pero ganon nalang ang panggigigil ko dahil ubos na pala ang load ko. Napa buntong hininga ako.
Wala akong choice kundi bumalik roon sa loob para puntahan si Africa at magpahatid.
Ayaw ko nang tignan pa kung nandon pa nga ba si Levy o wala na. Ayaw kong umasa. Dahil alam ko namang hindi ako importante sa kaniya.
Tumalikod na ako at nakakailang hakbang palang ako ng marinig ko ang boses ni Levy. Parang lumiwanag ang paligid ko kahit gabi na.
"Where are you going?" Walang buhay niyang tanong. Alam kong galit parin siya pero masaya lang ako dahil nandito parin siya at hindi ako iniwan.
Nakangiti akong humarap sa kaniya. Pero ganon nalang kadali ang pag kawala ng ngiti sa aking labi ng makita ko si Grace na nasa tabi niya.
"May nakalimutan lang ako sa loob." mahina kung usal pero tama lang para marinig niya.
Ano pang ginagawa ni Grace Dito? Magkasama ba sila kanina pa? Marami akong gustong itanong kay Levy na hanggang sa isip ko na lang.
"Nakalimutan mong magpaalam sa lalaki mo?" sarcastic niyang tanong. "Nakalimutan mo bang mag goodbye kiss sa kaniya?" Tumitig ako sa kaniya. Ilang segundo akong nakatulala.
Kumunot ang nuo ko at ikinuyom ang aking kamao.
"Ikaw bakit ka pa nandito dapat umalis ka na kasama ang babae mo. O baka hinintay mo lang ako para makita ko na kasama mo siya. Oh Ayan na nakita ko na kayong magkasama puwede ka ng umalis." kalmado kong wika. Pinipigilan ko lang na sumigaw. Mahigpit na mahigpit ang kapit ko sa sling ng bag ko.
Bumuntong hininga ako pagkatapos ay ngumiti ako. Umaaktong hindi ako naapektuhan pero sa loob loob ko ay pinapatay ko na silang dalawa.
Tumalikod ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.
"Fuck." I even muttered a curse.
Itutuloy-