Felia
Nilapag ko sa lamesa namin ang in-order kong pagkain. Nakasimangot namang sumunod na umupo sa harap ko si Almira.
"Anong inuupo-upo mo riyan?" Mataray kong tanong. She shrugged her shoulders and her lips tugged downwards.
"Yung pagkain ni Celine balikan mo na, 'wag mong asahan na ako ang babalik d'on."
Nagkatitigan kami sa huli, siya rin ang unang sumuko. She rolled her eyes in the air at bumulong-bulong pa.
Si Celine ay nasa locker room. May kukunin raw siya kaya nauna na kami rito sa cafeteria. Hindi kami kakain ng wala pa ang isa, kaya kahit gutom na gutom na kami ay talagang hihintayin namin. Ilang minuto pa naming hinintay bago siya dumating. Nang nakarating ay may dala rin pala siyang chismis.
"Felia, may nag-aaway raw sa second floor!" Wika ni Celine ng maka upo sa harap ko. Dahil sa excitement niya ay nahampas niya pa sa braso si Almira. Mag uumpisa palang kaming kakain pero may istorbo na naman.
Nabitin sa ere ang kutsara na isusubo ko na sana.
"Hayaan mo sila," sabi ko at nag simula nang kumain, binalewala ang balita ni Celine.
Gutom na ako at ngayon ay may nang-i-istorbo pa, at ano ngayon kong may nag away nga? Is it required to care?
Tumayo si Celine sa gilid ko at namaywang. Ramdam ko ang madiing titig niya sa akin. Kahit hindi ako direktang nakatingin sa kaniya ay alam ko na ang pagkurba ng isa niyang kilay.
"Pumunta ka na bago pa lumala ang away!" She ordered, but I acted like I didn't hear anything.
"Alam naman nating ikaw lang ang nakakapagpatigil sa mga yon, diba? But now you're acting like nothing's happening? Why is that?" Halata na sa kaniyang boses ang iritasyon.
Umirap ako at ngumuso.
"Para saan pa ang guidance office kung hindi dadalawin ng mga estudyante? Hayaan niyo sila, matatanda na sila at may mga isip na. May mga utak naman na siguro sila para maisip na kapag nagpatuloy sila sa pag-aaway ay malamang na madadalaw nila ang guidance office." Nagpatuloy ako sa pagnguya at nagkibit balikat.
Problema na ni Tanda 'yon. Para naman hindi masayang ang pinapasweldo sa kaniya.
Gutom na gutom na ako, ha? Pero kung maka-utos naman 'tong mga 'to, akala mo wala akong karapatang kumain at mabusog.
Kaninang kasama ko si Levy hindi ko naramdaman ang gutom at kung hindi niya pa ako ininis ay hindi ko pa naramdaman na nagugutom rin pala ako.
"Ano ka ba, Felia? Puntahan mo na bago pa sila magpatayan doon!" Pangungulit ni Celine habang si Almira ay tahimik lang na kumakain sa tabi niya.
"Dalhan ko pa sila ng bulaklak sa burol nila," wala sa sarili kong sinabi.
"Mga bagong salta lang daw ang mga iba doon," si Celine na hindi man lang kami nilingon.
"Puntahan mo na, Felia!" she added at mas lalo pang nangulit at sumabay narin itong si Almira na kain nang kain.
Marahas na buntonghininga ang aking pinakawalan.
"Ano ba? Kumakain ako, oh? Huwag niyo akong pilitin na pumunta doon at baka masapak ko lang 'yong mga 'yon! Kung mapilit talaga kayo, kayo na lang ang pumunta." Naiinis na sinabi ko na ikinatahimik nilang dalawa. "Titigil din ang mga iyon kapag napagod!" Dagdag ko pa bago ako nagpatuloy sa pagkain.
I heard them sigh as a sign of defeat. Nang nawalan ng pagasa ay umupo na lang din sila sa aking harapan at kumain ng nakasimangot.
Tahimik ang aming table kaya naman naigala ko ang aking mga mata sa paligid habang ngumunguya.
Maya-maya pa ay napalingon ako sa banda nila Levy kung saan nakita ko na kausap niya si Grace—ang isa sa mga kinakaiinisan kong babae. Ang pabebeng nililigawan niya.
Pangiti-ngiti pa si Levy habang nakikipag-usap kay Grace. Kung nakakamatay lang siguro ang talim ng tingin ko ay kanina pa sila nakabulagta sa sahig.
Isang tikhim mula kay Celine ang narinig ko kaya naman napabaling ako sa kaniya, at ang gaga... nakangisi pa!
"Buti nalang hindi nakamamatay ang talim ng tingin 'no..." panunuya niya pa habang naiiling na nakangiti.
"Oo nga eh...pero itong kamao ko siguro nakakamatay 'no? Gusto mo subukan natin sa'yo?" Taas kilay na hamon ko na ikinasimangot naman niya.
"Try mo daw!" pang aasar ni Almira na naunang natapos kumain. Nasa kalahati palang ang nauubos namin ni Celine.Tapos na siya.
"Bakit hindi ikaw?" Hindi papatalong hamon naman ni Celine.
"Bakit ako, eh ikaw nga ang unang hinamon, eh." Nang aasar na sagot naman ng isa. Habang tumatawang umiinom. Dahil sa kakatawa ay nabulunan siya.
"Mabuti nga sayo... Ang bilis ng karma noh?" Maarte at mataray na sinabi Celine na ngayon ay ngingiti-ngiti ng kumakain.
"Hi, babe!" bati ni Gaby na umupo sa tabi ko at inakbayan pa ako. Matangkad, gwapo at magaling siyang humalik kaya pinag tsatsagaan ko na. Isa siya sa mga manliligaw ko at isa rin siya sa pag lalaruan ko. Nginitian ko siya at mas binilisan ng kumain.
"May Race tayo mamaya, ha?" pagbabalita niya.
"Hindi pa gawa ang kotse ko!" Sabi ko habang ngumunguya. Nuong last race ko kasi ay bumanga ako sa puno kaya wasak ang harapan ng kotse ko mabuti nalang at kaunting galos lang ang natamo ko. Kundi matagal na naman na sermon ang abot ko.
"Hiramin mo yong akin!" alok pa niya.
"Fine!" maikling sagot ko.
"Okay bye see you later!" Sabi niya at mabilis na hinalikan ako sa labi at umalis. Ngumiwi ang dalawang kaibigan ko. Pagkaalis niya ay nag simula na ang pag rarant nilang dalawa tungkol sa mga boys ko.
"Wag kayong ngumiwi riyan mas malala pa kayo sa akin." wika ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang table nina Levy at naabutan ko ang galit na ekrpresyon ng kaniyang mukha. His jaw clenched. Nag-iwas siya ng tingin. He diverted his gaze on the glass he was holding. Nagtatawanan ang mga kasama niya sa kung ano samantalang siya at nagmumukhang galit. A smirk escaped my lips.
Ilang sandali niya pang tinitigan ang baso kaya nag-iwas na ako ng tingin. I was about to talk to my friends nang narinig ko ang malakas na sigaw ni Grace.
My brows furrowed and my eyes averted to their table again.
Naabutan ko ang kabado at nag-aalalang pagdalo ni Grace kay Levy at ang paghaplos nito sa kaniyang likod.
Ugh. Nakakairita!
Isinantabi ko muna ang inis ko nang napansin ang dumudugong kamay ni Levy dahil sa nabasag na baso.
"Are you okay?" malambing na sinabi ni Grace na nagpagising sa iritasyon ko.
Okay na sana, eh. Bakit kailangang may higad pa?
"Someone got mad dahil may hindi magandang nakita..." makahulugang bulong ni Celine. Napabaling ako sa kaniya at naabutan ang kaniyang ngisi.
"Ay, apir tayo diyan, beshy! Parang may nasagap din yung radar ko, e. Pero shut up na lang ako kasi alam mo na... baka masapak tayo diba?" ngumiwi si Almira.
Umirap ako sa kawalan.
May mga iilang estudyante ring nakidalo na rin sa kanina. My gosh! For all I know, magpapansin lang naman 'yang mga 'yan at makikichismis.
Naistorbo ang paninitig ko sa lamesa nila nang mag-ring ang cellphone ni Celine. Nalipat ang tingin ko sa kaniya. Pinagmasdan ko ang bawat galaw niya.
"Hello?" Iyon ang una niyang sinabi. Kumunot ang kaniyang noo at nagkasalubong ang kaniyang kilay. "Hmm, okay..." aniya bago ibinaba ang kaniyang cellphone.
"Felia pumunta ka raw ngayon sa office ni Dean!" abiso sa akin ni Celine. Tumikhim siya at nilingon ang banda nina Levy. "Isama mo raw si... Levy." nakangiting dagdag niya pa.
Nagtaas ako ng kilay at umirap.
"Edi sabihin mo sa kaniya," sabi ko at tumayo na.Tapos na akong kumain at busog na ako kaya pagbibigyan ko na ang hiling ni Tanda. I mean Dean. Whatever.
"Ikaw na lang." Aniya sabay lahad sa pagkaing halos hindi niya pa nababawasan.
"Sige na nga!" Napipilitan kong tugon. I poured while looking at their direction.
Tumalikod ako at nagsimula ng maglakad. Hindi papunta kay Levy kun'di para lumabas.
As if naman pupuntahan ko siya para tawagin. Suwerte naman niya kung gagawin ko pa 'yon.
Bahala siya sa buhay niya!
Pagkalagpas ko sa kanilang lamesa ay narinig ko ang pagsigaw ni Celine na umalingawngaw sa buong cafeteria.
"Felia, sabihin mo kay Levy!" sigaw niya.
Umirap ako at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makalabas. Bakit ako pa ang uutusan niya kaya niya naman palang sumigaw.
Itutuloy—