Chapter 05

1228 Words
Felia Walang katok akong pumasok sa office ni Dean at doon ko siya naabutang kausap sila Tray at ang tatlo nitong kasama at ang isang kaninang binugbog nila. Napataas ako ng kilay nang makitang may kasama na itong apat na lalaki na puno rin ng pasa at galos ang kanilang mga mukha. Alam ko na kong bakit ako at si Levy ay pinapunta rito. Umigting ang panga ko habang nakatingin sa grupo nila Tray. Akala ko ba susunod sa mga usapan ang mga ito. "Maupo ka, Ms. Dornan." Si Dean. "Gaano ba katagal ang pag uusap at kailangan ko pang umupo?" Walang gana kong tanong. Ano pa't naging Dean siya kong ako rin pala ang lulutas ng problem. Dapat ako nalang pala ang naging Dean at siya ang naging studyante tutal ako naman ang gumagawa ng trabaho niya. "Mga trenta minutos at mas mapapadali ang paguusap kung susunod ang mga batang ito!" Saad ni Dean na halos mapanot na kakakamot sa kaniyang ulo. Akala mo naman talagang stress sa problema. "Nasaan si Levy bakit hindi mo kasama?" tanong niya. As if on cue. Bago ako makasagot ay bumukas na ang pinto at doon pumasok ang seryosong si Levy. Magkasalubong ang kilay at matalim ang mga matang ipinukol sa akin. "Magandang araw, Dean." Bati niya na ikinatango naman ng huli. "Maupo ka, Mr. Hydari," inimuwestera nito ang bangkong nasa tabi ko. Walang salita itong umupo na hindi man lang ako tinapunan ng tingin bago siya makaupo. "Alam niyo naman na siguro kung bakit ko kayo pinapuntang dalawa rito?" Panimula ni Dean habang ang dalawang siko ay nakapatong sa kaniyang table. Malamang! Gagawin namin ang trabaho mo. Duh? "Yes, Dean." Si Levy lang ang sumagot. Nakita ko ang kaniyang pagngiwi dahil siguro sa kaniyang sugat. Kung masakit naman pala ay dapat na dumiretso na lang siya sa clinic para magamot itong sugat niya! "Anong problema niyo bakit kayo nandito? Alam niyo naman ang mga patakaran dito diba?" walang gana kong tanong sa mga lalaking nakayuko sa harap namin. Kung alam ko lang na sila ang mang iistorbo sa akin, sana pala baseball bat ang ginamit kong pinang sampal sa apat ng mga ito para nasa hospital sila at nag papagaling, hindi yong nandito sila at ako ay ginagambala nila. Wala ni isa sa kanila ang nagbuka ng bibig para makasagot kaya naman ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Sumagot kayo, Tray!" Hindi ko na napigilang sumigaw. "Wag kang sumigaw..." si Levy habang sinusubukan akong pakalmahin sa pamamagitan ng paghawak niya sa aking palapulsuhan. Napatingin ako sa kamay niyang nakalapat sa aking braso. "Dont touch me." Matalim ang tingin na iginawad ko sa kaniya. Hindi niya ba matandaaan ang sinabi ko sa kaniya kanina na hindi niya na ako pwedeng hawakan? Si Dean naman ay tahimik lang na pinapanuod kami. Nasanay na siguro siya sa mga ganitong eksena. "Alam n-namin ang mga patak-aran!" nauutal na sagot niya, habang ang iba niyang kasama ay nakayuko lang. "Alam niyo naman pala pumatol pa kayo sa mga baguhan na mga ito?!" Mas tumaas ang boses ko. Umangat ang kamay ko para ituro ang mga bagong salta. "Kayo naman, alam naman na siguro ninyo ang mga patakaran bago kayo pumasok dito?" "Alam namin pero walang hiya itong mga ito binugbog ang mga kasama namin!" Sabi noong isa. Alam kong ito ang pinuno nila dahil itsura palang sa laki ba naman ng katawan. "At sino ka ba?" dagdag ng isang kasapi ng mga baguhan. Humalukipkip ako at ipinilig ang ulo sa isang banda. Isang ngisi ang iginawad ko sa kaniya. "Babae ka lang akala mo kung sino ka na!" Bulyaw ng boss nila na siyang ikinapikit ko. I absorbed all of his prejudices. Nang matapos siya ay saka ko lang idinilat ang aking mga mata. Matalim ang mga mata at nakangisi akong tumitig sa kaniya. "Baguhan ka nga. I admire your courage to question my capabilities but I must say na isa kang basura para maliitin ang babaeng tulad ko." My jaw clenched as much as my fist did. "Ang yabang mo ah!" Sigaw niya kaya naman hindi ko na napigilan. Mabilis ang naging kilos ko. Inisang hakbang ko ang pagitan namin at inambahan siya ng suntok dahilan ng madiing pagpikit niya. "Mayabang ka pero takot ka sa akin!" naka ngising wika ko habang ang mga kamay ay nabitin sa ere. "Felia!" Sita ulit ni Levy ngunit hindi ko siya pinansin. Isa pa itong buwisit na to, eh! Wala na ngang ginagawa kinukuntra pa ako. Bakit Hindi nalang siya tumahimik at pabayaan ako rito sa mga ito. "Marami pa kayong kailangang malaman tungkol sa akin, okay? Don't just conclude. Huwag kang manghula dahil ikaw rin..." pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Baka pagsisihan niyo!" "Nasobrahan ka sa yabang!" "Thanks for the reminder. Hindi lang sa yabang—pati na rin sa ganda." Umirap ako at tinalikuran sila para makabalik na sa kinauupuan ko kanina. Hindi man ako nakaharap sa kanila ay alam kong tumayo pa siya at umamba rin ng suntok at kagaya ng inaasahan ko, isang babala ang narinig ko mula kay Levy. "Sa oras na dumapo ang maruming kamay mo sa kahit na anong parte ng katawan niya. Maghukay ka ng sarili mong libingan." Banta ni Levy sa lalaki na ngayon ay inaawat na ng kaniyang mga kasamahan. "Akala mo kung sino kang makaasta, eh pare-pareho lang naman tayong estudyante rito!" Natawa ako sa sinabi niya. "Dean bakit siya ang nakikipag usap sa amin bakit hindi ikaw?" tanong ng isang lalaki mula sa grupo ng mga baguhan. "Makinig lang kayo sa sasabihin niya!" Ang sagot ni Dean na nag patahimik sa kanilang lahat. "Almero, akala ko ba maangas ka at walang kinakatakutan bakit ngayon parang umuurong ang yabang mo naguusap lang naman tayo?" "Hindi ako n-natatakot sayo!" "Iba ang nakikita ko sayo," naka ngising sabi ko. "Bakit nga ba matatakot ang leader ng Gangster Blade sa isang babaeng kagaya ko lamang, hindi ba?" Nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa sinabi ko. Hindi makapaniwala ang ungas na kilala ko siya. "Paano mo nalaman na leader ako?" takhang tanong ni Almero. Nakita ko ang paglunok niya. "Paanong hindi kita makikilala, halos kilala ka na yata ng buong Hegde University dahil sa pagiging leader mo na walang kakuwenta-kuwenta." Nakangisi at walang buhay kong untag. Galit ang mga mata nitong tumitig sa akin. Alam kong napahiya siya sa sinabi ko pero wala akong pakialam. Wag niya akong subukan hindi ko lang siya papahiyain. "Gusto niyo akong makilala hindi ba? Puwes magsasayang ako ng oras para magpakilala sa inyo kung gan'on!" Sabi ko at tinignan ko sila isa-isa. "Pero sa oras na makilala niyo ako, wag na kayong mag papakita pa sa akin. Hindi ako takot na mabawasan ng mga pangit sa mundo." May takot sa mga mata nila kaya napangisi ako. Ang grupo nila Tray ay tahimik lang na nakamasid at nakikinig sa akin. Alam nilang lahat maliban sa bagong salta na mga ito na sa oras na makilala nila ako ay siguradong mawawala sila sa paaralang ito. Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Levy sa tabi ko kaya naman napabaling ako sa kaniya. His eyes were pleading. Tila ba sinasabihan ako na huwag nang magsayang ng laway sa mga walang kuwentang nilalang na nasa harapan namin. What ever. Itutuloy—
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD