Felia Dali dali akong tumakbo. Hingal na hingal ako ng makarating ako sa harap ng pintuan ng classroom namin. Pinihit ko ang door knob kaya lang ay naka lock na ito. Malakas ko iyong kinatok. Walang nag bubukas. Kaya sa pangalawang beses ay mas malakas na ang pag katok ko. Wala akong pakialam kung masira ko ang pintuan pero sisiguraduhin kung isusunod kung sisirain ang pag mumukha ng teacher na nasa loob. Hindi ko nga alam kung sino ang teacher ngayon dahil pa papalit palit ng schedule ngayon. Dahil sa pag kakaroon ng mga biglaang meeting ng ibang teacher dahil sa nalalapit naming acquaintance party. Ang pinaka gusto ko lang naman sa mundo ng pag aaral ay maliban sa recess ay ang pag kakaroon ng program dito sa school namin. Dahil kapag malapit ng ganapin ang isang program ay nagigin

