Felia Kakalapag palang ni Levy nang pag kain ko ay tumunog ang phone ko. Tss. Pwede bang pakainin muna nila ako. Lagi nalang may nang e-isturbo tuwing gutom ako o kaya naman ay kung kakain ako. Inis kong kinuha ang phone ko sa bulsa ko para sana e turn off muna. Para naman walang isturbo. Nagugutom na kayo ako. Hindi ko pa nga nagagalaw ang pag kain ko. Nakita ko ang pangalan ni Africa sa screen ng phone ko. Agad ko itong sinagot habang nakatangin kay Levy na abalang inaayos ang pag kain ko. "I have a chicka, nandito ako ngayon sa loob ng kotche ko, dito sa tapat ng gate ng school niyo at alam mo ba kung sino ang nakikita ko ngayon?" bungad sa akin ni Africa. Kumunot ang nuo ko. "Abah malay ko sa'yo, hindi ako mang huhula kaya wag mo akong tanunging ng ganiyan, sabihin mo nang direts

