Felia
"Nap'ano ka at ganiyan ang lakad mo?" tanong ni Grandpa nang nakita akong medyo paika-ika ang aking lakad. Pare-pareho lang ang reaksiyon at tanong nila Vica at Kuya.
Halos mapapikit at napadaing ako sa sakit nang dumiretso ang lakad ko. Umupo ako sa upuan ko at nagsimula nang maglagay ng pagkain sa aking plato. Pinapanood nila ang bawat galaw ko.
Ang isang kamay ko na nasa aking hita ay madiin na nakakuyom doon, kumukuha ng lakas para maibsan ang pagkirot ng aking gitna.
Buhat buhat nga ako ng ihatid ako ni Levy sa kwarto ko kagabi. Dahil hindi ko na kayang maglakad sa sobrang kirot ng nararamdaman ko. Ganoon pala iyon kapag first time, talagang masakit. Kaya naka-ilang kurot at suntok sa akin si Levy kagabi. Sinisi ko talaga siya sa mga naramdaman kong parusa ngayon.
Hindi ko alam kung paano niya ako naiakyat kagabi, dahil nagising nalang ako nang nasa kama na ako at pinupunasan niya ng maligamgam na tuwalya ang gitna ko. Ni hindi ko na nga maalala kung anong oras siyang nakauwi. Dahil nakatulugan ko na siya pati na rin ang nararamdaman kong sakit.
"Nagpapraktis lang ako para sa gagawin naming act, Grandpa!" nakangiting sabi ko at nagsimula nang kumain.
"Tsss. Praktis praktis pa akala mo naman tataas iyong grade kapag magaling umakting," wika ni Vica.
"Pakialam mo," sabi ko at mabilis na ngumunguya habang matalim ang titig ko. Ang aga aga nang gigigil ako sa babaeng ito.
Kung makabara naman ito, akala mo yun lang ang alam gawin sa buhay, e. Tss. Nakakaimbiyerna.
"Iwasan mo na ang pakikipag away, Felia. Dahil kapag nakita ka ni Uma na may mga galos at pasa malalagot ka!" seryusong banta ni Kuya. Na dapat ko talagang seryosohin dahil alam kung totoo Naman iyon.
"Tss. Kaya nga siguro paika- ika siya dahil may pilay siya dahil nakipag away na na—"
"Can you shut up, Vica? Can't you just eat your food peacefully!" sabat ko. Tumikhim si Grandpa.
"Whatever!" bulong ni Vica ng nakasimangot pa.
"Palibhasa dahil ganiyan ka dahil naiingit ka!"
"Bakit naman ako naiingit sa'yo, e ang baba ng grades mo tapos partida mas maganda pa ako sa'yo!" mayabang na sabi ni Vica sabat irap at ayos ng upo.
Punyeta 'to. Ang sarap tusukin ng tinidor ang kamay. Ang talas ng tabas ng dila.
"At least, ako ang ipapakasal sa taong gusto mo!" pang aasar ko. Napangisi ako nang nakita kung paano siya natitigilan.
"Pati ba naman sa harap ng pagkainan hindi niyo mapigilan 'yang pag-aaway niyo!" hindi makapaniwalang wika ni Kuya.
"Siya ang nauna!"
"Inggit ka kasi kaya ang dami mong sinasabi!"
Sabay naming wika ni Vica.
Mas umigting ng panga ni Kuya sa mga isinumbat namin ni Vica sa isa't-isa. I could feel his anger about to blow up.
"Kung hindi niyo kayang manahimik sa hapagkainan, huwag kayong kumain dito!" bulyaw ni Kuya at padabog na binitiwan ang kaniyang mga kubyertos bago siya naglakad palayo sa hapag.
We were left there, dumbfounded at what just happened.
"It's your fault!" paninisi ko kay Vica sabat duro sa kaniya.
"Tsss. Ikaw ang may kasalanan, Felia. Ugh! The audacity to deny it." she rolled her eyes on me.
"That enough!" saway ni Grandpa at kinalampag ang lamesa.
Uminom ako ng tubig at tumayo na. Lumapit ako kay Grandpa para humalik sa pisngi niya para mag paalam kahit alam kong kaunti na lang din ang sasabog na siya sa galit.
I can't just understand this family so much. Ang daming mga issue sa buhay!
"Bye, Grandpa," I calmly said to my grandfather.
"Malapit na ang kaarawan ni Uma. Isa lang ang ibig sabihin nun, Feli. Malapit na ang engagement party niyo," wika ni Grandpa. Tumango ako at ngumiti sa kaniya kahit pilit.
I did not bother to utter a word. I left them and proceeded walking.
Tuloy-tuloy lang ang lakad ko. Walang hinto. Hangang sa makasay ako sa kotse ko. Nang mapaanda na ang makina at nai-lock na lahat ng pinto ay doon ko pinaghahampas ang manibela.
Sobrang kirot kasi ng gitna ko. Muntik na nga akong matumba kanina dahil sobrang kirot na talaga. Pinunasan ko ang luhang sunod-sunod na tumulo. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Levy.
Ilang ring lang ay sinagot na niya iyon. Nakayuko parin ako at nakapatong ang ulo ko sa manibela habang nasa tabi ang cellphone ko.
"Ang sakit sakit, Levy. Peste peste peste hindi ka na makakaulit pa sa akin!" nanggigigil na sabi ko. "Hangang halik ka nalang punyeta ka sobrang sakit hindi ko alam kung makakalakad pa ako ng maayos."
Matagal na tahimik ang kabilang linya kaya sinilip ko kung talagang sinagot nga niya pero nagka-count naman ang minuto.
"Hello punyemas, Levy magsalita ka!"
"Ah— hija... Pasensiya kana na pero wala na si Levy dito pumasok na sa school, naiwan niya kasi itong cellphone niya pero sasabihin ko sa kaniya kaagad lahat ng sinabi mo for him!"
"T-Tita?" nanlalaki ang mga mata kong tanong sa kaniya.
Fuck!
Halos mabitawan ko pa ang cellphone ko dahil sa gulat at alam kong pulang-pula na ang buong mukha ko dahil sa naramdamang hiya. Punyemas! Bakit ba naiwan pa ni Levy ang cellphone niya?
"Ma, sino yang kausap mo?" narinig ko ang tinig ni Levy sa kabilang linya.
"Oh. Ito pa pala si Levy, hija. Ibibigay ko na itong cellphone niya ha? See you soon!"
"Okay po, tita..." nakangiwi kong untag. Halos makapangsumpa ako ng tao. Lahat na yata ng mura ay nasabi ko na.
"Hello? You called. What is it?" bugad ni Levy.
"Magkaka-apo na tayo, Dong!" rinig kong sabi ni Tita kay Tito na ikinahiya ko. I even heard her squeaks on the background. Nasapo ko ang nuo ko. What the heck just happened?
"Ma!" Saway ni Levy sa kaniyang ina.
"Ingat, anak. I love you!" medyo mahina na ang boses ni Tita nang sabihin niya iyon. Halatang malayo na si Levy sa kanila. Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng kotse niya at ang pagandar ng makina ng kotse niya.
"What's wrong?" tanong niya nang marinig ang bahagyang pang daing ko ng maramdaman ko ang pagkirot na namn.
Binaba ko ang bintana ko nang kumatok ang bagong body guard ni Grandpa. Diko alam kung bagong hire dahil ngayong ko lang naman siya nakita.
"What?" tanong ko.
"Pinapatanong po ni sir Rodmir kung bakit hindi pa daw po kayo umaalis?"
"Huwag kamo siya tanong nang tanong at atat!" iritado kong sagot.
"At pinapasani po niya na ihatid mo na lang po daw si Ma'am Vica—"
"What? Ano pang silbi ng mga sasakyan na nandiyan at kailangan pa niyang sumabay sa akin? May pera siya. Kung gusto niya magtaxi siya!" sigaw ko. Sabay pinaharurot ang kotse ko paalis.
Baka hindi ko siya maihatid sa school. Baka sa mental ko siya ideretso. Dahil sobra na ang pagkabaliw niya.
"What was that!" napabuntonghininga na lang ako nang marinig ko ang boses ni Levy sa kabilang linya.
"Nothing." sagot ko."Fuc—k!" mura ko dahil sa biglaang pag preno ko dahilan ng pagkirot na naman ng gitna ko.
"What happen, Felia?" tanong ni Levy bago ko patayin ang tawag at basta nalang hinagis ang cellphone sa kung saan.
"Not now..." impit kong bigkas.
Kunot nuo kong tinignan ang mga sasakyang nakaparada sa gitna ng kalsadang di kalayuan dito sa puwesto ko.
"f**k fuckkk fuckkk!" Kagat labing anas ko. Kunting galaw ko nga lang ay masakit na.
Nag angat ako ng tingin ng may kumatok sa bintana na nasa gilid ko. Napangisi ako dahil sa makita. Agad kong binaba ang bintana ko. At naging pormal ang ayos ko, tila walang nararamdamang sakit.
"Ikaw talaga ang tipong tambangan ng mga yan!" wika ng nakangising si Teu. Isa siya sa miyembro ko at matalik rin namin siyang kaibigan nila Almira at Celine.
Kababata ko si Niro. Isa rin sa mabibilang ang pamilya nila sa pinakamayaman dito sa buong pilipinas. Matalik na magkaibigan ang pamilya namin kaya kami naging close at magkasundo.
"Tsss. Malakas ang mga loob kapag mag isa ako!" nakangusong wika ko.
"Hindi pa kasi nakakatikim sa'yo!" tawa at iling niya.
"Tsss. Hindi na yan magpapakita sa akin kapag natikman nila ang bagsik ko." may pagmamalaking wika ko . Sabay naman kaming natawa.
"At sino naman ito?" tanong niya. Sinundan ko kung saan ang inginuso niya.
"f**k. Bakit nandito si Levy?" Bulong at mapapikit kong tanong.
"Umalis na!" sala lang ako nag nag angat ng tingin ng marinig ko ang sinabi ni Teu. Wala na nga ang kotse ni Levy roon.
Peste. Mukhang may susuyuin na naman akong toyoin mamaya, a?
"Ikaw na muna ang bahala sa mga yan, Teu. I just need to fix something else. Mas importante ito kaya I need to go." paalam ko kay Teu na ikinatango niya.
Pinaandar ko ang kotse ko at mabilis na nagmaneho. Hiniritan ko ang sasakyan ko hanggang sila na mismo ang tumabi sa dadaaanan ko.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Levy pero na off ang phone niya.
Shit. Sinasabi ko na nga ba, e.
Itutuloy—