Chapter 27

1416 Words
Felia Kahit anong bilis ko sa pagmamaneho ay hindi ko na nakita pa ang kotse ni Levy. Hindi ko siya matawagan dahil naka-off ang cellphone niya—iyon ang sabi ng teller. Tinawagan ko sila Almira at ang sabi ay wala Naman daw naman si Levy sa room. Oras na kasi ng klase at late na naman ako. Nakangiwi kong hinampas ang manibela sa iritasyon. Naabutan ko ang security guard na isinasara ang gate kaya bumusina ako. Agad niyang binuksan ulit ang gate. Pagkatapos ay patakbo siyang lumapit sa akin ng sinenyasan ko siyang lumapit. "Nandito na ba si VP?" tanong ko sa guard nang nakalapit sa akin. Hindi pa ako tuluyang pumapasok sa loob ng binuksan niyang gate para sa akin. "Good morning, ma'am!" bati niya. "Kadarating lang po ni VP, ma'am. Siya po ang pinag buk—" "Okay!" sagot ko at basta nalang pinaharurot ang sasakyan ko. Magpapark pa lang ako nang nakita ko si Levy na kakababa lang sa sasakyan nito. Nang nakita ang sasakyan ko ay naging doble ang bilis ng galaw niya. "Levy!" sigaw ko. Ipinarada ko sa tabi ng kotse niya ang sasakyan ko. Dahil alam ko na ang pasikot sikot ay naiparada ko kaaagad ng maayos. Nang lingunin ko ulit si Levy ay wala na siya. Nasa loob na siguro iyon ng corridor dahil sa bilis niyang maglakad nang nakita ako. Mabilis kong kinuha ang gamit ko at lumabas na. Padabog kong sinara ang pintuan at inalarm ng lock ang kotse at saka ako tumakbo habang sinusukbit sa balikat ang bag ko. Bigla akong napatigil sa pagtagpo nang muntik na akong matumba mabuti na lang ay nakakapit pa ako sa malapit na pader. Ngayon ko lang naramdaman ang pagkirot ng nasa gitna ko. Halos mapapikit pa ako dahil sa sakit. Dahil siguro sa pag-aala sa kung anong iisipin ni Levy sa kaniyang nakita kanina ay nakalimutan ko nang masakit pala ang katawan ko lalo na ang gitna ng mga hita ko. Ngayon ko lang ulit naramdaman dahil sobrang sakit na dahil sa pagtakbo ko. Napasimangot ako nang hindi ko na makita pa si Levy. Wala siya sa corridor. Wala naring tao pa ang nasa labas. Hindi na siguro muna ako papasok ng first subject. Magpapahigna na muna siguro ako sa clinical ngayon. Tinext ko si Almira na hindi muna ako papasok ng first subject at kapag wala ako sa second subject ay huwag na nila akong hanapin. Hindi ko na rin sinabi kung bakit at kung saan ako pupunta. Matutulog at magpapahinga ako ngayon sa clinic kaya mayroon akong ilang oras ng payapa na tulog. Makakapagpahinga ako dahil walang maingay at istorbo. Huminga ako ng malalim at saka umayos ng tayo. Malapit lang naman ang clinic dito kaya ayos lang dahil hindi na ako aakyat pa ng hagdan dahil dito lang sa first floor pero sa pinakadulo pa nitong hallway rito sa kinakatayuan ko ngayon. Makakarating naman siguro ako don ng hindi hinihinamatay. Makirot at masakit talaga tuwing hahakbang ako kaya kailangan ko pang ngumiwi. Huminga ako ng malalim nang ilang beses bago nagumpisang maglakad. Talagang kumakapit pa ako sa pader para lang kumuha ng suporta para hindi ako matumba. Kapag may makakakita sa akin ay iisiping lasing ako. Dahil pagiwang-giwang ako kung maglakad. Bawat hakbang ko ay tumitigil ako. Mapapikit at napalunok nalang dahil sa sakit. Halos suntok suntukin ko pa ang pader dahil sa sakit. Napaayos lang ako ng tayo nang makita kung magkasama si Levy at Grace kakababa lang nila ng hagdan. Masaya silang nag-uusap. Hindi pa ata ako nakikita ng dalawa dahil patuloy lang sila sa pag kuwe-kuwentuhan. Papalapit na sila sa akin. Nagsimula na rin akin maglakad kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Nahihilo at nanlalabo na nga ang paningin ko. Akala ko hindi nila ako napansin pero ilang dipa ang layo namin ay kinausap na ako ni Grace. "Hi, Felia. Ayos ka lang ba? Namumutla ka eh," ani niya ng makalapit si Levy ay nasa likuran niya lang. "Ayos lang naman ako!' walang reaksiyong sagot ko. Nang lingunin ko si Levy ay hindi siya makatingin sa akin kaya napasimangot ako. Hindi ba diyan nag aalala sa akin yung isa diyan? Si Grace na namumutla ako. "Are you sure? Namumutla ka talga-" "Okay lang ako kaya huwag kang makulit!" inis kong wika. Tss. Ngumiti siya ng pilot at alam kong napahiya siya sa sinabi ko. Pakialam ko naman? "Okay!" mahinang wika niya. Umirap ako. Pavictim na naman. "Tsss. Matalino ka nga tanga nama-" "Felia!' banta ni Levy. Salubong ang kilay at matalim ang tingin sa akin. Pinag-krus ko ang dalawang braso ko sa aking dibdib. At tinitigan siya ng masama. Ibalik ko ang tingin kay Grace. "Wag ka ngang umakto na parang inaapi diyan. Tanga ka naman talaga laya ka naaasabiha—" "How dare you to say that to her!' angil ni Levy na ikinatigil ko. "Really, Levy?! Ipinagtatangol mo itong babaeng ito laban sa akin?" natatawang tanong ko. Pero sa totoo lang ay masama na ang loob ko. Gusto ko biglang manampal? "Tara na, Levy... l-let's just go." Maamong pag aya ni Grace. "Kung sabagay siya naman talaga ang totoong gusto mo diba? Dapat lang talagang siya ang ipagtanggol mo. Mas maganda kung siya na rin ang pakasalan mo!" madiing wika ko. "Wala kang karapatang sabihan siyang tanga da—" ani Levy na agad kung pinatigil. "Tumahimik ka at umalis na kayong dalawa sa harap ko. Wala akong panahong sirain ang naudlot niyong lambingan, pasensiya na at ako pa ang nakasalubong niyo. Sa susunod ako na ang iiwas. Magtatago na lang ako, okay?" sabi ko nang nakataas ang kilay at may pag mamalaki. Maangas at may class parin naman ang itsura ko kaya dapat ay taas noo lang hangga't kaya. "Tara na, Levy!" hinila ni Grace si Levy pero hindi nagpahila si Levy. Nakapamulsa itong mariing nakatingin sa akin. "Alis na! Huwag mong pahirapan iyang gustong gusto mo! " I playfully smirked pero ang totoo ay nanggigil na ako at gustong gusto ko na silang pag untuging dalawa. "Ayaw nitong umalis di ako ang aalis!" sabi ko at talagang sinadya kong dumaan sa gitna nila. Matigas ang katawan ni Levy kaya nang nadaanan ko at magdikit ang braso namin ay ako pa ang nasaktan pero hindi ko iyon pinakita. Si Grace naman a bahagyan napalayo. Patuloy lang ako sa paglalakad. Mabilis ang lakad ko hanggang sa makarating ako sa second floor ay doon na ako napasandal sa pader. Sobrang sakit na talaga ng nasa gitna ko. Ang init-init ng pakiramdam ko. Ang gusto ko nalang gawin ngayong ay ang humiga at matulog. Inis kong pinagsusuntok ang pader. Sa isip ko ay ang mukha ni demonyong si Levy at Grace. Ang lakas ng loob niyang ipagtanggol ang babaeng iyon sa akin. Ako pa ang naging masama. Totoo namang tanga siya. "What are you doing?" "f**k!" gulat kong untag marinig ko ang baritonong boses ni Levy sa likuran ko. Ganun pa rin ang ayos ko. Nakayuko at nakahawak ang isang kamay sa pader. Hindi na ako nag abala pang umayos ng tayo. Bakit pa? E, siya naman ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. "Bakit nandito ka pa?" mahinang tanong ko nang hindi siya nililingon. I waited for his answer, but nothing came. Nilingon ko siya ng hindi siya sumagot. Mag isa nalang siya wala na ang asungot na si Grace. "Umalis ka nga—f**k!" mura ko ng biglang kumirot na Naman. Halos nawalan pa ako ng balanse nang biglang umikot ang paningin ko. I gasped when he pulled my waist. Dahan-dahan iyon at may pag-iingat kaya hindi man lang ako nakaramdam ng sakit. "Hindi mo ba nabasa ang sulat na iniwan ko sa side table mo at pumasok ka pa talaga!" iritadong tanong ni Levy. "Hindi mo ako pinapasok para hindi ko makita ang landian niyo ng buwisit na asungot na si Grace!" "Tsss. Ano ba, Felia? Wala namang ginagawa sa'yo na masama si Grace bakit ganiyan ka sa-" "Tsss. Pwede ba huwag mo nga siyang ipagtanggol laban sa akin. Buwisit, at totoo naman ang mga sinasabi ko sa kaniya. Tanga talaga siya!" "Felia!" muling banta niya. "Huwag mo akong banta bantaan diyan baka pag untugin ko kayong dalawa, at ikaw ang may kasalanan nito!" pangsisisi ko. Nang buhatin niya ako at halos mapasigaw pa ako. He carried me bridal style, at wala na akong nagawa kung hindi ang pumikit at hindi na nakaangal pa dahil wala rin namang kuwenta iyon. "My little brat," he murmured. itutuloy-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD